Biglang dumating si Albie na may dalang CD at agad na hinablot ni Zharm.


"Ano 'to Bie?"tanong ni Zharm sa boyfriend niya.

"Galing kay Kath, Ang weird niya nga kanina."sabi ni Albie at tumawa naman si Zharm.

"Ano 'to mag-sosorry siya?"sabi niya at may sinabi pa siya kaya lang napatingin ako kay DJ dahil may tumawag sa kanya DJ.


"Akin na nga iyan sa CD pa dinaan hindi na lang sa personal kaya ganyan kasi guilty."sabi naman ni Kiray na babaliin na sana yung lalagyan kasi nasa loob yung CD malamang alangan naman sa labas di ba?

"ANO? ELLE SIGURADO KA BA?!"sigaw ni DJ hindi tuloy nabali ni Kiray yung CD kaya lang hinablot ni EJ at sinalang sa laptop niya yung CD.

Kitang-kita ko ang namumugtong mata ni Cous habang ina-adjust ang recorded camera sa screen.

"Hi guys!"masayang bati niya kahit na halata ang pagka-gargal sa boses niya.

"Sorry nga pala kung dito ko sasabihin at di pa personal alam ko din na iniisip niyong baka guilt ako isang malaking NO haha."sabi niya at halatang pilit ang tawa niya.

"Kung pinapanood niyo ito ngayon sa tingin ko nasa Airport na ako or Maybe Nasa States. Guys sa wakas! Makikita ko na si Adam Sandler, Eddie Murphy, Leonardo De Carpio saka si Bradd Pitt!"biro pa niya pero hindi ako natutuwa dahil bakit kailangan sa CD pa niya sabihin na nasa states siya? Biglang tumulo ang luha ko.

"Sorry Guys dahil sa sinabi ko pero sana naman hiningi niyo ang panig ko at pinagsalita niyo ko kasi masakit na hindi niyo alam ang totoo, Sana pinakinggan niyo ang side ko hindi yung.."yumuko si Kath at humikbi halatang nasasaktan talaga siya.

"Hindi yung hinusgahan niyo ako agad pero sana malaman niyo na pinagtanggol ko kayo, Na sa inyo na kung maniniwala kayo o hindi kasi wala akong Proof na maiipakita sa inyo kungdi ang sarili ko."sabi niya at pinunasan ang luha sa mata niya.

"Thank you kasi nakilala ko kayo, Naging mabait kayo sa akin saka salamat sa Memories hinding-hindi ko kayo makakalimutan and nga pala!"sabi ni Cous at tumulo na naman ang luha niya pero pinipilit niyang ngumiti.

"Khalil and Aria alam niyong kinikilig ako sa duet niyo at lagi ko pang sinasabi sa inyo na ako ang number 1 Fan niyo."sabi niya at napatingin ako kay Aria na umiiyak sa bising ni Khalil.



"Zharm! Hello alam mo naman na maka-ZhaBie ako di ba? Saka lagi akong naniniwala sa iyo di ba nga soulmate friends tayo?"
at mabilis na pinunasan ni Zharm ang luha niya na kanina pa tulo ng tulo.


"Kiray kahit na naging Harsh ka sa akin okay lang naiintindihan kita pero di ba sinabi ko naman sa iyo na hindi ako tumitingin sa panlabas na loob? EJ alam kong hindi ka bakla kasi alam ko kung gaano mo kamahal si Kiray."
napaiyak din si Kiray sa sinabi ni Cous at yinakap si EJ sa tabi.

"I know Kath, I know."sabi ni EJ at himas ang likod ni Kiray na umiiyak sa kanya.

Same Love at House [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon