Chapter 66: I Can't Lie

84.4K 1.8K 722

Chapter 66: I Can't Lie

Inspired by Maroon 5's song to, since hindi ako makakanood ng concert nila sa Tuesday. Acads kasi >,<

Anyway, thank you so much sa comments sa Ch65! At dahil dyan, I dedicate this chapter to Ate kattcupcakes! Benta forever ang comment mo Ate Katt! :")

Comment and vote if you liked the chapter. 9 to go! =))

**

Anong pinakapaborito mong araw?

Siguro maraming sasagot ng Saturday kasi karamihan satin ay walang pasok. May iba rin sigurong sasagot ng Sunday kasi family day.

At sure akong may pipili ng Friday, kasi last day of the school/work week. After days of anticipation, ayan na ang pahinga!!

Pero kung tatanungin mo si Cyrus.. dati isasagot nya Friday. Minsan kasi umuuwi ang mga ate nya galing Diliman kaya di sya mag-isa. Isa sa favorite days nya ang Friday, kasama na si Wednesday.

Pero kung tatanungin mo sya ngayon? Sa tingin ko titigil muna sya para mag-isip.. tapos di na lang sya sasagot.

Para sa ikakatahimik ng lahat, at ng sarili nya, magsasalita na sya. Oh yes, you got it right. Solong-solo ni Cyrus Casabueno ang unang part ng chapter na 'to.

**

CYRUS' POV

Ano bang dapat ko pang sabihin?

Di ko rin alam. Di ko alam kung anong uunahin ko.

Dapat talaga magc-CR lang ako eh. May meeting kasi kami ni Lean, eh leche naihi pa ako. No choice.

Gusto kong kausapin si Barbs. Kahit di kami nagkakausap alam kong may bumabagabag sa kanya. Ang labo naman kasing basahin ng babaeng yun. Di ko maintindihan.

Pumunta na ako sa CR para umihi. Moments later may narinig akong nagtatalo sa labas.

"Don't push me too much, because you won't handle this anyway."

Pamilyar sakin yung boses na yun. Si Seth Bello yun, dati kong kaklase. Sya na siguro ang pinaka-aloof na taong nakilala ko. Parehas silang non-conformist ni B--

"B-bakit ba kayo ganyan.. bakit di nyo masagot mga tanong ko?"

I froze. Bakit nya kasama si Seth? Anong pinag-uusapan nila? Heck, bakit sila magkakilala!? Dali-dali akong lumabas ng CR. Di ko maexplain ang kaba ko. Ayaw ko ng ganito. Eto yung eksaktong kaba na naramdaman ko nung may tumawag sakin last month.. tungkol kay Lola Babes. Ayoko ng ganito.

Tip lang, kung may narinig kayong nag-aaway at curious kayo, dahan-dahan lang ang paglalakad. Wag magmadali. Kung posible eh sumilip na lang kayo dyan. Wag nang magpakabayani at sumulpot sa frame ng nag-aaway.

Sana pala may nag-tip din sakin ng ganyan. Because I did the opposite. Sumugod ako sa isang laban na di ko alam na laban talaga. Ni armas o tapang para tumakbo wala ako.

If I FallRead this story for FREE!