Part 2

132K 2.4K 147
                                    


"SAYANG, hindi ka sumama!" panghihinayang ni Pax habang kasalo ito ni Astrid sa pananghalian sa pantry ng ATI.

"Loka, ano naman ang gagawin ko doon kung sakali?"

Paternal cousin niya si Pax, may isang taon ang tanda nito sa kanya. Sabay sila nitong lumaki kaya naman parang kapatid na ang turing niya rito, ito rin ang maituturing niyang best friend.

"E, matagal mo nang crush si Larkin Morgan, 'di ba? Pagkakataon mo na sana iyon na ma-meet siya in person."

Nginusuan niya ito. "Alangan namang sabihin ko sa boss ko na sasama ako."

"Tinanong mo sana kung kailangan ang presence mo doon, baka pag-usapan nila ang contract renewal ni Larkin. Mag-take notes ka, ganern. My God, Astrid! Tanggalin mo 'yang hiya-hiya sa katawan mo kung gusto mong may marating ka dito sa Manila."

"What? I've been working here for almost two years now. Wala naman akong bad records, ah. Gusto rin ako ni Rada."

Hindi nagpapatawag ng Ma'am o Boss ang immediate superior nila ni Pax. Magiliw ito sa mga tauhan, lalo na sa kanyang pinsan na executive assistant nito.

"Yes. But, cuz, you gotta be more aggressive! Kaya mo nga pinasok ang trabahong ito para magising ang confidence mong nasa dormancy dahil sa misogynistic environment na kinalakhan natin."

"Ano ka ba? Hindi na ako kasing-mahiyain gaya ng unang araw ko dito, 'no?"

"Yes, pero matuto ka ring mag-kiss ass gaya ko! Tamo ako, sobrang happy sa posisyon ko sa work ngayon. Magsipsip ka rin kay Clay!"

Natawa si Astrid. "Alam mong hindi ko kayang gawin iyan."

"Wala namang masama sa ass-kissing kung alam mong deserved mo ang makukuha mong perks, ano? Saka, hello! Magaling ako at ansipag-sipag ko kaya paborito rin ako ni Rada." Humagikgik si Pax. "Sumipsip lang naman ako para makasama sa mga bonggang lakad niya."

Hinalo-halo niya ang iniinom na pineapple juice. "Ibang-iba si Sir Clay kay Rada kaya hindi gagana sa kanya ang ganyan."

"Kamusta na pala ang tatlong araw mo sa kanya?"

"Okay lang," tugon niya sa pinsan sabay kibit-balikat.

"Hindi ka naman sinusungitan? May bad rep na kumakalat na istrikto daw siya, eh. Sabi rin sa akin ni Rada."

"Hindi naman. Mabait nga si Sir Clay, eh."

Napangiti siya nang maalala niyang nagustuhan nito ang kanyang timpla ng kape. May impression din siya doon sa senior manager ng ATI na medyo suplado ito; seryoso at parang hindi masyadong palasalita o palangiti.

"May boyfriend kaya 'yun?" hindi niya sinasadyang maiusal sa mahinang boses.

Sometimes she had a bad habit of mumbling incoherently what was on her mind. Maybe it came from years and years of not having the right to voice her own opinion because she lived in a house that only her late father's voice mattered.

Napaubo si Pax mula sa iniinom na Coke, narinig yata ang sinabi niya. "Anong boyfriend? Tingin mo kay Sir Clay, beki siya?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa kanya.

"Ay, hindi ba?"

"Gaga! Kung may isang unang makakaalam kung bading si Sir Clay ay ako 'yun. Amoy na amoy ko ang berdeng dugo kahit gaano pa itago 'yan."

"Well, hindi ko naman naramdaman, naisip ko lang na posible. It's just... he looks too clean kasi, alam mo 'yun? Ang hilig pa sa pastel colors na polo, eh. Ngayon nga, light pink 'yung long sleeves niya. Naka-white pants din kahapon."

GET DIRTY (Hubaderos Book 2: Clay) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon