Pag-ibig na minsan, nagsisimula sa katapusan

726 3 2
                                                  

Pag-ibig, tinuturuan tayo kung paano magmahal ng tunay at tapat. 

Pag-ibig, na binibigay natin para sa taong mahal at mahalaga sa buhay natin. 

Pag-ibig, na siyang nag-iiwan sa atin ng mga masasayang alaala, 

at kasama rin ang kalungkutang nadarama. 

Pag-ibig, na binubuo dalawang taong nagmamahalan, 

dalawang pusong nagkakaunawaan. 

Pag-ibig, na minsan bigla nalang mabubuo, 

kahit pa sa hindi inaasahang pangyayari. 

Pag-ibig na, kahit siya lang sapat na. 

Pag-ibig na handang ibigay ang higit pa sa sobra. 

Pag-ibig na mas mahalaga ang taong mahal bago ang sarili. 

Pag-ibig na walang hinihintay na anumang kapalit. 

Pag-ibig na handa siyang palayain. 

Pag-ibig na nasayang at napuno ng kalungkutan. 

Pag-ibig na nauwi sa masakit na paalam.

Dahil sakanya, natutunan kong magmahal.

Dahil sakanya, natutunan kong maging matatag

Natutunan ko ang tunay na pagmamahal.

Pag-ibig, na minsan nagsisimula sa katapusan.

© Copyright Immanuel Judah Fonseca all rights reserved.

Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon