CHAPTER 23

2K 47 3
                                    

CHAPTER 23

HALOS MAG AAPAT na buwan nang wala sa mansiyon si Heather. Oo nga at buhay prinsesa siya sa bahay pero hindi parin kompleto ang mga araw niya dahil wala ang mga kapatid niya. Noong araw na may nangyari sa kanila ni Sebastian ay hindi niya na matandaan. Lasing din siya noong araw na iyon.

"Rebecca, nainom mo na ba ang gatas mo?" Tanong ng ina kay Rebecca.

"Hindi pa po, Ayoko po nung gatas eh. Ang baho." Sabi ni Rebecca habang nakahiga sa kama at nag babasa ng libro. Gabi na kaya kailangan niya na matulog.

"Pumunta kanina 'yung katulong ni Sebastian. Nag bigay ng mga shopping bag. May mga damit doon ng baby tapos vitamins mo." Sabi ng ina niya. Halos isang beses sa isang buwan lang pumunta si Sebastian sa bahay kaya ang masalas na nag pupunta ay ang katulong nito.

"Si ate po?" Tanong ni Rebecca sa ina.

"Umalis ng bansa, hindi mo ba napansin? Umalis siya kagabi. Gusto ata mag muni-muni muna." Sagot ng ina niya sa kaniya. "Sige, iwan na kita rito ha? Matulog ka na." Tumango si Rebecca at hinalikan ang ina sa pisngi.

Pagkaalis ng ina niya ay napatitig si Rebecca sa kisame. Ang totoo ay bago pa may nangyari sa kanila ni Sebastian ay may nangyari muna sa kanila noong lalaki sa bar pero hindi niya kilala. Lasing din siya noong araw na iyon. Kaya hindi niya sigurado kung kay Sebastian ba talaga ang bata.

O baka hindi.

NAGPUPUNAS si Heather ng glass window sa isang erstaurant na pinapasukan ni Heather sa Italia. Apat na buwan siyang namuhay na parang isang normal na tao. Walang nakakakilala at walang kakilala. Bawal si Heather mag pakilala bilang isang mayamang tao at kadugo ng mag Delacruz. Ngayon ay isa siyang normal na Delacruz na naka tira sa isang masikip na apartment.

"A che ora apre il ristorante della signora craig?" Anong oras magbubukas ang restaurant ni Mrs. Craig?

"Piu tarde nel pomeriggio, la signora." Later in the afternoon, ma'am. Sagot ni Heather.

Naka ngiting tumango ang madalas nilang costumer at umalis na. Nagpatuloy si Heather sa pag pupunas ng salamin hanggang sa matapos iyon. Sunod naman niyang ginawa ay ang pag luluto. Naka lagay sa listahan ang mga dapat niyang lutuin. Pero tumuon ang pansin niya sa isang potahe.

"Samundari khazana cury at Bombay brasserie"

Iyon ay nag kakahalaga ng tatlong libo dito sa Italia. Ang pagkain na nagkakahalaga ng labing siyam na milyong piso sa Pilipinas.

Nang makita ni Heather na nag papasukan na ang mga cook ay nag ayos na siya para mag out dahil kagabi pa siya rito. Hinayaan niya na ang mga pagkain at iba na ang nag luto non. Naglalakad lang si Heather pauwi dahil mahal ang pamasahe pag nag taxi. Hindi naman kalayuan ang bahay niya kaya nilalakad niya nalang.

Habang nag lalakad ay kinuha ni Heather ang cellphone kasama ang earphone niya. Sinuot niya ang earphone habang nag lalakad para naman malibang siya. Wala naman pinagkaiba ang Italia sa Pilipinas. Syempre may pinagkaiba physically pero sa mga tao? Halos ganun din.

"Good morning Heather!" Anang lalaking italiano kung saan doon siya bumibili ng bulaklak.

"Good morning." Nakangiti niyang bati pabalik. Patanghali na rito kaya malamang ay gabi na sa Pilipinas. Nang makaliko si Heather sa street kung nasaan siya nakatira ay kumunot ang noo niya dahil may nakaparadang kotse sa tapat ng inuupahan niyang apartment. Mabilis siyang nag lakad at pumasok agad sa gate. Napahinto si Heather dahil nakabukas ang pinto ng bahay niya. Binuksan niya ang pinto at ganun nalang ang pag uwang ng labi niya nang makita kung sino ang nasa loob ng bahay niya.

Passion Series 3: POKER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon