Ang Lungkot

665 67 5
                                    

Ang lungkot no? Yung maalam ka lang ngunit hindi ka magaling.
Yung kilala ka na ngunit hindi ka pinapansin.
Yung may nakahakbang ka paabante ngunit hinihila ka palayo.
Yung umiiyak ka na dahil sa bigat ng iyong puso.

Ang lungkot no? Yung nagpapangiti ka kahit ikaw ay nasasaktan.
Yung nagpapatawa ka kahit ikaw ay nahihirapan.
Yung gusto mong sumigaw ngunit walang nakikinig.
Yung gusto mong mayakap ngunit wala ni isang bisig.

Ang lungkot no? Yung nagmamakaawa kang mapakinggan.
Yung tipong ikaw ay laging nahuhusgahan.
Yung lagi ka na lang may nasasabing mali.
Yung napapagkaisahan ka na lang lagi.

Bakit ganon? Yung tingin ng iba parang ako'y mapagmataas.
Yung tingin ng iba ang dila ko'y matatas.
Sa paningin nyo ba ako ay mayabang?
Kahit hindi ninyo alam ang aking pinagmulan.

Akala ko ako'y sanay na.
Dahil ganito na lang lagi, hindi ba?
Napapagod na akong isipin ang iniisip ng iba.
Bakit hindi ako makahulagpos sa pag-aasam ng pagtanggap nila?

Midnight Thoughts (Short Stories Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon