"W-wala. Iniwan niya na kami."
Tumango lamang ako.

"Gusto mo nang magbago?" tanong kong muli.

Tumango lamang siya pero bakas ang pag-asa sa mga mata niya. Napabuntong-hininga ako.

"Sige, tutulungan kita," sabi ko.

Ngumiti siya ngunit agad siyang tumikhim at bumalik na naman sa pagiging masungit ang mukha niya.

"P-pero, hindi ko naman talaga kailangan ng tulong mo. Kung napipilitan ka lang, edi huwag-"

"Tutulungan na nga kita. Huwag mo na kasi akong sungitan," medyo natatawa kong sabi. Bigla siyang tumayo.

"Parang gago. Aalis na nga 'ko," sabi niya pero nakita kong bahagyang namula ang pisngi niya.

"Okay po, Sir Leo-"

"Tangina, Leo na nga lang kasi. Paulit-ulit."
Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ayan. Simulan mo diyan. Bawas-bawasan mo 'yang pagmumura mo. Paano ka magiging magandang halimbawa sa anak mo? Gusto mo bang matuto rin siyang magmura kagaya mo?"

Napakamot siya sa ulo niya.

"H-hindi kita susundin dahil gusto ko. Para sa anak ko 'to kaya huwag kang mag-assume na-"

"Oo na, oo na. Umalis ka na," natatawa kong sabi.

Bakit ba ang defensive niya parati?

"Sige na. Aalis na ako. S-salamat ulit," mahina niyang sabi at tumalikod na dahilan para mas lalo akong matawa.

May cute sides din naman pala siya.

Bago mag gabi ay nakalabas na ako ng hospital. Sinabihan din ako ng head teacher na wala muna raw pasok sa susunod na araw dahil magkakaroon ng general observation ang mga buildings sa school.

Yes, rest day!

Kinabukasan ay tumambay lamang ako sa bahay. Sabi ko nga, boring ang buhay ko.

Kasalukuyan akong nakaupo sa kama habang nagla-laptop. Hindi na ako naubusan ng trabaho. Hindi ganoon kadaling maging teacher, sinasabi ko sa inyo.

Doon lang umikot ang maghapon ko. Kain, tulog, trabaho. Hanggang sa may kumatok sa pintuan ko. Tinignan ko ang orasan, mag a-ala singko nang hapon na pala. Dali-dali akong lumabas ng kuwarto at binuksan ang pinto.

"Leo?" gulat kong sabi. Anong ginagawa niya rito?

"Hello po, teacher!"
Hindi ko napansin na narito rin pala si Andrei. Maliit kasi. Lumuhod ako at hinawakan siya sa ulo.

"Hello, Andrei." Tumingala ako kay Leo. "Anong sadya niyo sa 'kin?"

Napahawak siya sa batok niya.

"H-hindi ko namang gustong puntahan ka, 'no. Ito lang kasing si Andrei, nagpupumilit bisitahin ka dahil hindi siya nakapasok sa hospital kahapon." Napatango ako at tumayo.

"Tuloy kayo," sabi ko at tuluyang binuksan ang pinto. Agad namang pumasok si Andrei.

"Andrei, sapatos mo!" saway ni Leo. Agad namang bumalik si Andrei at hinubad ang sapatos niya. Inanyayahan ko sila sa sala.

"Upo muna kayo. Kukuha lang ako ng meryenda niyo," sabi ko at dumeretso sa kusina. Pagbukas ko ng ref ay puro pitsel ng tubig ang nakita ko.

Hindi pa nga pala ako nakakapag grocery.

Lumabas ako ng kusina.

"Ah, ano kasi, hindi pa ako nakakapag grocery. Gusto niyong pumunta nalang muna tayo sa convenient store? Malapit lang naman 'yon dito," suhestiyon ko.

Nakita kong umiling si Leo ngunit bago pa siya makatutol ay nagsalita na si Andrei.

"Gusto ko po, teacher!"
Ngumiti ako sa kaniya.

"Sandali lang, magbibihis lang ako," sabi ko at pumasok na sa kwarto ko.

Naka-pantulog pa kasi ako at oo, hindi pa ako nakakaligo. Naghilamos ako saglit, nagsuklay, at nagpalit ng damit bago lumabas dala ang wallet ko. Sinigurado ko talaga na hindi ko na 'to maiiwan. Nadala na ako sa nangyari sa grocery store.

"Tara na," sabi ko.

Tumayo naman silang dalawa at nauna nang lumabas. Sumunod na rin ako at nilock ang pinto.

"Lakarin nalang natin, malapit lang naman 'yon," sabi ko.

Tumango lang si Leo habang may nakapaskil naman na malaking ngiti sa mukha ni Andrei.

Ang cute talaga ni Andrei. Hindi niya kamukha ang tatay niya. Siguro, nag mana siya sa nanay niya.

Si Andrei kasi e, maamo ang mukha at may pagka singkit. Maputi rin siya. Hindi tulad ni Leo na kayumanggi at medyo matapang ang mukha.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa convenient store. Binili ko ng ice cream at chocolate si Andrei, bumili rin ako ng kape para sa amin ni Leo. Gusto niya pa ngang siya ang magbayad pero sabi ko, pa-meryenda ko sa kanila 'to dahil bisita ko sila.

Although wala naman kami sa bahay ko.

Nakaupo kami sa labas ng convenient store. Abala si Andrei sa pagkain nang mag salita si Leo.

"K-kamusta na pala pakiramdam mo?" tanong niya. Bago pa ako makasagot ay nagsalita siyang muli.

"Hindi ako concern, okay? Nagtatanong lang ako dahil-"

"Ayos na ako."
Alam kong magpapaliwanag na naman siya kung kaya't inunahan ko na.

Magsasalita pa sana siya nang may tatlong lalaking lumapit sa amin.

"Leo?"

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon