Chapter 2 : Interview

296 8 5
                                        



***

Na-shock ang Lola nyo! 'Ang ganda ng Babaeng nasa harapan ko.' , Inaamin ko na maganda ako pero Oo, Maganda din sya. Ano yun? Ako lang maganda sa buong mundo? Baliw ka na Eury!

"Nice to meet you." sabi nya na nakangite, nakipagkamay sya saakin at umupo na ako sa upuan sa may harap ng table nya.

"You are the only Daughter of Eddard Alfimios Villareal and Diany Gwintain Villareal, right?"

"Yes po." She smiled at me sweetly. Parang 'di nya mapigilang 'di mapangite. Parang Overwhelmed sya nandito ako. I smiled back.

"I'm curious, Why is the heiress of our competitor in my territory?-well technically, My Sons territory hahaha."

Napalunok ako at binasa ang labi bago nag salita. "I don't want a biased opinion about my performance in an office considering that I will inherit the company. Ayoko po kasi ng ganun. I want to learn. Any kind of position in this company will do."
Napa-palakpak sya saakin. Tumayo sya at kinuha ang dalawang kamay ko. Tinignan nya ako sa mata at nginitian.

"Actually, I didn't need to interview you. I knew that you're capable. I'm just doing it for formality. Your Mother called me. We might be competitors but we're still friends.
I know that I'm being biased right now but I really want you to be my sons secretary."

Napalawak ang mata ko. 'Moooooom! Napakakulit talaga ng Nanay ko.'
Sons? Hindi lang isa? Secretary of a CEO? Well, I'm considering. Hindi ko pa kaya nakikita kahit isang beses ang may ari ng Royal Blood Corp. Hindi natin alam baka gwapo. Ang Ganda kaya ng nanay nila! Titikim lang-ay mali, Titingin lang.

'Ang Landi mo Eury!' Sabi ko sa sarili.

"You will learn alot, lalo na at CEO na mismo ang ihahandle mo. Mas may matututunan ka sa mga Anak ko."

"Mga Anak? Ibig sabihin po ay, hindi lang isang Boss ang paglilingkuran ko po?" grabe, alam ko na sinabi ko na gusto ko talaga matuto dahil ako lang ang magiging tagapamahala ng komapanya namin pero para sa 100 days nayun parang maiistress ako kung dalawa ang paglilingkuran ko.

"They are six actually. They are my sons and they handle our businesses."

"WHAT? Six? Oh my!" 'Mamamatay na 'ata ako. Nakakastress kaya ang isang Boss, pano pa kayo kung Anim? Magbaback out nalang ako. Sheeeet!'

"Don't worry, Hindi naman strict yung mga anak ko, Hahahaha,—slight lang—hahahahaha."

Tinatakpan niya ang Bibig nya habang tunatawa. 'Di ko masyado naintindihan yung sinabi nya. Alam ko may sinabi sya habang tumatawa sya eh.

"Oh my! Hindi pa pala ako nakakapag-introduce, Hahaha, Silly me! I am Nataniria Jade D. Blood, you can call me ' Tita Iria '."

Nawala ang atensyon ni Tita Iria sakin. May kumatok kase at pumasok ang secretary niya.

"Ma'am, Mr. Blood is requesting for your arrival. Meron daw po kayong pupuntahan na event, Si Sir Liam nalang daw po yung magiinterview sa natitira." sabi ng secretary ni Tita.

Tumango naman ito sa secretary nya at bumaling saakin.

"I'm sorry If I'm leaving in just short notice."sabi nito habang nagaayos ng gamit nya.

"It's fine po." ngumiti ako kay Tita.

"Tapos naman na yung Interview ko sayo. I know that you're responsible, I know that you can handle my Sons excellently."pinatong nya ang isang kamay nya sa shoulder ko at ngumiti sakin.

'Napressure naman ako. Goodness! I suddenly felt nervous.'

Tumayo na ako at napabow ng konti yung parang ulo lang yung iniyuko para sign na pagpapaalam or paghello sa isang tao.

"Lalabas na po ako. Thank you po."
sabi ko sakanya.

"Si Miss nalang yung mag oorient sayo sa first day mo. Sa Monday pwede ka na magstart. Mga 8:30 dapat nandito kana. Pumupunta kasi dito ang mga anak ko ng 9:00 at AYAW na AYAW nila ng hindi punctual."

Tumango naman ako sa sinasabi ni Tita, pinapasok ko kasi sa Kukote ko yung sinasabi nya. Mahirap na, baka masisante agad ako. Halatang ayaw ng magiging mga Boss ko na hindi on time, edi walang kwenta yung pagintern ko sa iba kung babalik ako sa Company namin.

"Sabay na tayo Lumabas." sabi ni Tita at lumabas na kami pareho.

Nandoon parin yung mga bago kong mga kakilala na kaibigan. Nakangite sila saakin at parang namamangha din sa ganda ni Tita Iria.

'Kahit nga ako na Dyosa namangha sa angkin nyang ganda, hahaha. Pero maganda parin ako, walang magbabago dun. Kumbaga parehas kami ng ganda ni Tita. Kakaibang Universe ang Ganda. Nahiya si Pia Wurtzbach at Catriona Gray.'

Nandoon na pala si Savannah nakaupo. Nagwawave ito sakin habang nakangiti ng malawak. Napasimangot ako. Naiinis parin ako sa Babaeng 'to. 'Di ko makakalimutan yung pagtawag nya sakin habang natutulog ako. Babawi ako dyan.

"Hello, Ako dapat yung magiinterview sainyo but I have important matters to attend to. My Son will continue the Interview. I hope you can do well! Goodbye!"
Sabi ni Tita saamin.

"Sige po!"sabi nalang ng mga kasama ko. Umupo ako sa tabi ni Savannah.

"Kilala mo na sila?"tanong ko sakanya at tinuro ang mga bago kong kakilala.
Tumango naman sya.

"Hindi ba mahirap yung Interview?"
Tanong ni Vivi.

"Sana hindi mahirap. Hindi naman siguro noh?"sabi ni Lee.

"Oo nga!"sangayon ni Wendy.

"Hindi ko sigurado. Iba na magiinterview sainyo eh. Pero sakin mabilisan lang. Mabait si Mrs. Blood."
Tumango tango naman sila.

"Pero okay nadin sakin. Atleast isa sa mga anak nya. SOOBBRAAANG Gwaaaaappooo daw ng mga Anak mya. Maganda ang lahi ng mga Blood."eksaheradong sabi ni Vivi.

"Baklang to! Agree ako yieeeeeeh!"
akala ko pa naman 'di sasangayon si Lee, parehas lang pala sila ni Vivi. Nakisabay din sila Sav at Wendy.

Hindi ko naman alam mukha ng mga anak ni Tita Iria eh. Hindi ako nagkaroon ng Intensyon na Alamin.

Siguro sila yung anim na lalaking nakita ko kaninang umaga. Hindi ko lang makita ng ayos dahil may pagkamalayo ako. Pero halatang makikisig sila. 'Ang sarap din lumandi'

Ano bayang Iniisip mo Eury! Pero alam ko namang 'di masama. Ang tatangkad nila ehhh. Baka kapag nakita ko na talaga sila ng harap harapan ay mahimatay ako kapag sobrang gwapo nila. Kung totoo man ang siansabi ng mga kasama ko.

Malalaman ko naman sa Monday eh.



***

👑💖👽:

No specific time kailan ako maguupdate hahaha.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MARRIED TO MY SIX BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon