Chapter 17

66 1 0

Clare's POV

"Ate Dane! Gising! Hala! Huhu!"

Para akong di mapakali dahil di ko alam ang gagawin ko. Baka akala naman ng mga tao dito pinatay ko siya. Hala! Huhu. I am not a killer.

Tinapik tapik ko pang muli si Ate Dane pero ayaw pa rin nito gumising. Kaya kinuha ko ang cellphone niya at pinindot ang emergency number.

Hirap akong kinausap ang sumagot sa tawag dahil iba ang lahi nito pero mabuti nalang may sumabat na marunong mag english.

Amen. Huhu.

Kaagad naman silang dumating kaya agad rin nadala si Ate sa hospital. Tinawagan ko naman si Manager Elana para sabihin kung anong nangyari pero aniya ay naiwan siya sa Pilipinas. Ttong! Oo nga pala. Hayy.

Sinubukan kong tawagan sila Kelly pero hindi rin ito sumasagot.

Hmm. Si Zaire kaya?

"Hello?"

Ayun! Sumagot!

"Z-zaire..."

"What's wrong, Tine?"

Lah paano ko sasabihin.

"Zaire, n-nahimatay s-si Ate D-dane."

"What? Where are you?"  he groaned in frustration.

"Banda Aceh Hospital." maikling sabi ko. Hindi na rin naman siya sumagot at kaagad nang pinatay ang cellphone. Siguro nga ay papunta na siya dito mula Singapore.

Swerte ko dahil mayroong Pilipinong doktor kaya hindi na ako nahirapan mag english.

"Base sa test na ginawa namin, the cause of her fainting was stress. Makakasama sa batang nasa loob niya ang pagiging stress, Miss Clare. Nasaan ho ba ang tatay?" anang Pilipinong doktor na nagtatrabaho sa hospital na ito.

Umawang ang bibig ko. Hala! May baby pala sa tiyan ni Ate Dane! Paano na siya nito makapagmomodel? Paniguradong patay siya kay Elana nito.

"H-hindi ko po alam kung nasaan yung tatay e." sagot ko. Nagpasalamat na lamang ako sa kaniya at namaalam na ito dahil magrarounds pa daw siya.

"What did the doctor said?" pamungad sa akin ni Ate Dane na mukhang kagigising lamang.

Ngumiti ako sa kanya. "You have a baby na niyan, Ate. Stress is bad daw po for you kaya iwasan daw po." sagot ko sa kanyang tanong.

Parang gulat ito sa aking sinabi, pero kalaunan ay ngumiti din sa akin. "Really? Zaire would be really happy to hear the news!" masayang aniya.

Z-zaire?

"Si Zaire? Bakit naman siya magiging masaya?" tanong ko.

Ngumisi siya sa akin. "Of course, duh. He has my child." aniya.

S-si Zaire ang tatay?

"A-ah, sige po. Papunta na po siguro si Z-zaire ngayon, s-sinabihan ko po siya e. Kain lang po ako sa labas ate. Tawag ka lang sa akin kapag may kailangan ka po." sabi ko sa kanya at walang alinlangang lumabas sa emergency room.

Nanlalabo ang aking mata habang naglalakad ako palabas ng hospital....masakit.

"Hello, Clare?" bati ni Sylph mula sa kabilang linya.

I sobbed. "Huy, Clare! Why are you umiiyak?" tinig nito.

"Let's stop this delirium, Sylph."

The Contract of a Billionaire (Billionaire Series #2) ONGOINGRead this story for FREE!