22 | Eurikel

228 16 7

Eurikel's —

Naglunch na muna kami ni Yohan bago namin ipagpatuloy ang pagtatanim namin ng mga bulaklak. Halos kalahati na ang natatanim namin.

Kanina pa 'ko ni Yohan kinukulit na maglunch kaya ito, naglunch kami kasama si Yuvin. Sinabi ni Yuvin na tutulong daw siya sa pagtanim.

Buti pa siya, eh si Yohan? Nag-iinarte lang. Hayss.

Pabalik na rin kami sa bahay, nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Yuvin, nasa likod ako nakaupo habang si Yohan ay nasa tabi ni Yuvin. Naghaharutan nanaman po ang dalawa.

Nanatili lang akong tahimik habang nasa byahe. Nang makarating na kami sa bahay, kaagad akong bumaba sa sasakyan at hindi ko na sila hinintay na makababa bago ko ulit simulan ang pagtatanim.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove-on sa nasirang mga bulaklak ni Mama pero tapos na yun eh, nangyari na kaya wala na akong magagawa kundi ang palitan ng bago.

Ilan na ang nauubos kong bulaklak habang yung dalawa ay naghaharutan nanaman, nag-aasaran at nagbabangayan, may hawak silang mga materials pero minsan lang sila makatanim ng bulaklak.

"HAHAHAHAHAHA baliw amporchop!"

"HAHHAHAHAHAH"

Bakit pa kasi pinapunta dito kung hindi naman pala tutulong? Ano 'to, maglalandian lang ganun? Parang hindi nagkita ng mahabang panahon?

Hapon na nang matapos kami, sobrang pagod ang naramdaman ko na para bang anytime matutumba na 'ko.

"Thank you sa konting pagtulong. Nawa'y sa susunod hindi na kayo magharutan sa harap ko, nakakabitter mga sis. Sakit sa mata buti nga at hindi ako nabulag." Sumimangot lang si Yohan at tawa naman itong si Yuvin.

"Wala yun, Eurikel. Anytime." Nagwink pa 'tong si Yuvin sakin. Nagpaalam na sila at sinabing may pupuntahan kaya tumango nalang ako at pumasok sa loob ng bahay para maglinis sa kawatan.

Nang matapos akong maglinis ng katawan, nakaramdam ako ng gutom kaya kaagad akong nagpunta sa 24/7, yan lang ang pinakamalapit na store kaya dyan nalang ako. Mejj malayo kasi yung 7/11.

Pumasok na ko sa loob at nagsimulang maghanap ng makakain, habang naghahanap, may narinig akong usapan ng dalawang lalaki.

"Bakit di mo sabihin sa kanya na magchildhood bestfriend pala kayo dati. Malay mo maalala niya." Pamilyar ang boses na yun.

"Naaksidente nga siya at nagkaamnesia diba? Kaya nga ito ako ngayon, malapit sa kanya para patuloy na proteksyunan siya simula noong nawala ang Mama niya since yun din ang hiling ni Tita sakin bago siya mawala." Pamilyar talaga ang boses ng dalawang yun.

Titingnan ko na sana kung sino ang mga 'yun nang may kumalabit sakin.

"Euri, andito ka lang pala. Kaya pala walang tao sa bahay niyo." Nagulat ako nang makita si Sihun sa harap ko. Nakangiti ito sakin. Ang cute niya!

"Sihun? Ba't ka andito?" Tanong ko sa kanya.

"Yayayain sana kitang kumain, alam ko kasing pagod ka sa pagtanim kanina." Ngumiti ako sa kanya at walang pasabing hinila ako palabas ng store at pinasakay sa dala niyang sasakyan.

Flowers ➸ Kim YohanRead this story for FREE!