x54: Tears

151K 1.9K 170

^dedication porr -- @bruhannah ;)) 

hmm this ud.. this starts with the PoV of...tentenenen.. 

sorry sa mga nanghulang si BABY ANDY raw ah? kasi PoV toh ni MAMA MARGIE! ^^ 

- - - - 

x54: Tears 




[MARGARET's PoV] 


@___@ 


Ang sakit naman sa ulo at sa mata gawin nitong yearbook ng nursery students ko! 


Buti kahit papaano eh nakaka-enjoy rin 'tong gawin dahil sa pictures nila. 


Grabe.. Ang gaganda at ang gagwapo talaga nilang mga bata! *o* 


Pero syempre, kahit anong gwapo at ganda nila eh wala pa rin silang binatbat sa napakabibo at napakagwapo kong apo! ^o^ 


Hihi. Sayang nga lang. Sana maexperience ko rin na maging estudyante sya noh? 


Tamang nakatutok lang ang mga mata ko sa computer screen nang mapansin ko naman bigla ang oras sa bandang ibaba nun. 


EH PASSED 12AM NA PALA?! 


O___O 


>___< 


Ang hirap naman pag di ko kasama si Hazel oh! Pag wala sya, wala ring nagpapaalala sakin ng oras! Yung beauty rest ko tuloy, nakaligtaan ko na. T3T 


Haaaay. Bukas ko na nga lang toh itutuloy.. 


Sinave ko na itong ginagawa ko at inoff na ang computer. Inayos ko rin ang mga papeles na nakakalat dito sa table ko para-- 


*CRACK! 


HALA! NAHULOG KO YUNG PICTURE FRAME NAMIN NI ADRIAN! 


Natamaan sya ng kamay ko kaya ayun, nabasag sya sa sahig.. >___< 


Kainis naman.. Ganda pa naman ng frame nun.. 


Napasigh muna ulit ako bago ko tumayo at nilinis ang nabasag ko. Mula sa mga bubog, kinuha ko yung picture namin ni Adrian. 


Napangiti ako ng titigan ko itong picture. Ito ang pinakarecent na picture naming mag-ina. Nung new year lang toh kinuhanan. 


Hihi.. Ang gwapo-gwapo ng anak ko dito.. Nakasmile sya habang nakaupo sya sa sofa at ako naman ay nasa likuran nya at yakap-yakap sya sa balikat. 


Ang laki na nya. Parang kailan lang eh kasing-liit nya si Andy. 


Pero bakit ganun? Habang lumalaki sya, mas nagiging kahawig na nya si Alex.. Nagiging parehas na sila ng tikas ng katawan pati pagkilos.. 


= 3= 


Ano ba namang tanong yan Margie? Natural lang na maging kahawig nya ang lalaking yun dahil sya ang tatay nya diba? Psh.. 


Tinapos ko na 'tong pagliligpit ko then nagpunta kong bodega para maghanap ng bagong frame. 


Ang tagal kong naghanap ah. Ang dami na rin pala kasing tambak dito. Kaya pagkahanap ko ng perfect frame, nilagay ko na agad roon yung picture. 


Hihi. Ayaaaan. Malalagay ko na ulit sya sa working table ko! ^3^ 


*riiiiiiing 


Eh? Nagriring landline namin? O.o 


Sino namang tatawag ng ganitong oras dito? 


Nagpatuloy sa pagring yun kaya no choice ako kundi babain yung telepono. 


"Hello?" sagot ko sa tawag habang pinupunasan yung unting alikabok sa frame na pinaglagyan ko ng picture namin ni Adrian. 


"Hmm nandyan po ba si..si Mrs. Margaret Guillermo?" tanong ng lalaking nasa kabilang linya. Laki ng boses nya ah! 


"Ako po yun, si Margaret Guillermo.." AT MISS LANG AKO, HINDI MISIS! Hehe. "Sino po sila at bakit nyo ko hinahanap?" 


"Pulis po ko mula Bulacan Police District. Kayo po ba ang nanay ni..ni Adrian Louis Guillermo?" 


Nakaramdam na ko ng kaba ng sabihin nyang pulis sya, lalo pa ng banggitin nya ang pangalan ni Adrian. 


"A-Ako nga po. Nanay nya po ko. Bakit po? M-May nangyari po ba sakanya?" 


"Uhm.. Nabangga po kasi ang sasakyan nya dito sa may--" 


"A-ANO?!" sabi na nga ba! May nangyaring masama sa kanya! "N-NASAAN NA PO ANG ANAK KO?!" 


"Huminahon lang po muna kayo.. Uhm nandito po sya ngayon sa St. Peter's Hospital--" 


"S-SIGE SIGE PUPUNTA NA KO DYAN!" naluluha, nanginginig at nagmamadali kong binaba yung telepono pati yung picture frame. 


Kinuha ko agad yung susi ng kotse ko at lumabas ng bahay. 


Pinilit kong huminahon habang nagdadrive pero hindi..hindi ko kaya. Masyadong malakas ang kabog ni dibdib ko. 


Ang anak ko.. Dyos ko.. Sana ligtas sya.. 


Nang makarating ako sa hospital, kumaripas ako sa loob at nagtungo sa may frontdesk. Ang daming pulis doon. 


"MISS NURSE!" tawag ko sa isang nurse. "S-Si Adrian Louis Guillermo? D-Dito raw sya dinala? Y-Yung nabangga--" 


"Excuse me po.." may lumapit na pulis sakin. "Hinahanap nyo po si ADRIAN LOUIS GUILLERMO? Kayo po ba ang nanay nya?" 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!