Chapter 9

110 0 0

Clarentine

"U-uy! Nandiyan ka pala, Zairey! Hehehe!"  kinakabahang sabi ko dahil sobrang seryoso ng tingin nito sa akin ngayon.

He rolled his eyes. "Malamang, alangan nandun ako sa bahay, diba?" pilosopong aniya saka ako hinila palabas ng dancefloor.

"Oo nga no, pero tekaaaa! Saan mo 'ko dadalhin uy! Hindi ko pwedeng iwan si Sylph!" pilit kong tinanggal ang aking braso sa kanyang kamay pero sobrang higpit nito.

"I called some bouncers to look after her so don't worry. I'll take you home."

Lumungkot ang aking mukha nang marinig ang kanyang sinabi. "Hindi ka pa uuwi?" nakasimangot na tanong ko sa kanya.

"Not yet. I have something to do. H'wag mo na ako hintayin makauwi dahil bukas pa siguro ako makakauwi." aniya saka ako hinila ulit palapit sa table ng puro lalaki.

Napatingin ako sa lalaking nagsalita na may kaakbay na babae. "What's her name?" seryosong aniya.

Hala! Omg! Kilala ko toooo! Siya yung anak ni Mr. Hunter Maxwell Zamora! Una ko ata siyang nakita noong high school ako sa Ora University! Crush ko to e!

"Hala! Hi po, Kuya Stavros! Alam niyo po bang crush na crush ko ho kayo simula nung high school pa po ako? Ako po si Clarentine! Tine for short! Yep! Kapatid po ng unggoy kong kapatid na si Clarence! Hehehee! Nice to meet youuu!" kinikilig na pagpapakilala ko kay Kuya Stavros.

Magkakilala pala sila? Heheh!

"Well then, Hi Tine. This is my wife, Kyzee." ngumiti siya sa akin, ganon din ang ginawa nung asawa niya.

"Ang ganda niyo pooo!" puri ko kay Ate Kyzee.

"No, you are, Tine. Ikaw ba yung nasa billboard sa EDSA?" Shemay! She recognized me! I feel so sikat!

"Opo! Hehe! Nice meeting you!"

"What do you want to eat, Tine?" Kuya Stavros asked. Asdfghjkl. I feel so kinikilig.

He laughed when Zairey hissed. "We'll eat at home, Kuya. Thank you for your offer. Ate Kyz, give my regards to Stazie and Achaius." masungit na sabi ni Zairey
saka ako hinila palabas ng Retro.

Pagkalabas na pagkalabas ng bar ay saka ako nito binitawan. "You can already go home. Maghintay ka nalang ng taxi diyan." malamig na sabi niya sa akin saka siya pumunta sa loob muli.

Sinimangutan ko nalang kung saan siya dumaan at nagpara na ng taxi.

"Kasungit talaga." nakasimangot na sabi ko pagkapasok ng taxi.

"Ay ma'am, saan po banda yun?" tanong ng driver sa akin.

"Teka kuya, i google maps natin!" sabi ko sa kanya saka binuksan ang google maps sa cellphone ko.

Tumingin ako kay kuya na may halong lungkot. "Kuya, wala man sa maps yung lugar na 'kasungit talaga' e, sorry po. Sa *toot* residences nalang po. Yung condo po malapit sa Ora? Hehehe." malungkot na sabi ko.

Napahawak naman sa ulo si kuya driver, "O sige sige. Sa susunod itatanong ko sa kapwa ko taxi driver kung saan yung lugar na yun, ha?" aniya.

Ngumiti ako dito.

"Sige po kuya! Salamuch!"

The Contract of a Billionaire (Billionaire Series #2) COMPLETEDRead this story for FREE!