Bakit na f-friend zoned?

288 1 0
                                    

CREDITS TO: UST FILES

Mga dahilan kung bakit tayo nafe-friendzone

"Ating alamin ang mga dahilan kung ba’t di ka sinasagot ng taong gusto mo o kung bakit lagi nalang tayong nafe-friendzone

Unang una, ano nga ba ang mga dahilan kung bakit ayaw nila satin? Eto ay mga listahan ng mga karaniwang dahilan na aking naranasan at naranasan pa ng iba

1. Makulit - Araw araw mong kinukulit, yung tipong badtrip eh lalo mo pang guguluhin, nakowww mga brader intayin mo lang lumamig sila Saka mo na ulit itext o tawagan. Malay mo, may chance na mamiss ka nila diba?

2. Jejemon text - Naaalala ko dati nung di pa uso word na jejemon, ang dameng jejemon mag text, kahit ako aaminin ko pero piling letters lang. Balik sa topic, ayaw ng mga babae ng mga “jejemon” mag text. Proven and tested ko na yan, sa iba nga lang. Di naman lahat ayaw ng ganun. Kaya kung ayaw nila ng jejemon style mag text, mag normal texting kana.

3. Jejemon ang pormahan - Isa pa eto sa mga dahilan, isipin mo nalang mga brader, na ikaw ay isang babae na disente ang damit, sabay ang kasama mo eh jejemon manamit….. Diba? Saklap tignan hehehe. Kaya bago bago din, simpleng tshirt lang at pantalon at sneakers, swak na swak na yan!

4. Torpe - Naaalala ko ang isang tropa ko na torpe, niyaya ang babae na kumaen, alam niyo ang nangyare??? Ayun di sila nag usap, kasi ung lalaki nahihiya, nauutal utal pa sa kanyang sinasabe. Mga brader naman, ayaw nila ng mga torpe. Alangan namang sila pa ang mag start ng topic? Halllleeeer! Gumising kayo, di niyo mapapasagot ang mga gusto niyo nyan. Baguhin ang ugali na yan…

5. Walang tiwala sa sarili - Ayaw ng mga babae yang ganyang ugali, dapat ika’y buo ang tiwala sa sarili mo. Hindi ung iisipin mo, dame kong pimples kaya ayaw ko siya lapitan blah blah, wala akong pera nakakahiya naman kung sa tabi tabi ko lang sya ililibre. Nakow mga brader, di maaari ung ganyang dahilan, kahit san mo pa yan ilibre mapa fishballan man yan, maaapreciate nila yan pramis! Isa pang dahilan, ung payat ako, ayaw nila ng mga payat…. Ang gawin mo, wag kang maginarte lapitan mo na yan at kausapin, madame akong kilalang mga payat na mgaganda girlfriend. Kaya wag magalinlangan.

6. Inconsistent - Yung tipong mag tetext ka sakanya, kaso di araw araw. Mga di batid na araw ka nagtetext. Kunwari, monday nag text ka bigla bigla tapos next na text mo eh sabado na. Pag ganyan ang ugali mo brader, 100% sure di ka sasagutin ng babae niyan. Kaya ayos ayos din at ligawan mo araw araw yan. Tiyak kileeeg to the bones yang mga yan. Mahilig pa naman sila magpakipot

7. Walang pangarap - Ikaw ba ay pogi pero tambay? Nakoww mga brader, mas gugustuhin pa ng mga babae ung ordinaryong looks pero may panagarap sa buhay. Yung tipong nagaaral mabuti para makapag tapos. Kasi anong gagawin ng kapogian niyo kung wala naman kayong mapapakaen sa iyong magging gf na magging asawa mo sa future diba? Aral aral din ng mabuti mga brader. Para sa future mo din iyan. Ako na magsasabe mga brader, pag pogi ka + matalino = patok sa mga babae yan. Yan ang gusto nila ngayon

8. May bf/lovelife/special someone – Nako mga pre. Isa ito sa pinakahadlang kung bakit tayo nafe-friendzone. Isipin mo nalang, crush mo siya at crush ka niya. Pero meron na siyang mahal sad diba? Hanggang tinginan nalang kayo. Or usap usap. Pero pre, sabi ni master ramon “Ang mga manok na naka tali ay mas madaling hulihin kesa sa mga nakawala”. Tama nga naman. Pero ang tanong manok ba sila? May nararamdaman din sila. Wag na nating balakin pang manira ng relasyon kasi, i’ve been there na eh. Alam ko ang ganyang pakiramdam. Ang maagawan. Dramabels haha. Basta tandaan na isa ito sa ultimate na dahilan kung kayat tayo nafe-friendzone.

9. Boy banat – Ewan ko lang ah. Pero merong mga girls ang ayaw sa mga ganito. Kasi gusto nila yung pinapakita di yung puro salita lang. Pero wag magalala, sabihin man ng ibang babae na nabibwiset sila, deep inside my konting impact din to sakanila.

boy: nung nakita kita, naiisip ko CANDIES…

girl: huh? bakit?

boy: CANDIES be love? Boom!

girl: badtrip! bwiset! xD

10. Ayaw lang talaga nila sayo – Mahirap man isipin mga dre, pero kung ayaw nila satin, ayaw talaga nila satin. Yung tipong pag chinat mo sila lagi silang busy o anu pa mang dahilan. Minsan palusot lang nila yun kasi ayaw nila masaktan ang damdamin natin sa pagsasabi ng “Tantanan mo nga ko, ayaw ko sayo”. Pero may instances naman na kahit ayaw sayo, dadating ang panahon na magugustuhan ka din nila. Pero kadalasan sa movies lang to ah haha.

kebs

2013 

Faculty of Engineering

I'm just bored...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon