Chapter 13

83 0 0

Clarentine's POV

May practice kami ng ramp kami ngayon, at medyo bandang huli pa kami ni Asumi kaya pinapanood muna namin ang iba naming kasamahan na gumalaw.

"Asumi it's your turn na daw."

Napalingon kaming dalawa ni Asumi sa nagsalita. Bakit nandito to? Ngumiti si Sumi   sa kanya at saka tumayo na at naglakad na papasok ng stage.

Hinanap ko naman si Kelly na dapat susunod kay Asumi bago ako. "Are you finding for Delly? She's absent kaya I'm the one na papalit sa kanya." sabi ulit ni Ate Dane.

"It's Kelly po. Hehehe. Sige po, Ate, pasok na po kayo sa stage."

Tumango naman ito saka confidently na lumakad, ako naman ay nag abang na sa backstage.

Nang turn ko na ay umayos na ako saka naglakad papasok at magkasalubong ni Ate Dane nang bigla akong nakaramdam ng pagka-patid at bumagsak sa sahig.

"Break!" sigaw ng nagtetrain sa amin saka sila nagmamadaling lumapit sa akin.

Hindi ko mapigilang mapa-iyak sa sakit dahil ulo ko halos ang naunang bumagsak.

"Oh my freaking gosh, I'm sorry!" narinig kong sabi ni Ate Dane pero hindi ko magawang sumagot dahil sobrang sakit talaga.

"Unko! Bring her to the hospital, now!" bullshit!  huling rinig ko bago ako sakupin ng dilim.

*

Nagising ang diwa ko nang maramdaman ang isang iyak na pambabae. Hehe.

"Eomma, what are you doing here?" nagtatakang tanong ko nang makita si Mommy.

Nasa US to ah?

Nagpunas ito ng luha saka tumingin ng masama sa akin. Hindi ko naman magalaw ng maayos ang ulo ko dahil sumasakit. Nararamdaman ko ding parang may benda doon.

"Why didn't you tell me that you got married? Do you know what are your responsibilities, huh?" aniya.

I pouted. "E kasi po, biglaan, eh. Saan po ba yun? Huwes ba?" I answered.

"What? Your wedding should be grand!" sermon niya sa akin. Hindi na ako sumagot pa dahil madaming seremonyas si Mommy kaya tumingin na lamang ako sa kawalan.

"Where the hell is your husband, Clare? He should be here! Tsaka sino ba yang nakapatid sayo? I'll sue her! Look what she made to you! May benda ka sa ulo!"

Tamad ko naman tinignan si Mommy. "Mom, he's not here. And I don't know where the hell is he. What happened was just an accident, wag mo nang pakialaman pa." I said. I didn't even know where did that came from.

"What's his name? Let me meet that bastard." napabuntong hininga si Mommy at nilabas ang kanyang cellphone.

Is she calling her investigator? Hala! Baka pabugbog ni Mommy si Zaire! Wag naman sana! Huhu.

"Hmp. Ayaw ko, baka pabugbog mo pa siya kila Kuya Angry, e." pagtukoy ko sa kanyang mga bodyguard na palaging galit kaya pinangalanan ko ng Angry. Hehehe.

"No, unless sinasaktan ka niya. Tell me his name." aniya saka hinaplos ang aking ulong may benda. :(

"Zaire po. Hehe!" I answered.

Tumayo na si Mommy at saka naglakad palabas.

--

Ilang araw rin ang lumipas, nakalabas na ako sa hospital. Mabuti nalang talaga hindi ako umiiyak pag iniinjectionan ako! Hehe! Nandiyan naman kasi si Mommy sa tabi ko!

Si Sylph ay isang beses lang nakapunta dahil may hinahabol daw siyang investors sa fashion store niya. Yung Tara Fashion ba? Ay ewan hehehe! Basta may daily supply ako non every month! Kaya puno ang kwarto ko nung brand na yun, hehehe.

Si Oppa naman... ewan ko dun! Hehehe. Tumawag lang sa akin. Ewan ko kung bakit ayaw bumisita sa akin.

And si Zairey? Hindi ko alam. Hmp, tampo ako sa kanya dahil di niya ako binisita the whole time na nakaconfine ako.

Pero ngayon babalik na ako sa house niya! Hehehe. Nakakaexcite.

"Miss, nandito po tayo." magalang na sabi ni Kuya Angry sa akin.

"Uy kuya, salamat ha! Mabuti nalang di ka galit ngayon! Hehehe!" gulat na sabi ko nang hindi siya pagalit na nagsalita.

Wala itong reaksyon na tumango. Akma pa akong tutulungan ni Kuya Madness na palaging inis sa mundo, kakambal siya ni kuya Angry, pero tumanggi na ako dahil kaya ko naman.

Ngumiti naman ang front desk sa akin at napatingin sa benda ko sa ulo pero nginitian ko nalang rin sila.

Nang makarating ako sa penthouse ay dahan dahan akong bumaba sa tatlong hagdan dahil baka madulas ako at matigok na ng tuluyan.

Naka upo ng prente si Zairey sa sala at pinagmamasdan ang aking paglalakad. Hala, inaaral niya ba kung paano ako maglakad tapos gagayahin niya?

Bwahaha!

Naglakad ako ng parang nasa ramp ako at tumigil nang makarating sa kanya.

"What the hell are you doing? Pfft." natatawang tanong niya.

"Diba gagayahin mo ako? Kaya nakatingin ka sa akin?" pang asar ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at hinila ako paupo sa kandungan niya. Nanlaki naman ang aking mga matang napatingin sa kanya.  Bagkus napansin ko ang kanyang pasa sa pisngi at labi. May band aid rin sa kanyang ilong. Hala?

"Napatid ka din ba ni Ate Dane kaya ka may ganyan?" gulat na tanong ko at saka dahan dahang hinawakan ang kanyang mga pasa.

Pero mas nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ako ng paglapat ng labi sa labi ko.

"You made me worry, Tine."

The Contract of a Billionaire (Billionaire Series #2) COMPLETEDRead this story for FREE!