DJ's POV.

Pagkalabas namin ng bahay nila, kinuha ko yung bike niya. Regalo ko sa kanya yun eh. Nung 2nd Year HS kami.

"KC, tara dali." Sambit ko.

She look puzzled. Ngumiti na lang ako sa kanya, tapos kinuha ko yung kamay niya, then sinakay ko siya sa likod ko.

Pinaandar ko yung bike. 8-10 minutes after, bumaba na kami.

Hinatak ko agad siya, then sabay kaming tumakbo dun sa beach. 

Yung beach na 'to, dito kami nagkakilala ni KC.

*FLASHBACK*

7 years old pa lang ako nun, nung una akong dinala nila Mama dito, walang bayad dito. Kahit sino pwedeng pumunta dito, malinis kaya dito. At ang ganda pa ng view.

Habang gumagawa ako ng castle mula sa buhangin, biglang may nag-bato ng beach ball sakin, isang batang babae, alam ko naman na ka-edaran ko lang siya.

"AISH!" Iritang sabi ko.

Yung mga mata niya, mukhang natatakot. "Sorry po.. Sorry." Sabi niya.

Nginitian ko lang siya, then ginulo ko yung buhok niya. "Okay lang.." Sabi ko.

Tapos tinatawag na siya ng Mommy niya. "Bbye na po.. Sorry kuya." KUYA?! :O eh mukhang ka-edad ko lang siya ha.

Tinawag ako ni Mama, "DJ, sino yun?" She asked.

Nagkibit-balikat ako, tapos tinuro ko yung family nung girl. 

Si mama naman, parang tinititigan yung pamilya nila. Tapos tumakbo siya. "MIN?!" Sigaw ni Mama.

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!