Chapter 15

101 0 0

Clare's POV

Nagluluto ako ngayon ng nilagang baboy, hehe. Hindi ako masyado marunong pero nagresearch ako sa google kanina kung paano maging asawa.

Kaya pagdadala ko ngayon si Zaire ng food sa office niya! Ahehehehe. Sana magustuhan niya. Huhu.

Nagsuot lang ako ng short shorts at black halter top na pinatungan ko ng mustard yellow na hoodie dahil umuulan at malamig.

Nagsuot din ako ng boots dahil baka madumihan lang ang ibang shoes ko, puti pa naman sila.

Nang maluto ito ay agad ko itong isinalin sa isang lalagyanan at nilagay ang sabaw sa isang maliit na thermos.

I am all ready.

Pagsakay ko ng taxi ay napalingon agad sa akin si kuya driver. Hala! Pamilyar siya!

"Uy hi kuya! Nahanap niyo na po ba kung saan yung 'kasungit talaga'?? Hehe! Nice to see you again po!" pagbati ko sa kanya.

Napakamot naman si kuya, "Hindi man, hija, e. Pasensya na. So saan ka ngayon? H'wag sa di ko alam ha." aniya.

"GZ group of companies po. Hehe." magalang na sagot ko rito.

Ilang minuto rin lang ang lumipas ay nakarating na ako doon. Hindi alam ni Zairey na pupunta ako kaya susurprise ko nalang! Ahehehe.

Agad akong lumapit sa mukhang front desk at saka nagtanong. "Good afternoon po! Saan po office ni Zaire Gutierrez?" I asked.

"Sino po sila? Anong oras po appointment niyo kay Mr. Rei?" tanong ng babae sa akin.

"Rei? Wala po akong kilalang ganon, hehehe. Zaire lang po."

"Ah, haha. Rei po kasi tawag namin kay Sir Zaire dito. Ano po bang oras appointment niyo sa kanya?" nahihiya ngunit natatawang sagot ng babae.

"Wala po akong appointment sa kanya, Ate. Pero asawa niya po ako." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Hmm, may asawa na po pala siya? Sige po, 25th floor po, office niya po yon."  aniya. Nagpasalamat naman ako saka naglakad na paalis.

Pagkaakyat, agad bumungad sa akin ang tawanan, mula sa labas pa lamang iyon. Lumapit ako sa glass window na natatakpan ng roller blinds ngunit kita pa rin ng kaunti ang loob.

"OMG, that's so funny, Zaire." anang pamilyar na boses. Pilit ko mang silipin ang loob ay hindi ko pa rin makita ng maayos dahil wala rin, nakatalikod rin.

Pilit akong ngumiti saka tumalikod at sumakay nang muli sa elevator. Hindi ko alam pero parang kumikirot ang puso ko sa nakikita.

Hay, abnormal na ata puso ko. Huhu.

"Oh ma'am? Bakit po ang bilis niyo naman?"

Tinignan ko ang mukhang nagtatakang babae na nakausap ko kanina. "May kasama siyang iba e... pakibigay nalang to sa kanya.. Thank you." nakangiting sabi ko saka inabot ang pagkain sa babae at walang pasubaling umalis.

*

"I heard you came to my office?" matigas na ingles na tanong sa akin ni Zaire nang kauuwi niya.

Nilingon ko siya at tumango. "Oo, hehe. Hinatid ko lunch mo... kaso kasama mo ata yung girlfriend mo." sagot ko sa kanya.

Tinignan ako nito nang may halong lamig, "Hmm...she's not my girlfriend." mataman nitong sabi.

I groaned, "Okay then, kumain ka na diyan, nagluto ako. Iwan mo nalang diyan sa lababo ang pinagkainan mo, tinatawag lang ako ni Mommy, babalik ako bukas. You can bring your girls here, I wont punish you  don't worry." nginitian ko siya. Akma itong pipigilan ako pero naglakad na ako palabas sa lugar niya.

Now, I can imagine him clenching his jaw, keeping his anger on his self.

Bakit ba ako nagkakaganito? Huhu.

Naalog na ata utak ko

The Contract of a Billionaire (Billionaire Series #2) COMPLETEDRead this story for FREE!