***
"Tententententen, Tententententen, Tententententen, Tententententen, Tententen-"
Padabog kong sinagot ang tumatawag sa cellphone ko. Bwiset! Ke-aga aga palang nang iistorbo na! Ang sakit sa ulo pa naman kapag bigla biglaan nagigising!
"Anoooo baaa?"
"Hala sya! Akala ko ba Maaga! Ateng, 11 pasado na! Nahiya naman ang Non-punctual na si Ako."
"Tanginush! Oh my Gosh! Nakuuu po! Dios mio marimar."nagmadali akong tumayo sa kama ko. Nakarinig ako ng tawa sa kabilang linya.
Tiningnan ko ang Oras sa Cellphone ko.
'Oh my Gosh! Napupunyeta ako. Tulungan nyo ko. Sasakalin ko babaeng 'to kapag nakita ko 'to.'
"Savan-NAAAAAAAAAH!"Inis na sigaw ko sakanya. 'Grabeeee! Gusto ko manakit ng tao!'
Bwisit na Babaeng 'to! Anong ginagawa nya at gising na sya ng Alas kuwatro ng umaga? Hindi ko naman malalaman na umaga pa dahil makapal ang kurtina ko kaya hindi nasisilayan ng araw ang kuwarto ko.
Hindi kasi ako mahilig sa araw. Nakakasilaw. Nasanay kasi ako sa loob ng bahay. Nakakatamad lumabas kaya ganun.
"Nakuuu, nakkkuuuuuu Savannah! Wag na wag kang magpapakita sakin. Subukan mo langgg."banta ko sakanya. Bumalik na ako sa pagkakahiga sa kama.
"Nakkoo Eury! Sino tinakot mo? 'Di ako naniniwala sa empty threats mo! Di ka kaya marunong manakit! Like, duh? Sino ka? Hindi ka si Eury kapag marunong ka manakit."
"Blah-Blah-BLAH. Dami mo dada! Juts ka lang eh!"
"Bakit? Akala mo Daks ka? Sa sobrang hinhin mo, kailangan mo pa ata ng Microphone kapag nagsasalita ka aber!"
'Di naman ako mahinhin masyado! Malakas boses ko ahh! Kaya ko kaya sumigaw!
"Hoy! Exaggerated mo masyado, utak mo lumutang na hanggang Neptune!"
"Wag mo 'ko i-ted talk. Tama na ang learning. Sasabog utak ko, insufficient space na daw sa nonsense mo! Hahahaha. Tawa ka!"
Napasimangot lang ako sa kalokohan nya. Napabuntong hininga ako ng malalim.
"Bakit ka ba kase tumawag?"
"Wala lang. Kailangan ba may dahilan-"
Pinatayan ko agad sya ng tawag. Fudgee bar naman po! Naiimbyerna ako sa kaibigan ko huhu. Nakoooo! Bakit ko bayun naging kaibigan?
Tumunog ulit ang cellphone ko. Shinut down ko ito. Bahala sya! Nakuuu nakuuu. Mga kalokohan nya. Sayang ang beauty rest ko. Dapat kompleto, baka mabawasan madespress pa 'ko.
Nandito na ako ngayon sa tapat ng Building medyo napaaga ako dahil hindi narin naging malalim ang tulog ko dahil gising na ang diwa-ta ko.
Magna-nine palang at nandito na ako. Actually wala ako sa tapat na tapat ng building. Kumabaga nasa tabi lang, meron kaseng mga mauupuan dito, mga bench ba kung tatawagin mo.
May inom inom ako na inumin, 'Syempre iinumin ala namang nguyain mo Eury!' , Milktea sya na walang pearls kaya walang mangunguya.
Chineck ko ang relo ko at 9:26 palang. Napansin ko na biglang dumagsa ang ilang tao sa entrance ng building. Nakalinya sila sa magkabilang gilid ng entrance.
Nagulat ako sa nakita. Nashook ako like mga times 10! Engrande ang pagwelcome sa anim na nagtatangkaran na lalaki na kalalabas lang ng isang Limousine. Oo! Limousine. Sobrang Extra lang naman ng mga Lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO MY SIX BOSS
VampireDIABOLIC #1 Eurydice is a college student in Business Administration. Kinailangan nya lang naman mag karoon ng experience sa business bago sya maging ganap na tagapamahala ng business ng kanilang pamilya ngunit ayaw nya sa Kompanya ng Magulang nya d...
