apology ♤ prologue - mall

9 4 8
                                                  

Isang araw na walang magawa. Kakauwi ko lang dito sa Korea matapos na mapagdesisyunan nina mama na dito ko nalang ipagpatuloy ang buhay ko. Hindi raw nila ako matututukan sa America kaya naman ibinalik nila ako dito sa Korea. Kahit naman na malaki na ako, hindi ko alam kung anong sumanib sa kanila para gawin nila to. Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero nakakapanggalaiti na rin kasi yung mga tao sa America.

Siguro, bata pa lang ako at halos wala pang isip nang ipadala nila ako sa America para dun mamuhay. Napapaisip nalang ako, ano kayang meron sa Korea? Anong pagbabago kaya ang mga meron nuong mga panahon na wala ako dito? Siguro halos lahat? Ni wala nga akong kilala dito bukod sa mga kamag anak ko at sa mga dati kong naging kaibigan.

Bigla naman akong napapitlag nang tumunog ang phone ko at nagsignal yun na mayroon akong mensahe. Pero galing naman kanino?

Chineck ko nalang, at nakita na isang message yun galing sa pinsan kong si Tine at si Hoshi. Silang dalawa talaga yung mga kilala ko dito, at yung childhood friend ko na si Piper. Although hindi na kami ganun nag uusap, nakakausap ko pa naman siya kahit na paano.

Chineck ko naman isa isa yung mga message nung mga pinsan ko, para naman malaman ang pakay nila sa akin. Malay ko nga naman ba kung anong gusto nilang sabihin? Baka mamaya may librehan palang magaganap at wala ako dun.

TINE KWON
active now •

tine
paige? nakarating ka
naman na ng ligtas diba?
HAHAHA gaga ka, uuwi
ka ba dito bukas?

tine
buti umuwi ka na
antagal mo kaming
pinaghintay.

Nang mabasa ko yung message niya ay hindi ako nagreply saka nalang binuksan yung kay Hoshi. Mamaya na siguro ako magrereply.

HOSHI KWON
active now •

hoshi
paige, kamusta pala
yung byahe? hindi ka
naman nagsabi na kagabi
ka pa pala nandito. punta
ka sa amin bukas, ah?
papahanda ako kay mama
sabihin ko dadating na
yung paborito kong
pinsan. wag mo sabihin
kay tine na sinabi ko yan.

hoshi
asan pala pasalubong ko?
HA?

Sineen ko na muna ulit yun dahil nagvibrate pa yung phone ko. Sino naman kaya yung magmemessage sa akin?

Kinlik ko agad yun, at nanliwanag ang mga mata ko nang makita ko na galing pala yun kay Piper. It's been ages!

PIPER LEE
active now •

piper
PAIGE? UMUWI KA DAW?
ANO BA, MAAAMAG NA AKO
AT LAHAT HINDI KA PA DIN
NAGPAPAKITA SA AKIN?

piper
BTW i'm free today hehe.
gusto mo ba magkita or
magpapahinga ka muna?

paige
hala hahaha hello
namiss din kita, oo -,-
but i'm free later, kaya
naman pwedeng pwede
mo akong gambalain.

piper
grabe ka naman sa
gambala hahahaha pero
sure. saan tayo magkikita?

paige
sa mall na malapit sa
kung nasaan ako?

apology ♤ koo junhoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon