Chapter 18

120 1 0

Clare's POV

"What do you mean, Clare? I can't understand you."

Nagpunas ako ng luha at naglakad sa malapit na hotel na tinutuluyan namin. Uuwi na ako ngayon sa Pilipinas.

"Mag eexplain ako kauwi ko. I'll go home today." tinig ko saka pinatay ang tawag.

Kumatok ako sa hotel room namin ni Asumi dahil wala akong keycard. Hindi naman halatang umiyak ako kaya unti punas lang, hehe.

"Oh, bat ka nag eempake, Clare?"

Nilingon ko si Asumi nang marinig ang kanyang tanong nang makita niya akong iniakyat ang maleta sa kama at inilagay doon ang mga gamit ko.

"A-ah may emergency kasi. Kailangan ko umuwi ngayon. Hehe." palusot ko saka pinagpatuloy ang pag eempake.

Napatango tango naman siya at iniba ang topic. "Anyare pala kay ate mong Dane?" tanong nito sa akin.

"She's pregnant."

Kaagad nanlaki ang mga mata ni Asumi sa aking sinabi. "Gulat ka dyan?" natatawang tanong ko sa kanya. Para kasing baliw. Hehe.

"Sana mali yung nakita ko..." she muttered. Hindi ko ito masyado narinig dahil sa bulong lang ito kaya hinayaan ko nalang.

"Uy alis na ako, Sumi. Pahatid nalang ako kay Ahron at dun sa driver sa airport. Byeee! Lavya!" paalam ko kay Asumi. Tumango naman ito. Tanging si Ahron lang ang pwedeng sumama sa akin dahil yung iba ay di ko naman masyado close tapos si Asumi ay may event mamaya na ijajudge. Hehehe.

*

Philippines

It's good to be back! Hehehe! Sininghot ko ang hangin ng Pilipinas at nakarinig ng pagsinghal

"Tss. Akala mo talaga balikbayan, mukhang ilang araw lang naman umalis sa bansa."

Napalingon ako sa nagsalita sa aking likod. Nakita kong nakatingin sa akin ang isang lalaking mahaba buhok, mga short hair sa pambabae ganon. Hehehe.

"Ako po ba sinasabihan niyo?" tanong ko sa kanya.

Tumaas ang kilay niya sa akin. "Obviously." malamig na sagot niya. Ang lamig!

"Paano niyo naman nalaman?" tinaas ko rin ang kilay ko para kunwari mataray ako.

Tinignan niya ang aking maleta. "Obvious on your luggage. Tss." nguso nito sa maleta ko.

"Edi wow." saka ako naglakad palayo.

What a weird man. Di ko naman pinapakaelaman ang buhay niya ah. *pout*

"Clareeeeee!!" napalingon ako sa kung saan nanggaling ang sigaw na yun at napa 'shh' naman ako sa rito dahil nakakahiya. Hehehe.

"Sylphhh!!" takbo ko rito sa kanya ko siya ni-hug.

"Saan ka mag stay niyan? Kay hubby mo or sa place mo?" taas baba ang kanyang kilay habang nagsasalita.

"Sa'yo." maikling sagot ko.

Kumunot naman ang noo niya saka  tumango.

Pagkarating namin sa condo niya, hindi sa bahay nila ah. Sa condo niya kami matutulog dahil naroon daw si Fafa Abramovitz. Yung kuya niyang cute tsaka si Kuya Alias, yung kanong siraulo. Hehehe.

Naglabas si Sylph ng beer na kaya namin ubusin dalawa. I don't really drink but to think na halos mabaliw ako sa konsensya ay kakayanin ko naman siguro uminom.

*
Third Person's POV

Nang mas lumalim ang gabi, mas parami ng parami ang iniinom ng dalawang dilag. Ngunit si Sylph ay sanay sa ganito ngunit hindi ang kanyang kaibigan na si Clare.

"Sylph, nakokonsensya na ako." pagbasag ni Clare ng katahimikan.

Nagtatakang tumingin sa kanya ang kaibigan. Hindi nito maintindihan kung bakit ito nagkakaganito't kaagad itong umuwi galing ibang bansa.

"Clarentine, please explain. Hindi kita maintindihan."

Naguguluhan man, kailangan niya pa rin itong intindihin dahil siya lamang ang kanyang totoong kaibigan na umiintindi sa kanya.

Tears started to fall in Clare's eyes. "Gusto ko ng pakawalan si Zaire, Phy." she sobbed.

"Huh?" tanging sagot ni Sylph.

Nahihilo man si Clare ay itutuloy niya pa rin ang kanyang kwento. Matagal niya na itong kinikimkim kaya susulitin niya ngayon.

"I w-was the reason why you and Zaire got e-engaged 'cause I know you would reject it." pahina ng pahina na sabi ni Clare kay Sylph.

Hindi makapaniwalang tumingin si Sylph sa kaibigan at hindi nito mapigilang hindi masampal ang kaibigan. "How c-could you do that? Clare kaibigan mo ako, tao ako, hindi ginagamit." naluluhang sabi ni Sylph sa kaibigan.

"Dahil sa kagustuhan kong mapunta ang atensyon ni Zaire sa akin, nagawa ko yon. I know mali pero kahit maling mali magagawa ko para kay Zaire. Kinausap ko si Daddy na kausapin ang daddy ni Zaire and your Dad na mag set ng arranged marriage para sa inyo ni Zaire. It was a selfish doing, I know. Zaire's dad agreed since he is in need of money for his falling company. And my plan worked. But my conscience can't just... aysh... I look desperate but now I need to let go. Magkakaanak na siya..."

Napaawang naman ang labi ng kaibigan at napatakip sa bibig nito. Hindi ito makapaniwalang magagawa ito sa kabila ng pagiging medyo childish neto.

The Contract of a Billionaire (Billionaire Series #2) COMPLETEDRead this story for FREE!