Level 1: Tutorial

64 3 1
                                        

"GOOD MORNING, Peppy!"


Isang nakakarinding boses ang bumulabog sa napakahimbing kong pagtulog----na hindi naman talaga mahimbing dahil magdamag akong nagdrama dahil sa paghihiwalay namin ni Edward.


"Wala ka bang bahay, Alice? Bakit nandito ka na naman?" Antok na tanong ko kasabay nang paghikab. May good side din talaga ang pag-iyak bago matulog eh. Nakakahimbing ng tulog. 


Itinalukbong ko ang unan sa mukha ko nang buksan niya ang kurtina.


"Wala ka bang buhay, Pepper? Bakit nakakulong ka na naman sa bahay mo?" Pabalik na tanong nito.


Alice and I grew up practically together. Three years ang tanda ko sa kanya pero kung magturingan kami ay parang magka-edad lang. Mag-pinsan kami at nasubaybayan ko rin halos ang paglaki niya. Magkaramay kami sa lahat ng bagay. Mula sa mga maliliit na accomplishments hanggang sa pinakamalalaking heart breaks ng isa't isa.


Tinanggal ni Alice ang unang nakatakip sa mukha ko at pilit na sinilip ito sa kabila nang pagpupumiglas ko.


"Aha! Umiyak ka na naman noh?"


"Ugh, please. Get a life." Tumayo ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Alam ko namang hindi ako tatantanan ng babaitang ito at ano pa ba sa akin ang hindi niya alam?


"Spill it. Makikinig ako," sabi nito habang inaayos ang kama ko.


"Correction—makikinig with side comments," komento ko mula sa banyo. I hope she heard me.


"Hulaan ko, break na kayo ni Edward noh?!"


Muntikan ko nang maibuga ang minumumog ko sa tanong nito. Kung minsan talaga hindi ko gusto ang tabas ng dila ng babaeng 'to eh. Sinilip ko siya mula sa pintuan ng banyo ko at sinenyasan siyang manahimik.


"K-Kailangan ba talaga sinisigaw? 'Di naman yata kailangan malaman ng mga kapitbahay na wala na kami ng boyfriend ko, diba?"


"Hay nako, Pepper. Kahit naman yata sino ang makakita sa'yo ngayon ay gano'n ang iisipin. Look at you! You look so wasted. Hindi ganyan ang Pepper na kilala ko. Pero tuwing broken ka, lumalabas 'yang ganyang side mo."


Pinunasan ko ang mukha ko at tinignan ito sa salamin. Mugtong mga mata na halata mong magdamag umiyak. Buhul-buhol at magulong buhok sa kakaikot sa kama. Namumulang ilong sa kakasinga. May mga bakas pa ng sabog na make-up sa kakapunas ng mga luha. Tama si Alice, hindi ko makilala ang babaeng nasa harap ko ngayon.


Lumabas na ako ng banyo at tumabi sa kanya na ngayon ay busy na sa paglalaro sa cellphone niya. Kung hindi ko lang talaga kilala 'to eh baka binatukan ko na. Ayaw ko pa naman sa lahat ang taong hindi maalis ang mata sa cellphone kahit na may kasama naman siya. Respeto na lang sa taong kasama mo, diba? But Alice is an exception. Kahit nakatutok ang mata niyan sa nilalaro niya, all ears pa rin naman siya sa akin. Minsan nga nagtataka na lang talaga ako kung paano niya nagagawa 'yun. Nasanay na lang siguro kami sa isa't isa.


"Sabihin mo nga sa akin, Alice, may mali ba sa akin? Kilala mo naman ako diba? Kapag nagmahal ako, bigay-todo. Buong-buo. Walang-kahati. Pero bakit ganon, iniiwan pa rin ako?" Mahinang tanong ko.


Saglit itong natigilan sa nilalaro niya at tumingin sa akin nang seryoso.


Napansin kong inaatake na siya ng mga kalaban niya at mamamatay na ang hero na gamit niya pero hinayaan niya lang ito.


"Hala, Alice, mamamatay na hero mo!" Bulalas ko.


"Hayaan mo siya, 'yung hero lang naman ang mamamatay at hindi ako," paliwanag niya. "Balik tayo sa tanong mo. Alam mo kung ano ang mali sa'yo, Pepper?" Umayos ito ng upo at humarap sa akin. Kinuha niya ulit ang cellphone niya at ipinakita ang nilalaro niya. Nandoon ito sa settings kung saan pwede mong i-edit ang character na gamit mo ayon sa gusto mo. Hindi ko maintindihan ang koneksyon nito sa tanong ko until she pointed it out. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loveswept (Ongoing)Where stories live. Discover now