^dedication porr -- @RicaMaeAngeles ;))

batiin nyo ko! NAG-WEEKEND BACK-TO-BACK UPDATE AKO OH! Lol.. X3

- - - -

x55: Playful Deal

[RACHELLYN's PoV]

"Kuya, ipara nyo na po dyan sa tabi."

Itinigil naman ni manong ang taxi nya sa tabi pagkapara ko.

Binayaran ko sya tsaka ko bumaba.

Agad na umalis yung taxi habang ako, humakbang na papasok ng--

TEKA.

O___o

Bakit nandito ako ngayon sa may palengke sa kanto ng subdivision namin?

Eh ang alam ko, pumara ko kanina kasi nasa tapat na ko ng bahay ko. O di kaya..akala ko lang yun?

=___=

HAAAY..

Oo na..maling akala nga yun.. Wala ako sa sarili eh..

Naglakad na lang na ko papasok ng subdvision.

Hmm.. Magtricycle kaya ko? Gabi na eh at gusto ko nang umuwi.. Kaso nanghihinayang ako sa pamasahe. Nagsayang na ko ng pera dun sa taxi eh..

Psh.. Wag na nga. Maglalakad na lang ako. Malapit-lapit naman na ang bahay ko mula dito sa entrance ng subdivision eh. At kailangan ko ring pagdusahan ang pagpara ko dun sa taxi nang wala sa lugar.

Natulala naman ako bigla habang naglalakad dahil sa sinabi ko.

Narealize ko na ngayong araw na toh, ang dami kong nagawang mali dahil nga wala ako sa sarili.

I was preoccupied this whole day. At preoccupied ang utak ko ng ano?

Edi nung mga nangyari lang naman kahapon..

Kahapon.. Napatingin ako sa kamay ko na may suot-suot na silver ring. Ah, it isn't just a silver ring, it's an ENGAGEMENT RING.

Kahapon, CJ finally proposed to me and I accepted it.

Alam na toh ng parents namin. Actually, nung birthday pa lang pala ni Andy eh nakausap na ni CJ ang parents ko tungkol sa plano nyang pagpropose sakin. Di nga lang nila inasahan na ganito kaaga sya magpopropose. They thought he'd do it later this year, bago ko gumraduate. Even so, they didn't mind it. Neither did I.

Maganda nga toh eh. Kasi ito ang isa sa mga pangarap ko. Ang makasal at magkaroon ng matatawag ko na sarili kong pamilya.

Magpakasal.. Magkaroon ng sarili kong pamilya..

Bakit parang sumakit ang puso ko sa isipin na yun?

Ah.. Si Adrian pala..

Di ko sya nakita sa school ngayon. Ni hindi rin nya sinundo si Andy sa school tulad ng lagi nyang ginagawa nitong huli.

Ganun ba nya hindi katanggap ang desisyon ko at ang nararamdaman ko? Sobra bang di nya yun matanggap to the point na pababayaan na nya ang anak namin?

Kung alam nya lang, dahil sa biglaan nyang hindi pagsundo kay Andy, naghintay yung bata sa school nang matagal. Sabi nga ni Teacher Riz, si Andy na lang daw ang natirang bata doon kanina.

Buti na lang, napakiusapan ko si CJ na sunduin si Andy. Si CJ din ang nagbabantay sakanya ngayon sa bahay.

Adrian.. I can't believe him.. Sana man lang pinaalam nya sakin na hindi nya masusundo si Andy ngayon para naman hindi nagmukhang kawawa ang anak namin kanina..

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!