7

4 1 0


Isang makulimlim na araw,
Basang mga daan,
Nakita kita,
Naglalakad sa ilalim ng ulan.

Ang kulay dilaw mong payong
Na nakakasilawsa tingkad
Ay tila hindi tugma
Sa dilim na iyong binubuhat

Mga sakit na iyong itinatago
Sa ilalim ng ngiting nakapako
na ata sa iyong mukha
Ay patuloy na lumalala

Lungkot na dala mula sa nakaraan
Luhang masasakit na pangyayari ang nilalaman
Buntung hiningang puno ng pait
Tingin sa mata, dala mo'y tila napaka sakit

Nakatayong tinititigan ang ulan,
Nakatingin sa walang katapusang daang
Puno ng lubak at putik, "ang hirap na",
Tanging sariling paa nalang ang nagdadala upang matapos na

Binubulong ang mga katagang "tama na",
Sabay sabi sa sarili na kakyayanin pa,
Kakayanin pa kahit na napipilitan,
Pipilitin pa dahil wala namang ibang pagpipilian.

Nakatayong tumitingin lang sa malayo,
Nakatayong sinasabayan ng luha ang pagbagsak ng ulan
Nakatayong hawak ang dilaw mong payong
Nakatayong pilit na lumalaban.

Titig ko sayo'y hindi maalis,
Lapitan ka sana ay aking nais,
Ngunit bago ba makagalaw ang mga paa,
Ay may tumakbo papalapit sayo, tinabihan ka

Laking pagsisisi ang pagdadalawang-isip,
Laking gulat ko din dahil ulan ay tila hindi tumigil,
Bakit tila puno parin ng lungkot, kahit na may kasama ka na?
Bakit peke at panandaliang ngiti ang ipinapakita?

Maya-maya ay biglang nag iba ang ekspresiyon,
Iniwan ang taong tinabihan ka sabay lakad papalayo,
Iniwan siya sapagkat lungkot mo ay panandalian lamang na nag laho,
Sabay basa ko sa labi mong nagsabing "Hindi sapat, hindi tama"

Habang tinititigan ka mula sa malayo,
Hindi ko napansin ang mga taong saglit na lumalapit sayo,
Hindi mo napansin na sa pag-tulong mo sa kanila,
Ay siyang dagdag ng kalungkutan mo

Hindi ko napansin na tila ako'y napapalayo sayo,
Hindi ko napansin na sakit ay nadadagdagan ng todo,
May mga taong dumadating, ngunit mukha mo'y di maipinta,
Akala ko ay masaya ka na sa piling ng iba,

Sa daan iyong natagpuan mga tunay na kaibigan na hindi ka nagawang iwan,
Sa daan iyong kasiyahan muli mong naramdaman,
Ngunit bakit mayroon paring sakit?
Bakit tila kasiyahan ay hindi magawang kalabanin ang pait?

Dilaw mong payong ay nadadagdagan ng kulay,
Bawat taong dumadaan ay nag lalagay ng laman sa yong buhay,
Nagpapasalamat akong ika'y kanilang sinabayan,
Pasensya na kung ang parte ay hindi magampanan,

Ngunit aking gulat nung tumingin ka sa aking mga mata,
Tinawag ako sabay pag kaway ng iyong magandang kamay,
Sa aking tuwa ay hindi napigilan,
Napatakbo, hindi iniinda ang layo ng ating pagitan

Lumapit ako sayo,
Ngunit lungkot ng mata ang sumulubong
Sinta, anong nangyari?
Damdamin mo'y hindi masabi.

Yakapin ka ay matagal ko ng gustong gawin,
Ipasa ang sakit, at ito'y aking bubuhatin,
Mahal, pasensya na kung ako'y natagalan,
Masyadong malabo, at hindi tuwid ang nasa isipan

Patawarin mo sana ang aking pag layo,
Patawarin mo sana ang pagiging duwag ng aking puso,
Ngayo'y pinapangako kong ako'y tutulong sayo sa pagtayo,
Pangakong tatabihan ka, kahit na iyong itaboy
Pangakong ako naman ang bubuhat sa payong mo,

Pangakong ako'y sasabay sa iyong paglalakad,
Paglalakbay patungo sa dulo na walang hanggan
Haharapin ang problemang walang katapusan

Yayakapin ka tuwing lumalakas ang hangin,
Hahawakan ka kahit madami ang kumokontra,
Magbabantay sayo sa tuwing kailangan mong mag pahinga,

Kasama natin ang may kapal,
Handang sumabay kahit na makapal
Na usok ang sumasagabal.

Kaya mahal, kapit lang
Kahit na masaktan ako sa mga binabato,
Isang totoong ngiti at tawa mo lang ay magiging ayos na ako.

Salamat sa pag tanggap kahit na ako'y nahuli,
Salamat sa pag kapit kahit na madaming sumasalungat ,
Salamat sa pag ngiting muli,
Pangakong ang kulay ng iyong payong ay aking lalagyang sapat

Diba yan yung tulang ginawa mo na sumasakto sakin.
Masyado syang makabuluhan masyadong syang masarap basahin at isipin kung ano nga ba.
Napapaisip nga ako na kung hindi man haggang dulo pangako hinding hindi ko pagsisihan yung naging tayo at kung paano naging tayo. Kasi naging masya ako sayo at minahal natin yung isat isa.

Iloveyou H
Iloveyou A
Iloveyou P
Iloveyou P
Iloveyou Y
Iloveyou A
Iloveyou N
Iloveyou N
Iloveyou I
Iloveyou V
Iloveyou E
Iloveyou. R
Iloveyou S
Iloveyou A
Iloveyou R
Iloveyou Y
Iloveyou ❤️
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou
Iloveyou

Mustard loveRead this story for FREE!