Kath's POV.

Ang aga aga, tulala parin si DJ. Pero makikita mo naman sa mga mata niya na ang saya saya niya.

Kanina ko pa tinutusok yung cheeks niya, pero wala eh, ayaw talaga akong tignan.

5 minutes siguro siyang tulala..

Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo, tapos kumapit sa magkabilang balikat ko. "YES!" Sigaw niya'.

"Yes?" Tanong ko.

Nginitian muna niya ako bago siya magsalita. "Good news or bad?" Tanong niya.

"Syempre good muna." Sagot ko.

Ngumiti ulit siya then.. "Pumayag na si  Megan na ligawan ko siya!" Sigaw niya.

Kasabay ng pagsigaw niya..

Ang pagwasak ng puso ko.

"Ah.. E bad?" Tanong ko. Iniiba ko na lang, ayoko eh. Ayoko.

"Hindi kasi ako marunong manligaw, first time ko 'to.. Kaya tutulungan mo ako ha." A-ANO?! Ako ang tutulong sa kanya? Pero bakit ako? Sobrang torture naman nito pra sakin.

Baka ikamatay ko pa ang pagtulong dito eh.

Pero hindi ko alam, napaka-tanga ko para sabihing "Oo ba. Ako ang bahala sainyo" Pagkatapos kong sabihin un, tumakbo na ako sa CR.

Pagpasok na pagpasok ko, tumulo na agad yung luhang pilit kong pinipigilan kanina. Wala eh, wala na akong pag-asa, tutal kay Megan naman talaga siya magiging masaya. 

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!