Chapter 1: Waking Up

168 61 6
                                    

PEONY's POV

Kinusot ko ang aking mga mata habang dahan-dahan na bumangon mula sa pagkahiga. Napadaing ako nang bigla kong maramdaman ang sakit ng ulo ko.

"Hindi naman ako uminom ng alak kagabi," bulong ko sa sarili bago imulat ang mga mata.

Kahit na masakit ang ulo ay pinilit kong bumaba sa kama nang mapansin na hindi ito ang kwarto ko. Masyado itong malaki at maganda kumpara sa kwarto ko.

Nasaan ako?

CREAK*

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng tunog. Shit, mas lalo lang ako nahilo sa ginawa ko. Napahawak tuloy ako ulit sa'king noo.

Pumasok ang isang babae na may dalang tray ng pagkain. Naka-maid attire siya. Teka, kailan pa ako nagkaroon ng katulong? Hindi naman ako na reincarnate 'di ba?

"Good morning, madam," bati sa'kin ng katulong. Nag-bow pa siya ng kaunti.

"G-Good morning," nauutal kong tugon.

Ngumiti siya bago naglakad palapit sa lamesa at nilapag do'n ang tray. Nag-bow siya ulit bago tumalikod. Palabas na siya ng kwarto nang agad ko siyang pigilan para tanungin.

"W-Wait!" sigaw ko, hindi umalis sa'king kinatatayuan.

Lumingon siya sa'kin at nagtanong, "Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo? May gusto pa po ba kayong kainin o ipakuha?"

Agad akong umiling. "No! Uhm, alam mo ba kung nasaan ako?" nahihiya kong tanong.

Lumaki ang mata niya na tila nagulat sa tanong ko. "Po?"

"Hindi ko kasi alam kung paano ako napunta rito. P'wede mo ba sabihin kung sino may ari ng bahay na 'to?" tanong ko.

Hindi pa man nakasasagot ang katulong nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok do'n ang isang gwapong lalaki. Naka-rolled up ang sleeve niya hanggang sa siko. Sa sobrang fit ng damit niya sa kaniya, bumabakat do'n ang mga muscle at abs niya.

Umiwas ako agad ng tingin, para akong nagkasasala dahil sa katawan niya.

"You may leave now."

Bumalik ang tingin ko sa lalaki nang marinig ang boses niya. Sobrang manly! Ang lalim ng boses niya, kahit sino atang babae ay mahuhulog sa kaniya kahit hindi makita ang mukha niya. Ang gwapo na, maganda pa ang katawan, malalim pa ang boses.

Anyway, kaya ako lumingon dahil akala ko ako ang kausap niya. Nagkamali ako, iyong katulong pala ang kinausap niya.

Nang lumabas na ang katulong ay kami na lang ng lalaki ang natira sa silid. Naglakad siya palapit sa lamesa kung na saan nilapag ng katulong ang pagkain. Umupo siya sa upuan tapos ay lumingon sa'kin.

"Hindi ka pa kakain?" tanong niya.

Dahil sa pagkabigla ay naglakad agad ako palapit at umupo sa isa pang upuan na kaharap niya. Nang magtagpo ang mga mata namin ay agad akong yumuko at pinaglaruan ang aking mga daliri.

Hindi ko siya kaya titigan. Sa talim ng titig niya, parang kaya no'n butasin ang mukha ko. Hindi ko alam kung gano'n talaga siya tumitig o sa'kin lang siya gano'n tumitig.

Owned By The Mob BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon