x52: Will She or Will She Not?

161K 1.9K 718

sya^si @eleveninetyone! dati eleventhscorpion, now nman 11-91. what's with #11, teh? ehe.. XD thanks po sa matagal nang pagread dito sa PB.. ;)) 

- - - - 

x52: Will She or Will She Not? 




[CJ's PoV] 


"Sir, pinapupunta po kayo ni Madame sa Tagaytay Branc--" 


"FOR WHAT NA NAMAN?" inis kong tanong kay Leonor, ang secretary na na-assign sakin dito sa office ni Dad. 


"M-May-May problema raw po kasi dun ngayon r-regarding sa management at-at gusto nya po yung ipacheck sa inyo.." nakayukong paliwanag nya. 


Napapikit na lang ako at sumandal dito sa office chair. 


MOM MUST BE PLAYING HER GAMES AGAIN, HUH?


Nakarating na siguro sakanya ang pagiging madalas at maaga kong pag-out dito sa office para puntahan si Rachel kaya ito, tinatambakan na na naman nya ko ng trabaho. 


"Sige.." kalmado ko nang sagot kay Leonor. "Tell her that I'll go there once I'm done here." 


"O-Okay po.." nakayuko pa rin syang nagpaalam tsaka lumabas ng kwarto. 


I sighed when she finally left. Ang malas lang ng naging secretary kong yun. Nitong nakaraan ba naman eh sakanya ko lagi nabubunton ang inis ko sa mga problema ko sa buhay. 


Problema.. Sa lahat na lang yata ng bagay eh may problema ko ngayon. Sa school, sa pamilya, dito sa office at sa.. 


'I love you too, Adrian..' 


TSK. 


Napapikit ulit ako nang maalala ko ang sinabing yun ni Rachel sa pagtulog nya two days ago. 


It was very confusing.. Di ko alam kung anong iisipin ko sa sinabi nyang yun. 


I want to think that it was just a small mistake pero hindi. Hindi ganun ang iniisip ng utak ko. 


RACHEL MEANS IT-- yan ang sinasabi ng utak ko. She subconsciously uttered those words in her sleep 'cause it was what she truly feels deep inside. 


Si Rachel.. Kaya ba naiilang na sya twing nasa paligid si Adrian kasi..kasi nahuhulog na ulit ang loob nya sa lalaking yun? 


I smirked at that question. Sinaktan ko ba naman ang sarili ko sa tanong na yun. 


Pero alam ko, kaya ko nasaktan kasi alam kong posible yun. Alam kong nagkukulang na ko kay Rachel at si Adrian na ang madalas nyang nakakasama kaya NAPAKA-POSIBLENG MANGYARI NUN. Idagdag pa dun yung katotohanan na minsan na nyang minahal ang lalaking yun. 


Ahh damn it.. 


Rachel.. I love her so much. Sila ni Andy, mahal na mahal ko sila. Sila na ang pamilya ko. Sakanila na umiikot ang mundo ko. 


Pero paano na kung mawala na sila sakin? Paano kung mabawi na sila ni Adrian? I don't think I'll be able to get through that if that happens.. Di ko yun kakayanin.. Hindi.. 


Sandali akong nag-isip. Then I took out my phone from my pocket to call Rachel. 


Mali 'tong ginagawa ko. Hindi ito ang oras para unahin ko itong takot ko. 


Di pa naman huli ang lahat eh, diba? Siguro nga nahuhulog na ulit ang loob ni Rachel kay Adrian pero ang mahalaga, nasa akin pa rin sya. She's still holding on me and I should take advantage of that. 


Di ko na hihintaying dumating pa ang oras na iiwanan nya na ko kasi ngayon pa lang, gagawa na ko paraan para di nya ko iwan. 


I will do something that will make her love me the same way again. Something that will make her stay with me forever.. 




[RACHELLYN's PoV] 


PSH! Ano ba tong sina Jennifer! Magtetext na pumunta raw ako sa lugar kung nasaan sila tapos nung malapit na ko, sasabihin nilang wag na lang ako pumunta?! Hmp. Makapunta na nga lang sa next class namin kahit maaga pa! 


Naglakad na ko. Dapat diretso na ko dun sa building kung saan naroon ang classroom na papasukan pero napahinto ako sa may tambayan. 


Si Adrian kasi, nandun. Nakaupo sa isang bench at super seryoso sa pagbabasa ng libro. 


I smiled seeing him like that. Naalala ko kasi ang baby ko. Ganyan na ganyan din sya pag nag-aaral eh.. Parehas na parehas talaga silang mag-ama.. :)) 


Tss. Nasira naman agad yung view na pinapanood ko. May babae kasing tumabi kay Adrian. =___= 


Nagtatanong yata yung babae tungkol dun sa binabasa ni Adrian at yung lokong yun naman, ngiting-ngiti na inentertain yung babae. T___T 


*bzzzz 


Nagvibrate bigla itong phone ko na hawak-hawak ko. 


May tumatawag and..and it's CJ! 


"DADHIEEE.." sagot ko sa tawag nya. 


"Mhie, are you still in school?" 


"Opo.." 


Natawa sya sa sagot ko. "Eh anong time uwi mo?" 


"Hmm.. 4 po." 


Natuwa ulit sya. "Hehe.. You're so cute.. Ay. Sunduin kita mamayang uwian mo ah?" 


"Wow.. Sige, Dhie. Hihintayin kita." 


"Okay. See you later, Mhie. I love you." 


Natigilan ako saglit at napatingin ulit kay Adrian na nakaupo pa rin doon sa tambayan. 


"I love you too.." sagot ko na kay CJ.  

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!