Gwennyth Luna
"S-shh.. Gwen, hahanap tayo ng paraan... Hinding hindi ka mamamatay, as long na you're with me, you're safe." Hindi ko inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon ni Lewis. Cold hearted si Lewis lalo na pagdating saakin. Wala syang pakielam saakin. Pero ano tong nangyayari ngayon- sumasakit ang ulo ko- shit ano na naman tong nag faflashback sa isip ko? Mas lalo qkong napahigpit ng yakap kay Lewia dahil sa sakit- fuck.
"Ngayon ko lang nakita yung side mo na ganyan, Hahaha ang cute." ani ko. Halatang halata sa mukha nya ang inis at hiya na nararamdaman nya ngayon hahahahaha.
Naputol ang usapan namin ni Lewis ng dumating ang kanyang ama. Ang ama nyang pumatay sa nanay ko. Biglang umurong ang dila ko ng makita ko si Tito Isaiah na kasama si Tita Marie. Umikot ang mata ko para hanapin si papa pero wala, wala pa sya dito. Mas mabuti na yong hindi nya malaman ang nangyari saakin.
Habang nag uusap sina Damean at ang parents nya, nagsimula akong kapain ang bawat bulsa ko para hanapin ang cellphone ko. Paniguradong nag aalala na saakin ang kapatid ko lalo na si Papa. At ang boss ko, alam kong papahirapan nya na naman ako kapag nalaman nyang absent ako. Nakita ko ang phone ko sa desk at kinuha ko ito. Tinext ko sina Papa na mag o-overtime ako at baka bukas na ako makauwi. Sana lang hindi sila mag aalala at sana hindi ito sabihin nina Tito at Tita.
"Gwennyth anak, ayos ka lang ba?" mahinhin na tanong ni Tita Marie.
"O-opo.. Tita Marie, pakiusap wag nyo na po sabihin kay Papa lahat ng nangyari, mahihirapan lang po sya.." pag mamakaawa ko sa kanila, hindi to pwedeng malaman ni Papa..
"Pero Luna.. papunta na ang papa mo, hindi namin pwede palagpasin to.." Nagsimula na naman tumulo ang luha ko nung narinig ko yon, wala nakong magawa kundi tumungo at umiyak ng tahimik. Kailan ba matatapos ang buhay ko?
"Ma, andito na si Tito." sabi ni Damean kay Tita Marie, nagsimulang lumapit saakin si Damean kasabay ng pag alis ni Tita Marie sa harap ko.
"Shh, Luna. Paniguradong gagawa sila ng paraan para sayo. Hindi nila pwedeng hayaan na mawala ka, mahirap sa kanila yon dahil importante ang pamilya nyo saamin."
"Pero bakit nyo pinatay ang nanay ko? Yung inosente kong nanay. Wala kayong awa sa kanya noon na pahirapan sya."
"Luna! Ano ba naman yan? Hanggang dito ba naman? Kung ayaw mong tulungan ka namin edi tanggihan mo! Akala mo ba gusto ko tong ginagawa ko sayo? Hindi- dahil ginagawa ko lang to sa mga mimamahal ko, at hindi ka kabilang doon."
.....
Tama ba yung narinig ko? Oo tama. Wala syang pakielam saakin at napipilitan lang sya gawin ang lahat para hindi sya mag mukhang masama sa pamilya nya. Oo nga pala, hindi pala ako importante sa kanya. Hindi nya ako minahal bilang kaibigan, Irene is better than me. Hindi ako enough. Irene is her new bestfriend. Yes. Parang noong highschool, kami lagi ang magkasama. Sya lagi ang nasa tabi ko- pero sinaktan nya ako. Pinatay nya ang nanay ko at papatayin nya din ako.
Mas lalong kumirot ang puso ko ng makita ko si Papa at ang kapatid ko. Shit naman, bakit kailangan pa nilang malaman to. Nagsimulang umiyak si Papa sa harap ni Tito Isaiah at nakita ko ang kapatid ko na napaupo nalang, bakit ba kailangang mangyari to? B-bakit? Kailan ba matatapos lahat ng sakit na to? pagod na ako. Ayokong nakikita ang pamilya ko na nahihirapan dahil saakin. Kailangan ko pa sigurong mabuhay. Ako nalang ang tumatayong bread winner sa pamilya namin at hindi ko pwedeng pagtrabahuhin ang kapatid ko, ayaw kong maranasan nya lahat ng nararanasan ko.
Pumasok na sila kasama ang pamilya ko at ang doctor. Nakatungo lang ako at tahimik na humihikbi. Kailangan ko maging matapang para sa kanila, hindi nila pwedeng makita na mahina ako.
"Sorry, pero may Lung Cancer s'ya. Lumala ng lumala ang Pneumonia nya at nag lead ito sa Lung Cancer, and... unfortunately..malala na ang cancer n'ya. Sobrang laki ng chance na magkaron ng taning ang buhay nya. She only have 1 and a half year to live. Im sorry Mr. Premotivo..excuse me."
Taning? 1 and a half year? B-bakit? Hindi pwede to. Hindi! Tangina naman!
Nagsimulang tumungo sina Lewis at umiiyak sina Papa at Timothy, putangina. Bakit kailangan mangyari to? Bakit.. bakit kung kailan kong ginustong maging matapang para sa pamilya ko, biglang ganito? Bakit? Kailangan ko ba talaga mamatay ng maaga? Bata pa si Timothy at hindi nya pa kaya lahat ng pasakit sa mundo ng walang gumagabay sa kanya. Si Papa.. may sakit sya at hindi nya mapapagamot ang sarili nya kung mamamatay ako. Papa, sorry. Nahihirapan kayo dahil saakin. Damean, sorry, hindi ako enough para maging kaibigan mo.
Mama, makakasama na kita. Intayin mo ko.
END
hello! thank you for reading this story, i was pleased and happy to know that you readed this chapter, please support my wcomplimentscompliments. will be appreciated, thank you 🐣❗
if u have any suggestions, please message me so we can have one-on-one talk
also, i have a twt & fb acc, you can follow and add me there so we can support each others work
''_•※°; f b :
https://www.facebook.com/peachesxn.cream
YOU ARE READING
contractually yours
Random-contractually yours is about the two persons who was arranged to be married, those persons is Damean Lewis Montecarlos, and Gwennyth Luna Premotivo. Pero sa isang iglap, mangyayari ang hindi nila inaasahan, dahil sa hirap na pinagdaraan ng pamilya...
