Banat (Batch 23)

261 8 2

Salamat sa lahat ng nagcomment sa last update, you may not read the updates for this poems...definitely not a story...random thoughts.... whatever.... para lang naman kasi talaga sa akin ito, madalas sent via texts messages, minsan PM.

August 25, 2014

Banat # 147

Alam mo bang noong Sabado

Nagselos ako

Kasi siya ang kasama mo

Di naman dapat

Pero hindi ko mapigil ito

Para lang akong tuliro

Kung pwede lang na nandiyan ako

Sa paggising at pagtulog

Ako ang unang makikita mo

October 2, 2014

Banat # 148

Sayang naman, banat ko nag number one
Kaso sabi ng wattpad di na daw poem kundi random na lang
Pero ayos lang kasi alam ko naman ang dahilan
Sa wagas niyong comment noong nakaraan.

Gayunpaman, ako pa rin patuloy na magsusulat
Kasi ito naman ginagawa ko hindi para sumikat
Tangi ko lamang na dahilan ay mapangiti

ang babaeng namumukod-tangi sa lahat

October 2, 2014

Banat # 149

Kung meron lang akong magagawa

Nararamdaman mong pagod mawala

Kung malapit ka lang sana

Yayakapin kita

Sana sa banat mabawasan

Nararamdaman mong hapo

Pagpasensiyahan mo na

At ito lang ang kaya ng utak ko

Hindi man ganun kapulido

Basta para sa iyo lahat gagawin ko

Bawat salita nabuo mula sa puso

BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!