05

346 22 7

narration
Areum





"kanina ka pa tulala." rinig kong sabi ni Haechan. Ramdam ko na may humawak ng kamay ko tas inalog 'to.



Tinignan ko kung sino yon at si Jeno yon.



"oh? Parang nakakita ka ng multo?" tas binaba na niya yung kamay ko. Medyo inalog ko yung ulo ko para bumalik sa realidad.



Tumingin ulit ako don sa lalaking nasa kabilang side ng restaurant pero kitang kita ko yung mukha. Tinatanong ko ulit sarili ko kung siya yon. Kasi alam kong siya yon.



Bumalik yung attention ko sakanila. Nagulat ako kasi lahat silang pito nakatingin sakin.



"oh? Kung nakakapatay lang ata yung tingin baka kanina pa ako patay." then I nervously took a sip of my drink. "pwede ba? It's intimidating." tas tinakpan ko yung mukha ko ng mga kamay ko.



"sino ba tinitignan mo don at kanina ka pa tulala?" tinaas ni Jeno yung kilay niya tas mas tumabi sakin para makita yung point of view ko. "yun ba yung lalaking yon na nakapink?" medyo nilayo na niya yung mukha niya tas humarap sakin na nakataas pa rin yung kilay.



"mukhang siya nga." lahat kami napatingin kay Mark na halatang tinignan yung reaction ko nang itanong yon ni Jeno.



Napatingin na sila ngayon kay Dongpyo na di ko pa talaga sure kung siya.



"si Dongpyo--" binigyan ko si Jisung ng "wag-mo-itutuloy-yang
-sasabihin-mo" look. Tinikom niya naman yung bibig niya tas nag peace sign.


"yung ex mo?" tanong naman ni Renjun. "okay now I know." napatango tango naman siya.


"wag mo na inisin baka umiyak na naman yan. Hirap patahanin niyan eh." napatingin kaming lahat kay Hyuck. "oh bakit?" tas kumain siya nung fries.



"hala hyuck ikaw ba yan?" tanong ni Mark, pero parang pang-aasar yung tono niya.


"sali kayo ng The Return Of Superman tas si Areum baby mo." lahat silang anim binigyan kami ng nakakalokong ngiti.



"para kayong tanga." tas dinaan ko na lang sa tawa.



"oh lika na tapos naman na tayo." aya si Mark. Tumayo na kami para lumabas ng mcdo.



Pero na malapit na kami sa may table na inuupuan nung lalaki kanina wala na siya, pero parang naiwan niya yung sweater niya.



Agad kong kinuha yung sweater. Nakita ko yung pagtataka nila Jisung sa mukha nila pero di ko yun pinansin.



Lumabas ako ng mcdo tsaka hinabol yung lalaki. And unconsciously, yung sinigaw ko.. .



"DONGPYO NAIWAN MO ATA YUNG SWEATER MO!!" sabay taas nung sweater na hawak niya. Inamoy ko yon. At don ko nalaman.




Sakanya nga 'to.




"thank you miss." nagulat ako ng nasa harapan ko siya. "hala miss okay ka lang? Bakit may luha ka?"



Di ako makasalita.



Nasa harap ko siya ngayon.




"miss eto panyo, punasan mo luha mo hehe." kita ko yung pag-aalala sa mukha niya.



Ramdam kong kinuha niya yung kamay ko tsaka nilagay don yung panyo.



"bye miss, thank you." he smiled one last time tsaka umalis.



Di ako makagalaw man lang o makapagsalita.



Tinignan ko yung panyo na inabot niya sakin. Naramdaman ko na naman yung sakit.



Di ko na napigilan umiyak.



"eto na naman ba?" ramdam kong may yumakap sakin at sakanya ko nilabas yung nararamdaman ko.






tangina Dongpyo, nagbabalik ka na naman.



sweater | son dongpyo | jacket book 2Where stories live. Discover now