BANAT Batch-22

391 18 233

SEPTEMBER 27, 2014

Banat # 143

Sandali,

paano ba uumpisahan

Nagpost kasi si Xian

Ako tuloy biglang naalimpungatan

Patulog na ngunit kailangang paglabanan

Mag-iisip ng bagong banat

na ewan kung may kabuluhan

Banat # 144

Higit isang taon,

andito pa rin ako.

Hindi maisip

kahit alam kong malabo

ang pag-asang

maging tayo.

Naghihintay man

sa wala pero dito ako masaya.

Di patitinag kahit ang hantungan

ay pighati.

Basta ba maipadama

at ikaw ay mapangiti.

Banat # 145

Ilan kaya magagawa kong banat?

Utak ko mistulang may lamat.

Kailangan ko ata ng alak

para magka-amats.

Banat # 146

Ooops may prize pala.

Challenge utak ko ah!

Dati kasi konti lang nagbabasa.

Malamang ngayon ang iba

ako'y sinusumpa.

Kasalanan ko ba?

Eh sa tinamaan ako bigla.

Nainlab sa kanya

kahit ang layo ay milya-milya.

Di ako basta-basta.

Pag nagmahal tinotodo talaga.

Tawagin mang baliw,

ayos lang basta kanyang madama.

Sa pagmamahal ko hindi siya magduda.

**********************************

SALAMAT, you are always there for me, no matter what. That's why you will remain very special. Special child ka nga, di ba?

BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!