Simula

440 8 1
                                        




"Oh my gosh! Kinakabahan na ako, bukas na ako iinterview! Like, hindi ka ba kinakabahan dyan Eury? You're like so papetiks-petiks lang dyan sa laptop mo! You're not even listening sa sinasabi ko." Napahalukipkip sya at nagsimangot sakin. Feeling batang di pinapansin dahil Brat.

Inirapan ko sya at tinapunan ng unan galing sa Kama ko.

"And you're so conyo! Goodness Sav! Wag mo nga pai-stressen ang utak ko at baka magkawrinkles pa ang flawless face ko dahil sa kaartehan mo."

Inirapan nya ako at umupo sa may kama ko. Nakiusyuso nadin sya sa ginagawa ko sa Laptop ko.

"Ano ba naman kasi yang ginagawa mo? Nagrarant yung tao dito eh!"
Napanguso sya kala nya cute sya.

"Nagsesearch lang ako ng posibleng tanong na baka itanong sakin sa interview para kahit papano handa ako. Hindi kase ako yung taong nagrereklamo lang at hindi naghahanap ng paraan para pagaanin yung problema nya. I should be well Equipped before I go to battle, duuuuuh!"

Napairap ulit sya. Tumayo sya at kinuha na ang bag nya sa may kama.
Napakunot noo naman ako.

Saan naman na pupunta ang bruhang 'to?

"Uuwi na is me! Kailangan ko rin magresearch! Pahapon na din eh. Maghahanap pa ako ng damit na susuotin bukas. Kita nalang tayo ahh!" tumango naman ako.

"Kita nalang tayo sa may harap ng RBC ah! Dapat 10:30 nandun na tayo!
Naku naku talaga Savannah! Malilintikan ka sakin kapag di ka naging maaga."napasimangot naman sya saakin.

"When did I ever been punctual? Maybe? Never?"mabilis nyang sinarado ang pinto ng kuwarto ko.

"Savannah!"hindi ko napigilang sigaw dahil sa inis. Bwiset talaga yung babaeng yun. Naku naman po. Patay kami nyan kapag late kami. Iiwan ko talaga yan dun, makita nya!

Mga 7:34, ay tinawag na ako ni Nana Penny ang tagapamahala sa Bahay upang kumain.

Bumaba na ako at pumunta sa dining room. Nakaupo na sila Mama, Papa sa hapag kainan. Umupo na din ako katabi ni Mama para kumain.

"Kamusta naman ang pag-OOJThan mo anak? Were you interviewed already?"tanong ni Papa sakin.

Nginitian ko ito bago sumagot.

"Hindi pa po Pa. Bukas pa po."

"Ayaw mo ba na sa Kompanya nalang namin, Anak?"tanong ni Mama.

Eeeeh. Ayoko! Kilala na ako ng mga empleyado dun. Kung hindi ako bibigyan ng sobrrrraang special treatment, baka naman ibully ako dun dahil syempre may mga tao talaga na gusto ka paramdamin na inferior ka sakanila.

"Mas gusto ko po yung unbiased opinion Ma. Kilala na ako sa kompanya. Mas maganda siguro kung sa ibang kompanya ako magkakaroon ng experience sa trabaho."

Napabuntong hininga si Mama.

"If that's what you want."ngumiti ito ng tipid at pinagpatuloy na ang pagkain.

***

MARRIED TO MY SIX BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon