Internet (SNS at Online Games): Ano nga ba ang epekto nito sa ugali ng kabataan?

16.1K 34 22


Jaesser. Rivera


Facebook, Yahoo, Tumbler, Twitter ilan lamang ang mga iyan sa mga pinakausong tambayan ngayon ng mga kabataan, pagdating sa pag-gamit ng Internet. Tambayan na sa simpleng salita ay tigilan o pampalipas ng oras na maaring naghahatid ng saya o maaari namang instrumento upang patayin ang oras mula sa labis na kaboringan. Kabataan? Oo, bagaman at alam nating lahat na hindi lamang ang mga kabataan ang nahuhumaling sa mga nabanggit na tambayan pero atin munang pagbigyang pansin ang isang sektor na sinasabi ng ating pambansang bayani na "pag-asa ng bayan". Ang Internet ay isang uri ng tsanel kung saan ang maraming impormasyon maganda o hindi kagandahan ay madaliang matatagpuan sa pamamagitan ng ibat-ibang makabagong teknolohiya at gadget tulad ng kompyuter, laptop, netbook, cellphone, tablet, atbp. Sa pamamagitan rin ng internet, ay mabilisang mong naipapadala ang mensahe, saloobin, nararamdaman at/o kuro-kuro at mabilisan ka din namang makatutugon. Gamit din ang internet ay maaari kang makipag uganayan sa mga taong malayo, malapit, kilala mo o kahit hindi mo kakilala na nagbibigay daan upang makatulong sa mas mabisang pangangalap pa ang isang kabataan ng mga kaibigan mula sa ibat ibang lugar sa Pilpinas o maging sa ibang bahagi ng mundo. Ang pinakabago at pinakasikat na gamit ngayon ng internet ay sa paglalaro ng mga online games gaya ng DOTA, CoC, League of Legends, at iba pa na pawang kaiga-igaya, may makukulay na disenyo ngunit mayroong kalimitang mababagsik na tema. Sikat at laganap na ang mga ito pero, ano nga ba ng epeko nito sa ugali ng kabataan?

Isa sa mga  epekto ng  internet  sa larangan ng social networking sites ay ang mas pagiging bukas isip ng mga kabataan sa pakikipagkaibigan at pakikipagkapwa na kahit hindi kakilala dumami lang ang kaibigan go lang ng go. Mas nagiging pamilyar ang isang kabataang mayroong akses sa internet sa ibat-ibang kaugalian, pagpapahalaga at kultura ng ating makabaging mundo.Pero alam mo ba na sa pag-inog ng mundo ngayon minsan nagiging sanhi naman ng hindi pagkakasunduan ang mga ito. Una sa pakikipagpadamihan ng kaibigan hindi naman natin maiiwasan ang pagiging hambog hanggang sa magkainitan na ng ulo at mahantong ito sa karahasan na maituturing na hindi kagandahang epekto. Ikalawa, nagiging tsanel ddin ito ng pagsasamantala ng hindi mabubuting loob. Dahil siguro o malamang ay nakakaimpluwensya yung mga kaibigan na may ibat-ibang layunin, pagpapahalaga at personalidad sa social networking sites sa mga ikinikilos mo. Marahil ay ang kultura ng ka chat mo ay hindi kaangkop ng lipunang iyong ginagalawan pero dahil Pilipino tayo at napakagaling nating mag-adapt kaya hindi natin namamalayan naaapektuhan tayo sa hindi kagandahang paraan. Malimit nating nagagamit at inaaplay sa pang araw-araw na pamumuhay ang nakikita natin sa SNS o social networking sites (maganda man o hindi kagandahan, tama man o hindi katamaan) dahil sa pakiramdam natin magiging uso tayo sapagkat nakita natin itong ginawa ng kaibigan natin sa SNS. Ang alam kong tawag sa mga taong may ugali kagaya nang sa nabanggit  ay Social climbers. Nagiging kuripot na rin ngayon ang kabataan sa kanilang sarili makapag internet lang , na kung tutuusin ay dapat ikain o mas gastusin na lamang sa mas mahalagang bagay ang pera lalo sa pag aaral kesa mag internet. Partikular na sa pakikipagchat gamit ang SNS at sa paglalaro ng mga online games. Paminsan ay hindi naman masama ang maglaro dahil maaring ito ay pampagana o motivation mo o maaaring treat mo sa sarili mo pero huwag naman ang sobra dahil sabi nga ng kasabihan, lahat ng sobra ay masama. Sa sobrang paglalaro ng online games maaaring makapagbunsod ito ng sakit sa mata, radiation sa utak, at/o adiksyon. Ang labis na adiksyon ay nakapagbubusod ng masasamang epekto sa personalidad ng tao gaya ng pagiging bugnutin, pagkakadawit sa sugal na may kinalaman sa online games, at ang pinakamasama ay ang paggaya sa tema ng laro. Kagaya nang nabanggit ko, mababagsik ang tema kalimitan ng mga online games kaya ang tendency  ay maging matatapang, magagalitin, mararahas, madudugo,  masasamang mag isip ang mga naglalaro nito bagaman at hindi ko sinasabing lahat ng online games ay mababagsik at hindi ko rin naman tinutukoy na lahat ng naglalaro ay may ganitong epekto pero possible. Paano nangyari yun? simple lamang dahil malimit kung ano ang palagiang nakikitang aksyon o behavior ay siyang ginagaya ng kabataan. Kadalasan pa din ang kabataan ngayo'y nagiging mas mapagpahayag ng damdamin. Kung titingnan sa mabuting panig ng barya magandang sensyales ito ng  pagpapayabong ng komunikasyon. Subalit sa kabilang panig, mapang husga at/o mapanuri na ang kabataan, marahil ay dahil na rin sa kanilang mga nakikitang idolo sa social networking sites na kalayaan sa pagpapahayag na kahit minsa'y nakakasakit na o minsay lumalampas na tayo sa hangganan ng pagpapahayag ng ating sarili  na maaaring makapagdulot ng sakit sa emosyon at damdamin ( Maaaring bullying, pang ookray, diskriminasyon, atbp).

Maraming epekto sa ating pag uugali ang paggamit ng internet kayat kung maaari ay bawasan na natin ito sa ating buhay, pero kung talagang hindi kayang iwasan, mas makabubuti sigurong atleast man lamang mapaglabanan mo ang pagkakasakop na ng masasamang modernisasyon sa ugali ng kabataan ngayon. Sa totoo lamang napakadaming simpleng bagay ang nakakalimutan nang bigyang pagpapahalaga dahil sa internet. Mga tradisyonal na laro, mga pagaapreciate sa kalikasan, pakikisalamuha nang personal, pagpapaunlad ng sarili sa larangang pisikal, at pakikilahok sa sosyal na pagtitipon. Pero kahit na magkagayon na may mga hindi kagandahang epekto ang internet, kailangan pa rin naman nating isa-alang alang na malaki rin naman ang naitutulong ng pag gamit  nito lalo na sa mabilisang pagpapalaganap ng impormasyon at pagpapaunlad o modernisasyon ng teknolohiya para sa malawakang pagbabago ng sistema. Ikaw, apektado ka na rin ba ng masama at mabuting epekto ng internet sa SNS at/o sa online games?