Akira's POV

"Akira, tara na. Kain na tayo. Nagugutom na ako!" sabe ni Candy.

"Just a sec." sabe ko at pinasok na yung mga libro ko sa bag.

"Okay, done." naglakad na ako papunta sa kanila.

Naglakad na kami papunta sa cafeteria.

Anong... meron?

"Bakit ba sila nakatingin satin?" tanong ko kanila Candy at Sully.

"Don't you remember? Diba sinungitan mo ang 'kings' ng campus? Duh!" maarteng sabe ni Candy. I rolled my eyes.

"Di parin sila maka-get over dun? Tsk. How pathetic."

Nakakaasar ah. Hanggang ngayon ba, yan parin ang issue? Psh.

'Kings' my ass.

Nang makarating kami sa cafeteria, ganun parin. Halos lahat naka tingin samin.

Alam naman namin na magaganda kami e. Don't need to state the obvious.

Pero nakakairita na rin ha.

"Ano sa inyo?" tanong ni Candy.

"Libre mo?" nakangisi kong tanong. Tinaasan ako ng kilay.

"May pera ka, gamitin mo." aba? Grabe to ha. Meron ba to ngayon?

"Sungit ah. Monthly period?" tanong ni Sully.

Inirapan lang kami. Ay? Badtrip si ate? Hahahaha.

Nagkatinginan nalang kami ni Sully sabay ngisi.

Pagkatapos namin bumili ng pagkain, naghanap na kami ng mauupuan.

Luckily, nakahanap kami na malapit sa window. Nice spot.

Umupo na kami at nagsimula na kumain.

"Hey, Candy. Ano problema mo? Why so pissed?" kunot noo kong tanong.

She sighed. "Panong hindi, e kay aga aga pagmumukha niya kaagad ang makikita ko. Tsk. Kabadtrip. Sabayan pa na meron ako ngayon." inis niyang sagot.

Tinaasan ko siya ng kilay. Means, tinatanong ko kung ano ibig niyang sabihin.

She rolled her eyes. Ay? Gayahin ba naman daw si Sully?

"KING Lucas." sabe niya. At talagang diniin niya ang word na 'king'.

Well, can't blame her. Sino ba naman ang di maiinis dun?

King? Psh. Tapos tawag pa samin, Queen. Oh? San ka pa. Doble dobleng inis ang nararamdaman namin, noh!

"Just, don't mind him. Titigil din yun." Sully.

Siguro kahit siya kinukulit parin ni Rain. Buti pa sila. Sinusuyo parin e ak---WAIT! What am I saying?

Ugh! Akira, stop thinking nonsense!

Yeah, baliw na ako. Talking to myself as if na sasagot. Hay nako!

"AM." ah shit! Dont tell me...

Lumingon ako sa likod ko. Yup. Made my day. Note the sarcasm.

"What do you want?" cold kong tanong. He bit his lower lip.

Err... what the hell??? Bakit may epekto parin sakin ang paglip bite niya?

I looked away. Jeez. Baka kung ano magawa ko kapag tinignan ko pa siya.

"Kung wala kang sasabihin. Excuse me nalang. Kasi kumakain pa kami. You may leave." sabe ko sabay talikod at balik sa pagkain.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!