Chapter 9 Boodle Fight

101 5 1
                                    

Chapter 9

[Francis' POV]

The next day I got up early and didn't find mom in the kitchen which was a bit unusual because this is where we usually start our day. I found breakfast already set on the table with a note "Eat your breakfast before you go." And again I felt a pang of guilt aroused in me. Mom's still upset about what I told her yesterday.

 After eating my breakfast dumiretso na ako agad sa community service namin. I decided to come early kasi for sure pag nahuli ako baka makatanggap na naman ako ng litanya mula sa babaeng maton na yon. Daig pa ang tigre sa katarayan.

Good thing I was the first person to arrive in the area. I decided to change my shirt since I brought an extra just in case na marumihan may pampalit ako. Anak ng tipaklong Filipino time talaga! Wala pang ibang dumating bukod sa akin. After what seemed to be an endless waiting one member arrived. Si Abel at may mga dala dala itong mga gamit tulad ng pintura, lagare at martilyo. Nilapitan ko ito para tulungan.

 " Tol Kanina ka pa? Tanong nito na halata ang pagkamangha.

 "Medyo, mga isang oras na." Tugon ko sabay abot sa ibang dalahin nya.

 "whoa, isang oras!? Ang aga mo naman ata?" Tanong nito. 

"Oo eh para maaga tayong makatapos." Tugon ko.

Pagkatapos namin maipasok yung mga gamit nag simula na akong mag trabaho.

"Uumpisahan na ba natin? Hindi ba muna natin sila hihintayin? Tanong ni Abel.

"Siguro hindi na, kung hihintayin pa natin sila baka hindi tayo makatapos agad." Paliwanag ko.

"Sabagay tama ka, sige tara." Tugon naman nito.

 Inumpisahan namin ang pagkumpuni sa mga sirang bahagi ng silid gaya ng bintana at pintuan. Ilang minutong katahimikan din ang lumipas at wala pa ring kibuan. Just to break the ice I started to talk.

 "Uii tol ang tahimik mo?" Sambit ko.

 " Ah eh, hindi ko kasi talaga inaasahan na una kitang dadatnan dito medyo nakakapanibago." The last time I know ayaw mong tumulong sa grupo but now mas maaga ka pa sa aming lahat." Paliwanag ni Abel.

 "Ah yun ba, Ano kasi eh, napag isip isip ko na wala rin akong choice eh kesa sa bumagsak mas maigi kung tumulong na lang ako sa inyo." Palusot ko naman dito.

 "Oo nga naman." Tugon lang nito.

Maya maya lang nagsi datingan na yung iba with Edz and Clarence. As expected I received same reactions from them. They were all shocked to see me working already.

"Hala! Tama ba itong nakikita ko? Hindi ba ako namamalik mata?" Pabirong sambit ni Clarence. "O likha lamang ito ng aking guni guni? Dagdag pa nito sabay tawanan naman ng iba.

"Actually dinatnan ko na lang din sya dito eh, mas nauna pa sya sa akin." Biglang sabat naman ni Abel.

 "Ano naman ang nagbunsod sa'yo para gumising ng pagka aga aga at mauna dito? Sobrang excitement hindi ka nakatulog ganun? Dagdag pa ni Clarence.

Medyo naasar na natawa na lang ako sa kanya sabay sabi, "Well I thought we can end our work early if we could start early." "And I didn't know na ganun pala kayo ka punctual pag dating sa time." Bawi ko naman.

I saw Edz throw a quick tiger look on me but she didn't say a thing.

"Sorry naman po! Malaysia ba namin na early bird pala kayo." Biro ni Clarence. " "O syana guys work! work! work! Nakakahiya naman kay pinuno, hehe." Dagdag pa nito. Tumawa na lang ako sa sinabi nito.

Beki and the Beasts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon