Chapter 2

570K 9.6K 1.9K

Angel POV

Grabe. First day, pagod agad ako. Grabe pala ang customers dito sa Angels Restaurant. Ang dami ring tourist. Hindi lang kasi filipino food ang sine-serve dito. International cuisine. 

Magha-hapon na. Eight hours ang trabaho ko. Konting oras nalang makaka-uwi na ako. Kanina, nung dumating ako, nakausap ko 'yung manager dito at ayun ipinaliwanag niya saken lahat lahat. Hindi pa daw ako makakausap ng owner kase busy. Dami daw kasing business. 

Pumirma na rin ako ng kontrata nila. Three years contract agad kaya ang saya ko lang. Regular agad ako ganon, diba? Unlike iba na probi lang muna sa unang sabak sa trabaho. Siguro dahil may experience naman ako. Malaki naman ang sahod. Thirty thousand a month. Kaya okay na okay na. 

Pero napapaisip pa din ako kung nag-apply ako dito. Diko kasi matandaan kung nag-abot ako dito ng resume ko. Sabagay, halos lahat ng restaurant dito, binigyan ko ng resume ko. Baka di ko lang talaga napansin. 

Mula palang sa labas, mapapa-WOW kana. May mga flower pot sa paligid ng restaurant tapos bricks yung pader niya. Tapos parang ang ganda ng pwesto. Gitna sa siyudad. Kumbaga makikita agad ng mga tao. 

Nakilala ko na din pala ang mga ka-trabaho ko. Mababait naman sila at well-trained. Mga professional pa kapag oras ng trabaho. Sabagay, yun din turo saken nung trainor kanina. Mayayaman at hindi basta basta kase ang nagiging customers dito. 

Bago umuwi, may sasabihin nga pala ako sa Manager. Wala ng hiya-hiya. Basta!

--

I'm out. Ang sarap din sa feeling na may trabaho kahit nakakapagod. 

Umakyat ako dito sa office ng manager. May second floor kase 'tong restaurant. Tatlong kwarto. Isa, office ng manager, ang isa naman ay taguan ng files parang mini library tapos sa dulo yung pinakamalaki, office ng owner. Ang yaman nga siguro ng may-ari nito. 

Kumatok na ako sa pinto bago iyon buksan. Naabutan kong busy sa desktop si Mrs. Rina. 

"What can I do for you Miss Sabina?"

Naku, nahihiya talaga ako pero basta! Kelangan kong gawin 'to. 

"Hm, Mrs. Rina, sorry po pero wag nyo sanang isiping kalabisan 'to pero gusto ko po sanang mag-advance ng sweldo. Mapapaalis na kase ako sa apartment na tinitirhan ko." Napakagat labi pa ako. Kabado talaga ako. 

She smiled at me. Mukha naman siyang mabait eh. "May tatawagan lang ako sandali." Sabi nya saka tumayo na. 

Jusko! Sana naman pumayag. Sabi ko pa naman sa landlady, makakabayad na ako ngayon! Waaa! Baka pulutin na ako sa lansangan pag di pa ako nakabayad. Yung pamasahe ko nga papunta dito kanina, yun lang ang natitirang barya sa coin purse ko. 

"Miss Sabina."

Hala! Baka di pumayag. Naku, naku..

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon