Chapter 67: Show Me What I'm Looking For

Start from the beginning

"Love is not love if you don't take risks," sht san ko naman napulot yun? "Ah pucha ewan ko ba sa pinagsasabi ko. Pero sa tingin ko may gusto sya sayo. Kaso wag mo lang talaga sya madaliin."

"I'm not planning to confess anytime soon, Barbs. Naninibago rin ako sa ganto," he confessed.

"I know. Reflected kaya sa chapter mo. Tangina san mo napulot yun? Ang lalim!!!"

"Di ko rin alam. Bahala na Barbs. Salamat talaga, akala ko bibigwasan mo ako."

"Bibigwasan lang kita pag pinaiyak mo sya," pananakot ko. Aba mahirap na! Baka Gael Jr. 'tong si Lean!! "Sa lahat ng ayaw ko e nakikitang umiiyak mga kaibigan ko."

"I'll try my best not to make her cry. But that's inevitable."

"Oo na alam ko. Warning lang kasi. Wag kang gago. Ayaw ko sa mga gago."

Dun na sya iyak-tawa mode. Kainis ganda na ng moment eh! "G-grabe t-talaga 'to! Sakit sa ulo HAHAHAHA!!!!"

"Ewan ko sa'yo!"


END FLASHBACK

**


TUESDAY


Walang tigil pa rin sa kaka-Bright Eyes si Chester. First time makita ni Janine na excited si Chester nang sobra. Pero...


"SERYOSO KA DYAN!?"


Halos mabingi si Janine sa sigaw na yun. Of course, galing kay Chester ang boses na yun. Di ba kapani-paniwala? Pwes, maniwala ka talaga.


Napatingin din ang ilang kaklase nila sa likuran kung saan sila nakapwesto. Breaktime kasi nila.


"Nakakainis nga eh!! So unfair!!!" pagrereklamo ni Rocky. "Feel ko mapupunta ang NBC Tent ng fans kuno ng Bright Eyes!!! At inubos pa nila ang ticket!"


Yan ang balitang bumungad kina Rocky at Chester kanina. Sold out na kaagad ang Gold & Silver tix para sa concert. As usual, di na naman makarelate sina Wes at Janine. Etong si Wes, since medyo nagtatampo pa rin sya kay Rocky, lumabas muna sa classroom.


"Uy guys," singit ni Janine, na di na kaya pa ang tensyon. "Chill lang! May next time pa naman siguro. And attend the Prom!! Di ka makakagraduate!"

"Eh leche di naman exam yun eh! Ayoko nga! Gown yuck yuck yuck!!"

"Anong gusto mo? Di ka magmartsa? Barbs naman minsan nga palawakin mo naman yang utak mo! Nakakainis na eh!"

"EH KUNG NAIINIS KA WAG MO AKONG KULITIN!!! AYOKO NGA SABI!!"

Di na nakaya pa ni Barbs ang inis kaya lumabas na sya sa bahay nila. Mahal nya ang ate nya pero minsan nakakainis na talaga! Feeling nya masyado syang sinasakal nito. At ayaw nya ng ganun.

Absentmindedly syang pumunta sa bridge. Galit sya eh. Walang pakialam sa mundo. Narealize na lang nya na nandun sya nang maramdaman nyang nakaupo na sya sa mismong bridge, 5 minutes later. Natandaan nya ang sinabi ni Seth, so she decided to go home. Kaso malas, bago pa sya makaalis, nandun na ang may-ari ng lugar.


"Bakit ka nandito?"


Di makapalag si Barbs sa sinabing yon ni Seth. Para bang namimintang ito na ewan. "Napadaan lang ako. Don't worry, I'm leaving."

"Nagtatanong lang ako kung ba't ka nandito. Hindi naman kita pinapaalis."

Bumilis tuloy ang tibok ng puso ni Barbs. Damn this muscle, she thought. "Napadaan nga lang. At FYI hindi kita hinahanap. Wag kang mag-assume."

She heard him chuckle. "Ang dami mo namang sinabi. Akala ko ba aalis ka na?"

"Eto na nga eh!" inis nyang sagot. Kung kelan umuokay na tsaka mangkukups! "Bahala ka dyan. Sana may anaconda na lumabas dyan or something!!!"

Lumakad na si Barbs palayo ng bridge at kay Seth. Malapit na sya sa may entrance nang tawagin sya ng lalaki. "Barabas."

"What?"

"May gusto rin sya sa'yo noh?"

Ayaw nyang maalala yung araw na yun. Pilit na nga nyang di inaalala yun pero sadyang gago't kalahati rin ang dalawang lalaki, sila pa ang nagbabalik ng usapan. "Sinong may gusto sakin?"

"Si Casabueno. Hindi naman sya titingin ng ganun kung wala, diba?"

Humarap na sa kanya si Barbs. "Excuse me? Okay ka lang ba? Wala syang gusto sakin!"

"Bakit ba di mo matanggap na may magkakagusto sa'yo?" he somehow snapped. "Look, if I'm right then there's two of us. And i-"

"People aren't supposed to like me, okay!" sigaw ni Barbs. "Hindi nyo ako dapat magustuhan. Ayokong may magkagusto sakin. I can't entertain that fcking fact because I'm not likeable! I'm not that kind of girl that guys fall in love with. At teka nga, ikaw gago ka rin. Sabi mo ayaw mo diba? At ano na naman 'tong drama mo?" medyo natawa si Barbs. "If it didn't matter then you wouldn't keep bringing it up. So please lang, ang dami kong pinoproblema so layuan nyo ako, pwede?!"

Tinignan lang sya ni Seth. Simpleng tingin lang. "It can't be helped, Barbs. How I wish I could."

Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Barbs, at umiwas sya ng tingin. Gusto na nyang matunaw dun para mawala na ang kung anumang nararamdaman nya.

Eventually wala na ring nasabi pa si Seth. Tumahimik na rin to sa kinatatayuan nya. That was her cue to leave the place. Eh kasi ganun na ang dynamics nila.


**

THURSDAY


Parehas duty sina Wes at Rocky ngayong araw pero mas naunang pumasok si Rocky. Nag-away na naman kasi sila ni Wes kahapon dahil sa sayaw nila. Parang a week ago nagpromise si Wes na aayusin na ang sayaw pero nanadya ata ang loko, ayun di na naman inayos kahapon sa rehearsal nila sa PE.


"Rodriguez!" tawag sa kanya ni Chester, na officer-in-charge. "San si Wes?"

She wanted to roll her eyes pero nasa form sya, bawal. "Sir hindi ko po alam, Sir!"

"Magkaaway ba kayo?"

Pinandilatan nya ng mata si Chester. Parang sira kasi, magtatanong eh duty rin si Fel! Malamang chika na naman ang abot nila mamaya!

Bago pa sya makasagot, isang humahangos na Wesley Rodriguez ang sumulpot sa form ng duties. "Sir permission to join the platoon, Sir!"

Mukhang relieved na si Chester na pumasok si Wes. Pero syempre, may parusa si Wes dahil late ito.

Nang itiwalag sila para mag-CS, agad na nilapitan ni Wes si Rocky. Nakapwesto sila sa may 3rd floor, taga-bantay ng classrooms dahil wala silang morning assembly that day. "Di ka man lang nagsabi sakin na pumasok ka na," ungot nito. "Hinintay pa naman kita."

Dedma lang si Rocky at nagpatuloy na lang ito sa pagpupulot. "Ah ganun. Empty batt kasi ako eh."

Nainis na si Wes kaya hinigit nya palayo si Rocky. Napunta sila sa may stairs malapit sa may CR. "Ano ba Wes! Masakit yun!!"

"Rachel sabihin mo nga sakin ano bang problema mo?! Ba't ba ganyan ka sakin?"

"Ikaw kamo! Ano bang problema mo ha? My god Wes! If this is still about that dinner, get over it! I told you wala lang yu--"

"Kung sa'yo wala, akin meron!" nagulat silang pareho sa sinabi ni Wes. "Alam kong insecure ka sa mga ex ko. I assure you walang-wala ka compared sa kanila. Pero.. di ko mapigilan na di mainsecure kay Podi eh! Parang kasi.. lahat na lang nabigay nya sayo. Feeling ko wala nakong mabibigay pa sayo. Tangina ang perfect naman kasi ng ex mo eh. Nakakasuya!"

"How many times do I have to tell you na wala na nga!?" naiiyak na si Rocky. Pasalamat na lang at sila lang ang tao sa lugar na yon. "Wes naman.. wag ka namang g-"

"Sana kasi pinaparamdam mo noh. Di ko rin kasi alam kung san tayo papunta eh."

That hit her hard. He's right. Somehow may fault din sya sa nangyayari kay Wes ngayon. Sa sobrang takot at insecure nya, nakalimutan nyang i-secure si Wes from Podi's shadow. Gusto nya munang pag-isipan 'to.

"Wes please wag muna ngayon, okay? Wag tayong mag-usap pag heightened pa ang emotions natin. We could hurt each other," malumanay nyang sabi at bumaba na sya ng hagdan.

Pero itong si Wes ayaw pa ring paawat. "Isa lang naman ang tanong dyan eh. May gusto ka pa ba sa kanya?"

Napatigil si Rocky dun. In fairness, masakit yun. Parang inaakusahan sya ni Wes! "What kind of question is that!"

"Simple lang naman sagot dun Rachel! Oo o hindi lang. Siguro kaya di mo masabi na mahal mo ko kasi mahal mo pa sya. Tama ba ako?"

Natamaan na ni Wes ang boiling point ni Rocky. Susugurin na nya sana ito nang.. di sinasadyang ma-out of balance sya.


And there you go.

With his two eyes, Wes saw how the love of his life fell down the stairs.


"RACHEL!!!"


******


Naging commotion sa Charleston ang aksidenteng pagkakahulog ni Rocky sa hagdan. Agad naman syang sinugod sa clinic ng school kaso hindi kaya ng nurse ang check-up kaya inilabas sya para masugod sa pinakamalapit na ospital.


"Ano ba kasing nangyari Wes!?" galit na galit si Janine. "Don't tell me nag-away kayong dalawa kanina? Hoy! Sumagot ka nga dyan!"


Nakatulala lang dun si Wes. Di pa rin nya matanggal sa isip nya yung pagkakahulog ni Rocky. Ineexamine pa rin ito hanggang ngayon. Kasama nyang naghihintay ang barkada, plus si Ms. Medina.

"Ja calm down," pag-aalo ni Chester. "She'll be fine."

"Chester 21 steps, fine? Fine na yun? Pano kung nagkablood clot sya or something? Baka hindi sya makaattend ng Prom!"

Dun lang narealize ni Wes ang possibility na hindi makapunta ng Prom si Rocky. Feeling nya kasi malala ang lagay nito, walang malay si Rocky nang dalhin nila sa clinic.


"Wes? Wes?"


Nabuhayan naman sya ng loob nang marinig ang boses ng mama nya. Agad syang yumakap dito. "Ma.. baka kung ano n--"

"Sshhh.. Don't think negatively, anak. Walang mangyayaring masama sa kanya, okay?"

"Sina Brylle? Nasabihan ba sila?"

"Oo, papunta na sila. Wes, stay calm, okay?"

Pinilit ni Wes na kumalma habang naghihintay ng resulta. Tumahimik na rin si Janine na nilabas muna saglit ni Chester. Minutes later lumabas na rin ang doctor.


"Family po ni Ms. Rachel?" tanong nito sa kanila.

"Uhh Tita nya po ako," sagot ng nanay ni Wes. "Is she critical, doc?"

Ngumiti ang doctor. "Hindi naman po, Ma'am. May slight contusion lang sya. And also she severely sprained her ankle so kailangan po namin syang lagyan ng cast ang right leg nya."


Parang sinuntok si Wes nang marinig nya yun. Sya ang may kasalanan kung bakit nasprain si Rocky. That means hindi ito makakapunta ng Prom.


**


After that announcement, nagdecide ang barkada na wag munang bumalik ng Charleston. Wala rin namang gagawin dun kundi magpractice! Tumambay ang iba sa kwarto ni Rocky. Saktong nagwawala na ang mga sawa sa tiyan ni Barbs kaya lumabas ito saglit para lumamon.


Sa hospital canteen sya pumunta. Favorite nya rito ang carbonara kaya agad naman syang lamon. Wala syang pakialam sa paligid. It's just her and the carbonara.

Nang..


"Emo?"

Naumay agad sya sa kinakain nya. Narinig nya kasi ang boses ni Cyrus. Inilayo nya ang styro ng carbonara palayo sa kanya. "Lul. Wag mo akong guluhin."

"Nga pala," di nagpatinag si Cyrus. "Matatapos na ata yung pagcacast sa binti ni Rocky. Wes looked so devastated."

"Malamang gago sya eh."

"Ang init na naman ng ulo mo? Tsaka tapusin mo nga yang kinakain mo! Sayang eh."

"Kakain ako kung aalis ka dyan. Tsupi."

Natawa na lang si Cyrus. "Look.. alam kong galit ka pa rin sakin. And I know that won't change for a long time."

"Buti alam mo."

Akala ni Barbs susuko na si Cyrus sa pangungulit sa kanya. Last week kasi paran iyon na ang pinapahiwatig ng lalaki sa kanya. Pero laking gulat nya nang..

"Barbs.. if you're thinking that I'm giving up on you.. you're wrong."

"I'm sorry what?"

Huminga nang malalim si Cyrus at napangiti. "Mali ako ng intindi sa sitwasyon. I know that you don't like him. Well.. kahit may gusto ka pa sa kanya.. that won't stop me. Not unless you tell me to stop."

"Ngayon pa lang sinasabi ko na tumigil ka na," mabilis na sabi ni Barbs, na tinawanan lang ni Cyrus. "Bakit mo ako tinatawanan ha?!"

"Aatras lang ako pag seryoso ka na sa pagsasabi nyan. Pag nasabi mo yan na nakatitig sa mga mata ko. Pag alam mo na kung sino ang gusto mo sa amin, na hindi ka naguguluhan.. dun lang ako aatras. Tandaan mo yan."

Umalis si Cyrus pagkatapos nyang sabihin yun. Si Barbs? Ikinain na lang ulit ang kaba nya.

**

Pagkauwi ni Barbs, nagulat sya sa nakita nya sa mesita ng sala nila.

"Ate Cielo!! BABAE KA NA TALAGA!!!" natatawa nyang sabi. May bouquet of red roses kasi sa mesita. At ang gaganda pa ng bulaklak! "Uyyy kilig pwet!!!"

Naiinis na bumaba ang ate nya ng hagdan. "Anong kilig pwet ka dyan?!"

"Ikaw oh!" binuhat pa ni Barbs ang bouquet. "Para sa'yo to!! Shet may nabihag ka rin!!"

Weirdong tinignan ni Cielo ang kapatid. "Ha? Anong akin? Tignan mo nga yung tag! Para sayo yan gaga!"

"Lul! Anong a--" natigilan si Barbs nang makita nya ang tag.

You're such a strange girl
I think you come from another world

For you, Barbara. 

****

KASI NGA WALEY TO. Bangag ako dahil sa case study namin! HAHAHHA =))|
Next week ulit ang update! Ang hapit kukurutin ko sa singit XD 

If I FallRead this story for FREE!