CHAPTER 13

1.5K 129 131
                                                  

CHAPTER 13

Back again

Lumipas ang buong summer vacation ng wala akong balita mula kay Eliot. Ang alam ko lang ay umalis sila ng bansa kasama ng mommy niya.

Nang makabalik sila dito sa Lucena ay wala rin akong narinig mula sa kaniya. Nabalitaan ko lang basta kay Selene na nagkaroon ng band practice ang Melancholy at naroon si Eliot.

Hanggang ngayon ay iniisip ko kung bakit hindi siya sumipot, kung bakit hindi siya nagparamdam, kung ano ba dapat ang sasabihin niya kung sumipot siya.

"Class 10-A tayo lahat, yehey!" masayang-masaya si Anchoret habang sinasabi 'yon.

Grade 12 na si Miko ngayon at medyo malapit na ang building nila sa aming mga Grade 10, kaya naman mukhang masayang-masaya si Ancho.

Naghanap agad kami ng magandang puwesto para maupuan. Kapag kasi first day ay wala pang sitting arrangement kaya pwede pa kaming magtabi-tabing lahat.

"Sa tabi ako ni Caroline!" si Marlon bago itulak si Neo palayo.

"Akala ko ba ako katabi mo, Carol?" nakangusong pag iinarte naman ni Neo sa kaibigang babae.

Tahimik naman na naupo si Diane sa tabi ko bago isandal ang kaniyang ulo sa aking balikat. Hindi kasi nakatulog ng maaga ang isang 'to dahil busyng-busy sa panonood ng Korean dramas.

"Good morning, class mates!" Si Beatrize na kakapasok lang sa class room.

She's wearing a pink ribbon while her hair is tied into pig tails. She's smiling widely na para bang may nangyaring napakaganda sa buhay niya.

"Bitch," ani Selene habang masamang tinititigan si Beatrize.

Tinignan ko siya at pinanlakihan ng mata. She rolled her eyes upwards before focusing her attention to her phone. Probably texting her new boyfriend.

Hindi naman na nagbago itong si Selene, papalit-palit pa rin ng boyfriend. Ewan ko ba diyan sa kaniya, hindi na talaga nagtino.

Luminga-linga ako para hanapin si Eliot.

Sigurado naman akong magkaklase pa rin kami ngayong taon dahil mataas ang general average niya last grade 9.

Papasok kaya siya? Gusto ko talaga siyang makausap.

Gusto kong malaman kung anong nangyari.

Baka may nagawa akong mali kaya ganoon?

Hindi ko alam...

At gaya nga nang inaasahan ko ay dumating si Eliot kasama ng mga kaibigan niya. Sila Caius at Gideon, nagtatawanan sila habang naglalakad papasok sa klase.

Dire-diretso lang ang lakad nila patungo sa pinaka-dulo ng klase. Tatawagin ko sana siya nang magtama ang tingin naming dalawa pero parang hangin lang ako at mabilis siyang umiwas at naupo.

Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil don.

Tinignan ko muli siya at inisip na baka hindi niya lang ako napansin pero he's just sitting there while laughing with his friends.

Dumating na ang adviser namin at hindi na muli siya tumingin sa akin.

May nagawa ba akong mali? Bakit hindi niya ako pinapansin?

"Good morning, class. We have a transfer student and he will be part of your class from now on..."

Hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi ng Adviser namin dahil mas nakatuon ang atensiyon ko kay Eliot na hindi manlang ako binabalingan ng tingin.

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon