TMAFK#26

24.3K 549 24
                                    

Ava's pov.

"Sa bawat team ay may sampung kalahok para sa larong luksong baka."

Hindi na ako nagtaka kung panay laro ang gagawin namin sa camp. Bawat camp na sinasalihan ko dati ay ganito rin ang pinapagawa. Required din ito para sa Physical Education namin subject.

"Limang babae at limang lalaki para fair." Suggest ni Kaye Ann habang namimili ng mga membrong sasali sa laro.

"Sa boys ay sina Albert, Airon, Dominic, Kristoffer and me, the most beautiful gay." At nagmodel pa sa harap namin si Rex.

"Girls, who wants to play?" Tanong ni Kaye Ann habang pinagmamasdan kami.

"Me and my friends." Kung sasali ako dapat kasali rin mga kaibigan ko.

"Nandamay ka pa," reklamo ni Maxine sa akin.

"Ayaw mo nun kalaro mo jowa mo." Natatawa kong sambit dahilan para isnaban niya ako.

"Sino pa?"

"Ako at saka si Eunice." Turo ni Kaye Ann kay Eunice na naka upo sa isang gilid.

"Iba na lang. She doesn't know how to play luksong baka. Baka ikapahamak pa niya." Nag-aalalang sambit ni Dominic para mapatingin ako kay Adriana na busy sa pag-uunat ng katawan.

Thanks, she didn't hear that. Baka magselos na naman ang kaibigan ko.

"Okay, iba na lang. Bawal ang maarte dito." Prangkang sambit ni Maxine. Tumingin sa kanya si Dominic ngunit inisnaban lang niya ito.

"Ako na lang. I'm not maarte." Presenta ni Abigail habang nilalaro ang kanyang kuko.

"Okay, saktong ten na."

"Are you sure you want to play this game? This is your first time." Nag-aalalang tanong ni Kristoffer sa kaibigan namin.

Agad naman akong kinurot ni Maxine. "See, over protective pa rin si Kristoffer sa ating kaibigan." Boto kase si Maxine kay Kristoffer noon. While ako kay Dominic kaso pareho silang manloloko.

"Kristoffer, OA lang? S'yempre hindi maarte si Adriana gaya ng iba." Saad ni Kaye Ann habang pinaparinggan si Eunice.

"I'm just concerned. She has a beautiful face ayaw ko lang magasgasan." Nakangiting sambit ni Kristoff kay Adriana para kami'y kiligin.

"True! I'm your beautiful ex." At nakipag apir si Adriana kay Kristoffer.

Confirmed! Wala na siyang feelings sa rx niya. Nakakatawa na ang kaibigan ko sa harap ni Kristoffer pero noon iyak lang ito nang iyak. I'm so happy for her.

"Kaya mong maglaro?" Tanong ko habang nag-aalala kay Adriana.

"Oo naman kaso first time kong maglaro ng luksong baka." Mukhang excited pa nga si Adriana dahil nag-uunat unat na ito.

Nauunawaan ko ito. Back then, she can't go outside to play with other kids. Lumaking mag-isa si Adriana at laging busy si Kuya Alex sa business nila.

But today, she's completely fine with her kuya. Pagkatapos naming ipaliwanag kay Adriana ang procedure ng game ay humanay na kami.

"Ready, set, go!"

Si Abigail ang unang tumakbo at tumalon sa una't pangalawang baka. Hindi naman siya pabibe gaya ng iba kaya mabilis siyang nakabalik sa base namin.

"Kaye Ann, kaya mo iyan." Si Kaye Ann na ang sumunod. Sa pagmamadali niya ay nababara ito kasama ng baka.

"Maxine, you can do it. Love you baby!" Pagche- cheer ng kanyang boyfriend. Sanay sanay na 'yan dahil lagi itong naglalaro ng luksong baka sa probinsya.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon