Chapter 16

91 0 0

Clare's POV

Dalawang linggo ang lumipas, napansin ko ang pagiging tahimik, pwera nalang kung kakausapin.

Hindi ko alam kung bakit. Pero para akong baliw.

Mas lalo akong nagfocus sa pagmomodel ko dahil kasali ako sa fashion show sa Indonesia. This is my first time kaya medyo kinakabahan ako, hehe. Kaya nagpupursige ako ngayon sa pagpapractice.

Mabuti nalang talaga at pumayag si Zaire. Syempre. dapat alam niya kung saan ako pupunta. Hehe. Sakto din daw ay mayroon siyang business trip sa Singapore tapos dadaretso daw ito sa amin pagkatapos kaya sabay na lang raw kami umuwi.

I'll stay there for almost 1 week. Pero sa tingin ko ay mag eextend ako dahil gusto ko rin naman libutin ang bansang iyon.

And, last practice na namin ngayon dahil bukas na bukas rin ay lilipad kami agad papunta doon.

*

Agad kong binagsak ang sarili ko sa malambot na kama dahil sa pagod sa biyahe. Apat nsoras din ang biyahe na yun! Hayyy.

Ang mahirap pa ay hindi kasama si Oppa sa show kaya tanging si Asumi, Kelly, at iba pa lang ang mga makakasama ko.

Natapos ang fashion show at ngayon, manonood kami ng isang theatre show

Ang ibang kasama sa fashion show ay hindi na sumama sa amin dahil sa pagod nila. May nainjure kasi kanina dahil nagkaroon ng maliit na aksidente sa stage kanina.

Nang magsimula na ang theatre show ay hindi ko mapigilang hindi mamangha. Ang galing! Hehe. Para kasi itong nasa screen lamang pero totoong tao ang mga ito. I mean, actual act.

Habang nanonood ako ay nakaramdam ako ng pag uga ng aking upuan, kaya medyo sumakit ang ulo ko dahil nasisipa nito ang likod ng sinasandalan ko.

Liningon ko ang taong nasa likod ko at nakitang si Ate Dane pala iyon. Nag peace ito sa akin at, "Oops sorry, may tao pala. Haha akala ko kasi hayop." medyo napalakas na sabi niya kaya medyo nagambala ang ibang tao.

"Hoy! Pinay na madaldal! Di lang ikaw narito no!" reklamo ng isang kababayan.

"Pfft." rinig ko namang tawa ni Asumi.

"I am not pinay no, I am half only." inis na sagot ni Ate Dane. Napailing na lamang ako at inenjoy na lamang ang show.

*

Kinabukasan ay sa isang lugar kami pumunta kung saan para itong tiangge, morning market ganon. Hehe.

"Ah, it's so hot." reklamo ko. Hindi ako mahilig sa ganito lalo na't may hika ako.

Namimili kami ngayon ng mga damit. Dito rin kasi nabibili yung mga binibili sa mall sa amin kaya dito nalang ako bibili, mas mura pa! Hehehe.

"Uy, buhatin ko na dalahin mo." nilingon ko si Ahron, ang kasamahan ko.

"Ay hindi, ayos lang ako, hehe. Si Asumi nalang, mas maarte yun sa akin e."

"Sige, sige. Bukas daw pala ay pupunta daw tayo ng Banda Aceh para sa beach." he reminded. I smiled happily and walked away.

Nasa Banda Aceh kami ngayon at kasalukuyan akong nagmamasid sa beach nang mapansin ko si Ate Dane sa malayo at parang nakikipagtalo sa kanyang kausap sa phone.

Gusto ko man lumapit ay hindi ko magawa dahil bad daw ang eavesdropping. Pero hindi ko na ito napigilan nang bigla bigla na lamang bumagsak si Ate Dane sa buhangin at bumulagta.

The Contract of a Billionaire (Billionaire Series #2) COMPLETEDRead this story for FREE!