CHAPTER 15

1.6K 121 51
                                                  

CHAPTER 15

Hindi ko alam kung anong nangyari, basta ang alam ko, simula noong araw na 'yun ay wala ng araw na hindi ako inaasar ni Eliot. Bumalik tuloy iyong inis na nararamdaman ko sa kaniya, nakakainis na siya. Ako na lang palagi ang nakikita niya.

"You'll ruin your food," ani Brandon habang pinapanood ako na i-murder ang fried chicken na in-order ko dito sa cafeteria ng school.

Nakasubo pa kay Diane ang kaniyang tinidor habang pinapanood ako. Wala si Selene, Anchoret, at Caroline kaya kami lang nila Neo ang magkakasama. Kasali kasi sila ng cheerdance at may practice sila ngayon.

Hindi na kami sumali ni Diane dahil malapit na rin ang exams. Ayoko namang pabayaan ang pag-aaral ako.

Nanghihinayang lang talaga ako para kay Diane dahil cheerleader talaga siya mula pa noong grade 7. Pakiramdam ko nga ay umayaw lang siya dahil hindi ako sumali.

"He called you rat again?" tanong ni Neo na may laman pang pagkain ang bunganga kaya tinapik siya ni Diane at inirapan.

"Nakakainis na siya!" reklamo ko.

Tumawa lang si Marlon at Brandon sa sinabi ko.

"He's just teasing you, come on." ginulo ni Brandon ang buhok ko at bumalik na siya sa pag kain ng pagkain niya.

Umirap na lamang ako sa hangin bago ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Nang matapos kaming kumain ay pumunta kaming gymnasium para manood ng para manood ng practice nila Caroline. Walang klase ngayon dahil busy ang mga students para sa mga activities. May event kasing magaganap na nakalimutan ko na kung anong tawag, para lang din siyang intramurals minus the booths.

"Wala kayong training?" tanong ko kay Neo na siyang kasabay ko sa paglalakad, nahuhuli naman sila Diane, Marlon, at Brandon na naguusap tungkol sa kung anong bagay.

"Wala, bukas daw." sabi niya at nagkibit-balikat. "Sigurado kang manonood ka? Akala ko gusto mong mag-review para sa exams?"

Gusto ko nga sana talaga magreview pero gusto ko rin namang mag-enjoy rin muna kahit papaano, napagod kasi ako kagabing aralin 'yung mga topic namin sa math ngayong grade 10. Wala naman kasi talaga akong hilig sa math.

Naaalala ko tuloy noong mga panahon na tinutulungan ako ni Eliot sa math.

"Manonood na lang ako ng practice..." sabi ko at ngumiti.

"Ikaw ang bahala, baka pumunta akong library. Sasaglit lang ako sa practice." tumango naman ako.

Hindi rin naman kasi pabaya si Neo sa pagaaral kaya maiintindihan ko kung mas gusto niyang tumambay sa library.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at in-open ito. Bungad naman agad ang picture ni J-hope na siyang wallpaper ko, I smiled. Ang gwapo talaga.

"I forgot my wallet sa canteen." nagpapanic na sabi ni Diane kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya.

"Balikan natin," offer ko na mabilis naman niyang sinang ayunan, nauna na sila Neo sa pagpunta kila Caroline.

Halata ang pagkabalisa kay Diane, I understand her, hindi lang naman kasi pera ang nasa wallet niya. Naroon din ang mga cards niya.

"Wala masiyadong tao sa canteen." pagpapakalma ko sa kaniya.

Tumango lang siya at mas binilisan pa ang paglalakad.

Tahimik lang din naman akong sumunod at binilisan na rin ang paglalakad.

Glaldy, we found her wallet sa mismong table din na kinainan namin.

"Crap! Teka lang Avery, I have to call mom." paalam niya at hindi na ako inantay pang sumagot.

Napakibit-balikat na lang ako at naglakad-lakad kaunti hanggang sa makarating ako sa maliit na playground ng school.

May kasama kasi kaming kindergarten sa school at sila ang nakikinabang nito.

Malakas ang hangin ngayon kaya medyo nililipad ang palda ko. Binilisan ko ang paglalakad para makarating ako sa may maliit na kubo.

Takbo-lakad na ang ginawa ko, sumilay ang ngiti sa labi ko nang makarating ako roon.

Pero nawala rin ang ngiti nang makitang may tao roon, hindi lang basta kung sino, it's Eliot.

Nakahubad ang kaniyang uniform, leaving him only wearing his pants and white t-shirt. He is sleeping peacefully while holding a book in his chest.

Mukhang nakatulugan niya ang pagbabasa.

Aalis na sana ako kaso bigla siyang dumilat, halos mapaatras pa ako.

Tumaas ang kilay niya sa akin kaya napasimangot ako.

"It's rude to stare at someone." he cockily said.

"Excuse me?" iritado kong sabi.

"You are excused." and then he flashed his annoying smile.

Tinalikuran ko na lang siya at nagsimula ng maglakad. Wala talagang magawang tama sa buhay ang lalaking 'yon.

"Avery, wait..." hindi ko siya pinansin kahit na mukhang sinusundan niya na ako.

Babalik na lang ako kay Diane, panigurado namang tapos na iyon makipag usap sa mama niya.

'Tsaka ayokong makasama ang isang 'to.

"Ianthe," awtomatikong napatigil ang mga paa ko sa paglalakad. Maliban sa pagtawag sa akin ng mga teachers ko ay siya lang ang tumawag sa akin ng Ianthe.

Everyone likes to call me Avery at wala sa kanila ang nakaisip tawagin akong Ianthe.

"Slow down," habol niya sa akin hanggang sa makarating na siya sa harapan ko.

Marahang ngumuso ang kaniyang labi bago ngumiti sa akin. I can see how dimple slowly become visible. Magulo ang kaniyang buhok at suot na niya ngayon ang kaniyang polo pero hindi nakabutones.

Unti-unti siyang lumuhod sa harapan ko, sa gulat ko ay halos mapaatras ako, mabuti at nahawakan niya agad ang kamay ko.

Mabilis kong binawi sa kaniya iyon, tumingala siya sa akin bago napailing at tumawa.

Umiwas ako ng tingin.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang unti-unting paglapat ng kaniyang daliri sa aking sapatos.

I am wearing a black shoes na may kaunting parte na may sintas.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya habang sinisintas nito ang natanggal kong sintas.

"You should be careful, Ianthe. It's not safe to walk around with your shoestrings like this." tapos ay tumayo na siya upang magka-level muli kami.

Kung kanina siya ang nakatingala, ngayon naman ay ako na ang nakatingala para matingnan siya.

"Are you mad at me?" his voice sounds so strong but sweet, para bang nagsusumamo at gusto akong lambingin.

"Who wouldn't be..." nanghihina kong sabi.

Dahan-dahang lumapit ang kaniyang mukha sa akin, halos maamoy ko na ang mabangong hininga niya.

A smile form into his lips, showing his perfect white teeth. Ang pula-pula ng kaniyang labi kaya ang ganda-ganda ring tignan ng kaniyang mga ngipin.

He licked his lower lip making it more red at mas lalong gumanda sa paningin ko ang kaniyang labi.

That's the time when I realized I am staring into his lips kaya agad kong binawi ang tingin at binaling ulit sa kaniyang mata.

But I got stunned when I finally met his brown eyes.

Umawang ang labi ko.

Natawa siya ng marahan bago dahan-dahang hinawakan ang aking baba. He lifted my chin para mas maglevel ang aming mukha.

"You are really cute when you're mad." tapos ay binitawan ako at naglakad.

What?

"Nakakainis ka talaga, Eggliot!" sigaw ko sa kaniya habang naglalakad siya palayo.

Napasimangot ako tapos ay natawa rin nang marealize na tinawag ko siyang Eggliot. Egg and Eliot.

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon