CHAPTER2: UNEXPECTED STUFF MAKES ME SHOCK

87 12 20
                                    

"Good Morning sir." Bati ng mga empleyado ni Gen sa kaniyang film production company kasabay ng pagsalubong ng kaniyang secretary na si Mace habang siya'y naglalakad papasok ng kaniyang opisina.

"Sir ayon nga po palang conference room ay handa na at ikaw na lamang po ang hinihintay. Nandiyan narin po pala sina Direk Bong at producer na si Ma'am Jane Chan at nariyan nadin po ang ilang mga artistang gaganap para sa pelikula" nakangiti at nagmamadaling sambit ng secretary habang naglalakad kasabay ni Gen patungong conference room.

"Okay good Miss Mace" sagot naman ni Gen.

"Pero wala pa po yung isang inaasahan nating maging leading lady" ani ng secretary.

Napalingon si Gen at tumitig sa mata ng secretary.

Bahagyang huminto ng ilang segundo ang oras sa loob ng kumpanya ni Gen. Huminto sa paglalakad ang dalawa at nagkapalitan ng tingin. Matahimik ng sandali at kinakabahang pakiramdam ng sekretarya na tanging naririnig lamang niya ay ang mabilis na pagtibok ng kaniyang pusong nangangarera sa takot na sumagot sa boss nitong si Gen.

"Huh nasan na" magkahalong inis at pagkadismayang sambit ni Gen nang marinig ang sinabi ng secretary.

"Nasaan na, Nasaan na" paulit na ulit na pagtatanong ni Gen kay Mace bago pa sila tuluyang pumasok sa loob ng conference room.

Tahimik ang sekretarya na halos hindi na maibuka ang kaniyang bibig at maging kahit isang himig mula sa kaniya ay walang maririnig. Itinungo niya ang kaniyang ulo kasabay ng pagbagsak ng paningin nito sa sahig at hindi magawang tumingin sa Boss nitong si Gen.

"Miss Mace" ani ni Gen sa tahimik na sekretarya.

Alam ni Mace na tinatanong siya ng boss nito ngunit pinipigilan lamang niyang magsalita nang dahil sa takot ngunit natatakot din siyang hindi sumagot.

"Malapit na daw po ten minutes nandito na po sya" mahihiya't natatakot na mahinang-mahinang  pagsagot ng secretary.

Pansamantalang nakatintig sa labas ng pinto ang dalawa. Ang secretary na si Mace at ang Boss nitong si Gen.

Pilit na pagngiti ni Gen sa harap ng secretary at yumuko kasabay ng paghawak nito sa magkabilang sulok ng kilay at pasalubong na hinaplos at pababa sa parteng ilong.

"What is her name again?" kasunod na tanong ni Gen pagkatunghay ng kaniyang ulo.

"Kassy Marcus po" dahan-dahang sagot ng secretay.

"Okay that's Kassy, Now I know her" natatawang sambit ni Gen.

"I don't think na kailangan pang ipakilala yang Kassy Marcus nayan. Kilala ko na siya ngayon" dagdag pa niya.

"Pinakang-late, nasaan ang desiplina niya sa oras" madiin na pagkakabanggit ni Gen.

Yumuko ang secretary "Late ka din sir" bulong nito.

Magsabay na pumasok ng conference room ang sekretarya at si Gen na hindi ipinahalata ang inis.

"Good Morning" masayang bati niya sa mga bisitang nasa conference room na kanina pang naghihintay na magsimula ang pagpupulong. Humingi narin ng paumanhin si Gen sa kaniyang pagkahuli sa napag-usapang pagpupulong.

"Nasiraan kasi ako ng sasakyan nito lang, pasensya na at na-late po ako " pagsisinungaling niya kasabay ng pagdampi ng kaniyang kaliwang palad sa pinagpapawisang nitong noo at ilong.

"At saka nga pala wala pa si Kassy Marcus but on 5 minutes naririto na rin siya" sambit ni Gen kasunod ang pagsulyap-sulyap niya sa kanyang secretary at pagmamatyag nito sa orasang nakasabit sa dingding ng conference room na kasalukuyang alas dyes kinse na ng umaga bago pa siyang tuluyang umupo.

Meant to MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon