Mary Ann

Tinignan niya ng mabuti ang sarili sa harap ng salamin. Siniguro niyang maayos pa rin ang kanyang buhok at damit. Nag-retouch din siya ng powder at lipstick para masigurong maganda siya sa paningin ni Ethan.

            Nararamdaman niya na malapit na siyang mapansin ng kaibigan lalo na ngayon na nalaman na nitong niloko lang ito ni Karina.

            Sa totoo lang alam naman niyang higit na maganda sa kanya si Karina pero hindi naman siya masasabing panget. Sa katunayan marami ang mga nagnanais na manligaw sa kanya pero kahit isa ay wala siyang ini-entertain dahil mula pa noon hanggang ngayon ay sa iisang lalaki lang nakatuon ang kanyang pansin.

            She reserved herself only for Ethan.

            Kung noon ay nag-aalangan siyang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ngayon na parang may pag-asa na siyang mapansin ni Ethan, gagawin na niya ang lahat para mapasakanya ang kaibigan.

             She heard a knock before the connecting door opened and Ethan came in. He smiled at her and her knees weakened. He always have that effect on her.

            “Mabuti naman at naisipan mo ng magpakita sa akin? Saan ka natulog kagabi ha?” Tanong niya sa malambing na tono at may magiliw na ngiti sa labi.

            “Sa totoo lang dumaan lang ako para kumuha ng ilang gamit.” Sabi ni Ethan bago umupo sa kama niya.

            “Bakit? Saan ka tutuloy? Don’t tell me na uuwi ka na ng Davao?” Sunod-sunod na tanong niya rito.

            “Alam mong hindi pa ako makakauwi hangga’t hindi ko naaayos ang problema ko sa investment ni Don Eduardo. May mahahanap ba kaya tayong buyer ng hotel or makakapag-loan kaya tayo sa banko?” Ethan inquired while he’s stretching his left arm.

            “Susubukan natin. Actually I called a few number of banks yesterday. They were asking us to submit some documents, I’ll have you signed the application once it’s ready.” She noticed that he was bothered by his left arm. “Anong nangyari may masakit ba?”

            Maagap na lumapit siya rito at bahagyang pinisil-pisil niya ang kaliwang braso nito. She once massaged his shoulder when he stayed late at his office. Katulad ng balikat nito, Ethan’s biceps were firmed and toned.

            Iniwas ni Ethan ang braso. “Okay lang naman, nangalay lang dahil nadagan ni Karina kagabi.”

            “Ano? Magkasama kayo ni Karina kagabi? Paaanong? Saan kayo natulog?” Hindi niya napigilan na mapataas ang boses.

            Natawa si Ethan sa reaksiyon niya. “Daig mo pa si Mama sa pag-interrogate sa akin.”

            “Ethan, huwag mong ibahin ang usapan. Sagutin mo ang mga tanong ko. Papaanong nagkasama kayong dalawa?”

            “Binigayan ako ng dalawang address ng sekretarya ni Don Eduardo. Pinuntahan ko pareho at doon sa bahay nila Katrina kami nagkita ni Karina. Doon na rin ako nagpalipas ng gabi.”

            “Ang ibig mong sabihin magkasama kayong buong magdamag?” Kahit pinipigil niya ang selos na nararamdaman, mababakas pa rin sa tono ng boses niya na nalungkot siya sa nangyari.

            “Nagkaayos na kami kagabi.”

            “Anong nagkaayos?” Tumaas na naman ang boses niya.

            “Ann, hindi mo kailangan na sumigaw, naririnig kita.” Nakangiti pa rin si Ethan habang sinasaway siya nito.

“Tama hindi kita kailangan na sigawan. Ang kailangan sa iyo ay iuutog para matauhan ka. Nakalimutan mo na ba ang ginawang panloloko sa iyo ni Karina?”

Sweetest Lie (To be published by PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!