🌹Chapter 32- Missing🌹

79 0 0

Grace's  P.O.V

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong pumasok at tinignan ang kwarto ni Sophia pero wala sya dun.

Nagulat ako nang biglang may kumahol saakin at napatingin ako isang tutang corgi ang lumapit saakin.

Kanino to galing...

"Ahh nandyan ka napala grace kamusta ang surpresa nyo kay Sophia" nakangiting sabi ni manang.

Hindi ako maka sagot at sa halip mas lalo kong itinuon ang pansin ko sa aso.

"May nang yari ba? " nag aalalang tanong ni manang.

"Dumaan po ba dito si Sophia" tanong ko.

"Hindi bakit anong nang yari? "Sabi nya.

"May nang yari po kasing di maganda sa party nalaman po naming lahat na ampon lang si Sophia. " sabi ko kay manang.

"Hala eh nasaan na si Sophia? " nag aalalang tanong ni manang.

"Hindi ko ngabpo alam eh.. " naiiyak na sambit ko.

"Okay lang yan...  Babalik at babalik dito si Sophia hayaan lang muna natin syang tanggapin ang mga nalaman nya tungkol sa sarli nya" sabi ni manang.

Hindi na lang ako sumagot at kinarga ang asong kanina pang nakaupo malapit saakin.

"Ahh nga pala bigay kay Sophia  yan ng classmate nyong lalaking naka tira dyan sa harap.  Yung gwapong binata dumaan siya dito kaninang umaga pag ka alis nyo at niregalo kay Sophia  yang asong yan" sabi ni manang.

Ha??  Sino daw??  Gwapong binata??

"Anong pangalan manang?? " takang tanong ko.

"Uhh si ano...  Pangalan nun ... Si ju...  Julius??  Hindi ang layo naman ... Ju..  Jus..  Ay basta Jus lang ang natatandaan ko eh haha" sabi ni manang.

Jus??  Justine!?

"Justine ba manang?? " sabi ko.

"Oo yung gwapong binatang yun sya may bigay kay Sophia  nyan regalo nya. At alam mo napaka bait nung batang yun" sabi ni manang.

"Akala nyo lang yun manang... " mahinang sabi ko

" anong sabi mo ?? " takang tanong ni manang.

"Ayy hehe wala ho manang sige ho mauna namun po ako tatawagan ko lang po muna ang mga iba pa naming kaibigan baka dumaan si Sophia  sakanila at para mahanap na rin namin sya" sabi ko at binaba yung aso.

"Sige iha" sabi nya at nag lakad na akong papuntang kwarto sumunod naman saakin yung aso ni sophia hehe ang cute..

Pero kaylangang ko mag isip kung saan pwedeng pumunta at lapitan ng tulong si Sophia.

Sophia's P.O.V

PAG mulat ko ng mata ay agad akong tumayo at inayos ang hinigaam ko.

Parang wala akong ganang gumawa ng kahit ano .

Nanatili akong naka tayo nang makaamoy ang ng masarap na pag kain sa baba.

Pumasok ako sa cr nag shower at nag toothbrush at nag bihis.

Pagtapos ko ay lumabas ako ng kwarto at bumaba nakita ko si Gavin na nag luluto.

"Gising ka na pala tamang tama tapos na akong mag luto" naka ngiting sabi nya at nilatag sa harap ko ang bacon and pancakes  na nilito nya.

"Salamat" sabi ko at sumubo.

"So...  What happened? And ohh btw belated happy birthday" sabi nya napatahimik na lang ako at nag patuloy sa pag kain.

The Clash of Amazona Girls vs Cassanova Boys (Onhold)Where stories live. Discover now