^dedication porr -- @imtanjanicole :))

im accepting dedic requests na. lol XD sa may gusto? post kayo dun sa MB ko. SA MB para alam ko kung sino uunahin kung sakaling ano.. hehe. thank you. :))

- - - -

x53: Unaccepted 




[RACHELLYN's PoV] 


"RACHEL.." oh God.. Napapikit ako nang lumuhod na sya sa harap ko.. "WILL YOU MARRY ME?" 


Wala na.. Tinanong na nya.. 


Di pa ko handang sagutin ang tanong na yun pero kailangan kong magbigay ng sagot ngayon. 


Sagot.. Anong sagot ba ang ibibigay ko sakanya? 


'SAY NO! SI ADRIAN ANG MAHAL MO, RACHELLYN! SI ADRIAN ANG LAMAN KO-- ANG LAMAN NITONG PUSO MO!' That was what my heart told me. 


'UMOO KA! SI CJ ANG GUSTO MONG MAKASAMA HABANG BUHAY, DIBA? DAHIL ALAM MO, DI KA NYA SASAKTAN, NA TOTOONG MAHAL KA NYA AT POPROTEKTAHAN KA NYA TULAD NG LAGI NYANG GINAGAWA. CJ LOVED AND ACCEPTED YOU, YOU AND YOUR BABY. AND ABOVE ALL, CJ NEVER LEFT YOU, UNLIKE ADRIAN.' Yan naman ang sinabi ng utak ko. 


God.. Hindi na naman magkasundo ang puso at utak ko.. 


"RACHEL?" CJ called me again. Kita ko ang pag-aalala sa expression nya. 


"CJ.. I.." tumingin ako sa paligid. All the customers are smiling at me. And their smiles..they are pressuring me. 


'SI ADRIAN ANG MAHAL MO..' 


'MAS MAHAL KA NAMAN NI CJ..' 


Totoo ang sinasabi ng puso ko.. 


Pero mas sumasang-ayon ako sa sinasabi ng utak ko. 


"I.. I will marry you, CJ.. Yes I will." sagot ko na nagpangiti na kay CJ. 


Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga nanonood samin habang sinusuot na ni CJ ang singsing sa daliri ko. 


I'm happy..ain't I? Nakangiti ako eh.. Pero masakit..sumasakit ang puso ko. 


Nang maisuot na ni CJ sakin yung singsing, tumayo na sya. He cupped my face and kissed me on the lips. 


"Thank you Rachel.. And I love you.. I love you.." 


I smiled at him then he gave me another kiss on my forehead. 


Niyakap ko naman sya, as tight as I could. 


Sana tama 'tong naging desisyon ko.. Sana.. 




[ADRIAN's PoV] 


"ANAK! DI KA PA BA TALAGA ANTOK AH?!" sigaw na tanong ko kay Andy habang nakapwesto ko dito sa drawing table ko. 


"WOOOSH~ DI PA POHHH!" ^O^ Sagot naman nya habang natakbo mula dito sa sala hanggang dun sa kainan. 


Buti pa sya.. =___= 


Ako, antok na antok na. Wala na kong energy. Samantalang itong anak ko, parang di nawawalan ng baterya sa katawan. Pinasyal at pinaglaro ko na yan sa mall kanina tapos ngayon, mag-e-11PM na eh ganyan pa rin sya kalikot? 


*PSST! PSST! 


Yun oh. May nagtext. Message alert tone ko yun. 


Chineck ko yun agad. Galing kay Chelle. Malapit na raw sila so ibaba ko na lang daw si Andy in 5 minutes. 


5 MINUTES?! 


T-Teka! 


"NAK! HALIKA DITO, PAPALITAN NA KITA NG DAMIT!" 


Nagmadali naman daw akong palitan ng damit ang anak ko. Pawisan na sya eh! Baka magalit si Chelle pag makita nyang ganito ang anak namin. 


Dapat kahit paunti-unti, magpa-impress ako sakanya. 


"SI MOMMYY?! DITO KAMI PO MAGSLEEP?!" *O* 


"Ah hindi.. Uuwi na kayo.. Next time na lang ah? Dito ulit kayo matutulog.." nagpout si Andy sa sagot ko. Di rin naman sya nagpumilit. 


Bitbit ang schoolbag nya, bumaba na kami nitong condo building. Holding hands pa kami ah. 


Pagkalabas namin ng building, agad naming nakita si Chelle at si..si CJ. Magkatabi silang nakatayo sa tabi ng kotse ng lalaking yun. Parehas silang nakangiti. Masyado siguro silang nagsaya sa pagcelebrate ng monthsary nila. Tss.


"MOMMYYY! DADDYYY!" bumitaw sakin si Andy at tumakbo dun sa dalawa. 


Masaya naman syang sinalubong ni Chelle. "BABY! BAKA MADAPA KA!" 


Nagsquat sya para halikan ang anak namin. 


"Gabing-gabi na eh ang hyper mo pa rin ah?" sabi ni CJ na pinat sa ulo ang anak ko. 


Nang makalapit na ko sakanila, inabot ko kay Chelle ang schoolbag. "Oh. Natapos na rin pala ni Andy ang homeworks nya kanina." 


Tumango lang si Chelle at kinuha ang bag. 


"WAAA MOMMYYY!" hinatak ni Andy ang isang kamay ni Chelle at malapitan yun na tinitigan. "ANG PRETTY NG RING MO PO!" *O* 


RING? 


Eh oo nga.. May silver ring na suot si Chelle.. 


"T-Talaga baby? Hehe.." sabi ni Chelle. 


"Ang ganda nga, Chelle. Napakagandang couple ring." sabi ko naman kay Chelle na may SARKASTIKONG tono.


Tumingin sya sakin. Walang emosyon ang tingin nya. Walang saya o kahit inis. 


"Di yan couple ring, pre." sabat ni CJ. Tumingin ako sakanya. Nakangiti sya. "It's an engagement ring." 


A..Ano raw? 


ENGAGEMENT RING? 




[RACHELLYN's PoV] 


"Di yan couple ring, pre. It's an engagement rin." 


Napapikit na lang ako nang sabihin yun ni CJ kay Adrian. 


God.. Kinakabahan ako.. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!