Chapter 40: Notorious Gangs

Empress' Point of View

Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Ang girlfriend ni Jarvis at ang aming leader na si Black Butterfly ay iisa! Paano'ng nangyari ito? Naiiyak na napasandal na lamang ako sa pader ng ospital. Dammit! Hindi puwede! Paano ko ito ipapaliwanag kay Ani? Kay Kuya Rei? Sa kanilang lahat?

Kahit anong pigili ko sa aking sarili, hindi ko naiwasang alalahanin ang tungkol sa nangyari noong nakaraang linggo.

One Week Ago

Tokyo, Japan

Pinaharurot ko ang aking Red Porsche dahil male-late na ako sa date namin ni dinosaur ko.

"Shit!" mahinang usal ko nang sumulyap ako sa aking relo. Talagang late na late na ako! Paano, hindi man lang ako ginising ng maid ko. Argh! Sa galit ko sa kanya ay pinalayas ko nga.

Huminga ako nang malalim nang maalala ko si Ryuuji. I'm sure pagagalitan na naman niya ako dahil sa pagka-late ko.

Pagkarating ko sa isang hotel ay agad kong iniwan sa isang hotel staff ang susi ng aking kotse at dali-dali akong pumasok. Hindi na ako nag-abala pang mag-retouch pa at sinuklay ko na lamang ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. I'm sure nagulo ito sa pagmamadali ko.

Nadatnan ko si Ryuuji na inip na inip habang naghihintay sa isang sulok.

Lagot! Smile, Empress.

Naglakad ako papunta sa direksyon niya at sakto namang napasulyap siya sa akin. Ngumiti ako ng pilit, binilisan ko ang lakad at umupo sa harapan niya.

"You're late," seryosong wika niya.

"Sumimasen," mahinang wika ko.

Tumayo siya na siya namang ipinagtaka ko. What th---

"Let's go."

"Ah? Where?"

"To my bar. I don't like here."

Sumimangot naman ako bigla dahil sa sinabi niya. Dumating lang ako, nawalan na ng gana? Sira ulo yata to eh.

"Aish!" Bigla na lang niya akong hinila papunta sa labas.

Nakakasama ng loob ang dinosaur na ito ah. Binuksan niya ang pintuan ng kanyang kotse at nang hindi kaagad ako pumasok ay tinignan niya ako ng kakaiba dahilan para pilit at padabog na akong pumasok sa loob. Asar!

"I'm tired and hungry, Ryuuji. I drove as fast as I could just to get here and then you'll only tell me 'let's go' and drag me somewhere? Are you kidding me?" inis na sabi ko sa kanya. At hindi man lang siyang umimik!

"Hey... Answer me! Why did you suddenly changed your mind?"

"Will you calm down? Don't be hysterical. After all, it's your fault."

"Honto? Why?"

"Because you're late. I have an urgent meeting with my people. So please, don't get mad at me."

"Why?"

"Because..." Hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin at napapailing siyang sumulyap sa akin. "Wait! Why are you always asking why?"