: fifteen_15

986 53 27
                                    

Daerim.



"Huy, bwisit ka talaga Pyo! Paano kapag di na ako pinansin ni Mr. Pogi?! Kakalbuhin talaga kita Son DongPyo!" pagmamaktol ko habang kumakain kasabay si Pyo. "Manahimik ka na nga! Kaya ang tagal mong kumain eh! Tsaka ikaw ang pa-hard to get ngayon kaya panindigan mo din 'yan!" sagot niya sakin.

"Alam mo namang marupok ako.." mahina kong sabi at tumingin naman agad sa akin ng masama si Pyo. Kainis kasi! Nahalata pa kami nitong si Minkyu. Kailangan ko tuloy magtaray sa kanya para maniwala siyang mag-jowa kami ni Pyo. Ang panget kasi umarte nitong kambal ko, palibhasa si Chanri ang gusto maging jowa eh.


Maya-maya naman ay lumabas na din kami ng bahay at sabay naglakad papasok ng school. Malapit lang naman yung school sa amin kaya hindi na kami nagkokotse. Kaso ang magaling kong kapatid, napakaharot. Binabangga niya ako ng binabangga habang naglalakad! Tapos ba naman, tuwing nasa likod ko siya pipilitin niyang tapakan yung likod ng sapatos ko. Bwisit talaga!

Hanggang sa binangga niya ulit ako pero masyado itong napalakas kaya natapilok ako, at what do you expect, napunta pa ako sa gitna ng kalsada. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin pero hindi nagtagal ay nakarinig ako ng malakas na busina.


Tumayo kaagad ako ng makita kong malapit na sa akin yung kotse. Sinubukan kong tumakbo papunta sa tabi pero laking gulat ko ng may dumating na sasakyan sa kabilang lane. Agad naman akong napatumba sa gulat, buti na lang at pumreno agad yung kotse.


"OH MY GOD!" malakas na sigaw ni Pyo na nag-aakalang patay na ako. Letseng kambal 'to, mas nauna pa ang "Oh my god" kesa sa tulungan ako. Dali-dali din naman siyang pumunta sakin at saka nag-iiiyak na para bang nawalan ng magulang.


"DAERIM NO!! WAAAAH! KAPATID KO WAG MO KONG IWAN! HINDI PA BUMABALIK SINA MAMA MULA STATES! WAG KA MUNA MAWALA! AKO ANG MASISISI KAPAG NAMATAY KA! PLEASE! PLEASE WAG KANG MAMATAY SON DAERIM! GISING!!! AYOKONG MAPAGALITAN NINA MAMA!" agad ko naman siyang binatukan.


"SHUNGA! HINDI PA AKO PATAY, BASTOS! Tulungan mo na lang ako tumayo dito. Ang sakit ng paa ko huhu." sabi ko sakanya at agad akong tinulungan tumayo. Lumabas naman yung may-ari ng kotseng muntik ng makasagasa sakin at saka nag-sorry.
Dinouble check nila kung ok lang ba ako at umalis din ng makasigurado na sila sa lagay ko.


Inakay naman ako ni Pyo habang naglalakad, "Wag mo ng gagawin ulit 'yon ah! Ayoko pang mawalan ng kakambal!" sabi niya sakin, tumawa naman ako ng mahina. "Ikaw nga eh! Nauna pa yung Oh my god mong bwisit ka!" at inirapan lang ako ni gago.

"Hoy." nagulat naman ako ng may nagsalit sa likod namin pero parehas naming hindi pinansin yung boses. Familiar, pag-iisip ko.

"Yah! Son Daerim!" hiyaw ng lalaki na nasa likod namin na biglang hinablot ang braso ko. "Ano ba 'yon―?!" at laking gulat naming dalawa ni Pyo sa nakita namin.



"Oh. My. Gosh."



BAKIT NANDITO YAN?! TSAKA PAANO NANGYARING―NAKITA NIYA BA LAHAT NG NANGYARI?! HOLY SHET! HINDI PWEDE! SUMIGAW PA SI PYO NG KAMBAL DOON!!!



"BAKIT NANDITO KA MINKYU?!"


jusko, sorry napahaba hehe.

STRANGER 'ᵐⁱⁿᵏʸᵘTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon