Chapter 10

86 0 0

Clarentine

"Good morning, world!"

I opened the curtain to see the view here in the penthouse. Napangiti ako ng malaki nang makita ang view.

Ay takte, may shoot pala ako sa isang clothing brand ngayon! Lagots ako kay manager ko nito!

Kaagad akong naligo dahil 9am ang shoot, at anong oras naaaa!!! It's already 8:15! Emeged, patay ako nito.

"Where are you going Clarentine? Kumain ka muna." panimula ni Zaire na ngayon ay kumakagat sa kanyang cheeseburger.

Pero umiling ako sa kanya dahil malelate na malelate na ako! "Sa shoot ko ngayon! Kung saan nagtatrabaho si Kuya Rence! Dun na ako kakain! Babye! Hehe!" saka ko sinuot ang sneakers ko at nagmamadaling bumaba at pumara ng taxi.

"Saang lupalop ka nanggaling, Clarentine Hwang?!" mainit na ulo na sabi ng aking manager na si Elana.

Sasagot sana ako ng sumabat ang aking magaling na kapatid na katatapos lang siguro mag shoot. Aga ah.

"Woi, Elana. Wag mo pag initan ang kapatid ko, kagagaling lang niyang US, hindi ba? Pasalamat ka nga tinanggap niya pa offer mo e." tumatawang sabi ng kapatid ko sa nakataas na kilay na manager naming dalawa.

"Tse! Sige na, Clare, mag ayos ka na dun sa dressing room at titignan pa namin ang mga shots." masungit na sabi niya sa akin. Napanguso nalang ako sa tamad na pumunta sa dressing room.

Natapos ang shoot ng maayos at ngayon patago kaming chumichibog ng kapatid ko sa isang tagong restaurant na medyo malayo sa agency namin. Lagot kasi kami kay Elana pag nalaman niya na marami na naman kaming kinakain, baka mahigh blood pa, hehehe.

"Oh, Hi Rence!" napalingon kaming parehong magkapatid nang may bumati sa kanyang magandang babae. Maputi ito at matangkad rin katulad ko. Mga 5'8 siguro ang height nito. 5'9 ako! Hehehe.

Para namang nakakita ng multo itong kuya ko at nanlalaki ang mga mata nito kaya kinalbit ko ito at nahihiyang ngumiti sa babae.

"Sorry po, ate. Nagandahan po ata sayo." nahihiyang biro ko kay ate ganda.

Tumawa naman ito at nginitian ako. "Huy kuya! Hello ka naman daw kay ate ganda!" tampal ko sa kapatid ko. Para namang nabalik sa ulirat ito kaya ngumiti ito sa babae. Teka, sino ba siya?

"H-hello. K-kailan ka pa nakabalik?" nauutal na tanong kapatid ko. Luh, kinakabahan siya, ex niya ba to? Hehe.

"Ah, yesterday lang. Sige, I'll goodbye to you na and to your.... sister? I think?" she flew a kiss and then came back to their table.

Nakahinga naman na ng maluwag ang kapatid ko. Napano to?

Pagbalik namin sa agency namin ay umuusok na naman ang ilong ni Elana sa amin. "Etong magkapatid talaga ay sakit sa ulo! Jusmeyo Sta. Maria! Direk! Suko na ako!" nangungunsime na sabi ni Elana sa aming dalawa ni Kuya.

Hindi nalang namin ito pinansin pa dahil baka mas lalo pa uminit ulo sa amin nun.

"Models! Mag ayos na kayo! May ipapakilala ako sainyong bagong kasama niyo sa ramp!" sigaw ng isang staff sa agency namin.

Isa isa kaming komportable na umupo sa aming mga upuan, katabi ko ngayon si Asumi na madalas kong kadaldalan kahit noon pa.

"Sino kaya yung bago ano?" bulong sa akin ni Asumi.

Kumunot ang aking noo sa kanyang tanong saka ako sumimangot sa kanya. "Mukha bang kilala ko na, Sumi?" pagtataray ko sa kanya. Try lang, hehe! Peace!

"Chix kaya, Sumi?" tanong ni Oppa kay Asumi. Inisnaban lamang ito na nakapagpatawa sa akin. Bagay sila!

Natahimik kaming lahat nang biglang bumukas ang dalawang pintuan at iniluwal nito ang isang babaeng naka wayfarers.

Teka, siya yung babae kanina!

Narinig ko namang bumulong si Oppa pero hindi ko iyon gaano naintindihan. "Hindi pala chix, chicken lang, tss. Pa grand entrance pa." bulong ni Oppa.

Taas noo itong nakipag shake hands sa aming mga kasamahan habang nakangiti. "I am excited to work with you...Miss? I'm sorry I forgot." aniya pa. Kasasabi lang ng pangalab sa kanya e.

"Asumi. Pero hindi assuming." ngumiti si Sumi sa kanya.

"Tss, plastic." bulong ni Oppa. Again, di ko pa rin narinig ng maayos. Hayy. Nabibingi na ba ako.

Nang matapat sa akin ang kamay ni ate ganda ay ngumiti ito kaagad sa akin. "Hello, I am Dane, I suppose you are Rence's sister?" tanong nito sa akin.

Proud naman akong tumango. Kahit unggoy ang kapatid ko, mahal ko pa rin yan no! Hehehe.

"Ne! My name is Clare or you could also call me Tine. Pero di ako marunong mag tinikling ah! Hehee!" sabi ko sa kanya.

Tumawa na lamang ito at lumapit na kay Oppa pero tinignan lamang nito ang nakalahad na kamay.

Nahihiya naman itong binaba ang kanyang kamay. "A-ah, I supposedly you already know me. You know! I'm sikat worldwide! Kaya di na ako magtatanong kung bakit almost lahat sainyo kilala ako!" she said in a jolly way.

Pagkatapos nun ay uwian na namin dahil tapos na lahat shoot namin, group shoot kasi e.

"Teh! Kaloka naman pala yung bagong makakasama natin! Galing daw yun ng Spain! Fluent daw sa english pero suppose lang na word mali pa!" mahinang bulong sa akin ni Asumi.

I glared at her. "Wala naman siyang ginagawa uy, bad mang judge!" sermon ko sa kanya.

She just rolled her eyes and kissed my cheeks. "Bye na, Sis! Nandyan na si Hachiro! Sayonara!" aniya saka tumakbo na.

"Annyeong!"

Natatawa naman akong naglalakad palabas ng lobby nang makita ko si Zaire na nakasandal sa kanyang sasakyan na para bang may hinihintay. Agad naman akong tumakbo palapit sa kanya.

"Uy! Nandito na ako! Hehe tara na! Gutom na ako!" sigaw ko sa kanya nang di niya ako mapansin.

Sumakay ako kaagad sa shotgun seat pero di pa rin siya sumasakay.

"Huy, Zairey? Problema mo? Tara na!" atat na sabi ko sa kanya nang buksan ko ang bintana.

Tinignan niya lang ako sa tamad na paraan. "Get out. Hindi ikaw ang sinundo ko dito." utos niya.

Sinimangutan ko naman siya tsaka lumabas at naglakad paalis para magpara ng taxi.

"Hey, Bud! Akala ko ba malelate ka?" Nilingon ko kung saan nanggaling iyon at nakita ko si Ate ganda na kausap si Zaire.

Nakareceive naman ako ng text galing sa kanya.

From Zairey bebe :

Go to your Oppa's place first. Come back tomorrow.





The Contract of a Billionaire (Billionaire Series #2) COMPLETEDRead this story for FREE!