01: Undies

86 8 0
                                    

Agh.

I couldn't explain how hard my head was throbbing. Sobrang sakit, parang pinipiga ng isang higante! Nagising ako dahil sa sakit at hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman.

Ano bang nangyari? Ano bang ginawa ko?

Marahan kong binuksan ang mga mata ko. It was pitch black. Wala ang liwanag mula sa poste sa labas na karaniwan ay pumapasok sa bintana ng kwarto ko. Sinubukan kong kapain ang bedside table ko para buksan ang lamp pero nagulat ako dahil malamig na pader ang nahawakan ko.

Paano nangyari 'yon? Did I rearrange my room?

Kinapa ko ang ilalim ng unan ko para kunin ang maliit na flashlight na palaging naroon pero wala rin! Nilinis at iniba ba ng ayos nina ate Mandy ang kwarto ko? naisip ko pero hindi nila ginagawa 'yon hangga't wala akong sinasabi. Hindi ko rin naman ito magagawa nang ako lang dahil bukod sa kailangan ko ng katulong sa pag-usog ng malaking kama ko, hellish ang school ngayon dahil magtatapos na ang school year. Wala pa akong time. Kaya isa lang ang naisip kong dahilan kung gano'n: what if...

THIS IS NOT MY ROOM?!

Hindi ko napigilang magpanic nang ma-realize 'yon at pinilit na umupo kahit sumasakit pa ang ulo ko. "Aghh." I placed one hand on my head and the other tried to search for my phone in my jeans' pockets, only to also find out that I wasn't wearing my jeans anymore!

"Shit!" napamura ako at natampal ko ang bibig ko dahil do'n. Napatakip ako ng bibig. What the hell happened? Bakit tanging undies na lang ang suot ko?! I closed my eyes and tried to remember everything that happened before I probably passed out.

Lights, music... alcohol.

"Mmm..." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig 'yon. I froze when something beside me moved. By instinct, sinipa ko 'yung gumalaw kaya nahulog ito sa kama at lumagapak sa sahig.

"Ughh. What the-?" Naaninag ko sa dilim ang pagtayo nung sinipa ko. I prepared to throw my fists at whoever the stranger might be, but when the lamp went on, I froze again.

It was a... girl.

Sino siya?

Anong ginagawa niya rito?

Bakit ako nandito?

Anong nangyari?!

Ang daming tanong na pumasok sa isip ko upon seeing her. I opened my mouth to ask her, but when my eyes went below her face, my body stiffened for the third time.

"Oh, gising ka na," sabi niya at saka kinusot ang mga mata. "What's wrong?"

Hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit ang kalmado niya samantalang ako, mababaliw na sa kaiisip kung anong ginagawa naming dalawa rito!

"S-Sino... ano... b-bakit ako nandito?" I didn't know which to ask first. Nablanko ang isip ko sa itsura ng kaharap ko ngayon. Pareho kaming... tanging undies lang ang suot.

And then, the thought crossed my mind.

"You don't remember any-"

Hindi ko na hinintay matapos ang sasabihin niya. I couldn't spend another minute here with that idea in my mind. Agad akong umalis sa kama at pinulot ang mga damit at bag kong nakita kong nakakalat sa sahig.

"Teka, calm down. Hindi ako masamang-"

Again, I ignored what she was saying and reached for the door of the room. Pagbukas ko, bumungad sa'kin ang malawak na sala at floor-to-ceiling windows. We were in a condo, I assumed. Agad kong nilapitan ang pintong sa tingin ko'y daan palabas ng unit niya. Mabilis kong sinuot ang jeans at blouse ko at 'yung sandals ko na nakakalat sa may doorway. Hawak ko na ang doorknob noong sumigaw 'yung babae.

"Wait! Let me ex-"

I ignored her again and quickly opened the door. I immediately found my way to the elevator and pushed down. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito at wala na akong balak alamin mula sa kanya.

Natatakot akong alamin.

"God, anong ginawa mo?" I asked my reflection on the steel doors of the elevator. My dark brown hair was unruly. My face was oily from the makeup. Gusot ang button-down shirt ko. I was a complete mess.

And now, I remember almost everything.

I now remember myself booking a ride to a bar. I now remember the amount of alcohol I had consumed. I now remember the girl I approached last night and... kissed?

Wait, I kissed a girl!

"Damn it," I uttered in frustration.

Saktong pagbukas ng elevator, nakalabas na rin 'yung babae sa unit niya, also dressed. I took notice of her violet hair casting down on her shoulders, covering half of her face. My gaze met hers and it made me stop.

I kissed her.

Her mouth opened, akmang magsasalita siya pero pumasok na ako sa elevator at agad na pinindot ang button to close the doors. My heart was violently racing. I took a deep breath.

This isn't happening.

Hindi pwede, hindi tama. I've known this feeling for years and up until now, I couldn't take it.

As someone who grew up in a religious family, not to mention my dogmatic aunts, I couldn't—or rather I shouldn't—be what I feel I am. It sucks pero wala na akong magagawa. Hindi ko kayang itakwil ako ng pamilya ko.

It's only them or nothing.

And speaking of my family, nagvibrate 'yung phone ko sa bulsa ng jeans ko. Pagtingin ko rito, naka-display sa screen ang contact name na MOM.

I'm dead.

Sa Dulo ng BahaghariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon