01

487 26 31

narration
Areum







"hoy Jisung tangina." bungad ko pagkapasok sa dance studio.


"lutong naman niyan Reumie." di siya tumingin sakin, busy siya kakasayaw. Binaba ko naman yung bag ko.


"PAGOD NA KOOOOOO!!!" sigaw ko tsaka humiga sa sahig. Tas wala pa ring pake sakin yung gago. "waw thanks for your pagpansin sakin." umupo naman siya sa tabi ko.


"gutom na ako." sabi niya sakin. Di ko siya pinansin, babawian ko 'to. "hoy frenny pansinin mo akooooooo." hinawakan niya yung mga balikat ko tsaka inalog yon.



Di ko pa rin siya pinansin.



"di porket wala na kayo ni Dongpyo eh ganyan ka." nang marinig ko yon, tinapat ko agad siya tsaka pinalo ng tuluyan.


"puta ka, sumbong kita kay Chenle." pinapalo palo ko ulit siya. Tumawa naman siya.


"oh bakit mo naman ako isusumbong sa dolphin na yon?" hinawakan niya yung mga kamay ko para pigilan ako sa pagpalo.


"kay Kuya Renjun na lang pala." ngumiti siya tsaka nilapit ako sakanya. "ang landi mo shuta." tumawa lang siya.



"ikaw din naman ah. Tsaka di kita papatulan. Best frenny kita." tas lumayo na siya sakin tas ginulo na lang yung buhok ko.


"waw, as if naman papatulan din kita." inis kong sabi tsaka inayos yung buhok ko.


Habang nakatapat sa salamin, nakita ko na pumasok sila Kuya Jaemin tsaka sila Kuya Jeno.


"yow, wazzup sa favorite kong dongsaeng." bungad ni Jaemin. Nagulat ako kasi sakin siya lumapit, hindi kay Jisung.



"hala oh Jisung, di na ikaw favorite." pang-aasar ko sakanya.


"pake ko, favorite din naman kita." tinignan ko siya ng nakakainis ng mukha. Nakita ko sila Kuya Jaemin na may mapang-asar na ngitit.


"hoy tigilan niyo nga yan. Sumbong ko kayo kay Renjun eh." pabiro kong sabi pero di sila natakot. "o kaya ako yung sasapak sainyo."



"edi waw ka Areum." sabi naman ni Kuya Jeno tsaka nagplay ng music. "hoy labas tayo gutom ako."


"na naman?" sabay na sabi namin ni Jisung kaya nagkatinginan kami sa isa't isa. "tinitingin tingin mo?" sabay na tanong din namin sa isa't isa.


"nako nako." pumagitna samin si Kuya Jaemin tsaka hinila kami ni Jisung palapit sakanya. "manahimik na kayo, gutom lang yan." then he patted our heads tsaka umalis na.













"Areum, ang panget mo." imik bigla ni kuya Jeno habang patapos na kami kumain.


"mas panget ka." sabi ko naman. Tumayo ako para umorder ng isa pang ice cream. Tamad kasi 'tong mga 'to, sarap ibalibag.


Habang papunta don bigla akong mag nabangga.



Nanigas ako sa kinatatayuan ko.




"Areum? Kamusta ka na?" ang laki ng ngiti sa mukha niya.


"H-hwan?" di makapaniwalang tanong ko.


"ako nga, tagal na nating di nagkita. Simula nung...naghiwalay kayo ni Dongpyo." I smiled awkwardly tsaka politely na umalis sa harap niya.


Dumiretso ako sa washroom. Pumasok ako sa isang cubicle. Bumalik na naman yung lahat. Pati yung sakit.


Umiyak ako ng ilang minuto hanggang sa may kumatok. Pinunasan ko yung mga luha ko tsaka binuksan yung pinto ng cubicle.



It was a staff. "hi po miss, okay lang daw po ba kayo?" tanong niya.


"sino po nagpapatanong?" I tried to smile kahit mahirap.



"may lalaki po kasing nagpapatanong."



"o-okay lang po ako." then umalis na siya. Lumabas na ako ng cubicle tsaka nag ayos ng mukha.






eto na naman ako, babalik na naman sa nakaraan.




sweater | son dongpyo | jacket book 2Where stories live. Discover now