Start

171K 2.5K 396

Check out the first book, where it all started... Mean For You. 

Maxwell is pretty. I think I like her.

I saw her grab the hair of a girl earlier during recess. I heard she did that dahil pinagtawanan siya nito nang nagkamali siya ng sagot sa tanong ng teacher. It was fun to watch her get mad. She’s brave and she’s not afraid anyone at all. Kahit ako, kapag inaaway ko siya ay inaaway niya rin ako. I love annoying Maxwell. She’s cute.

Palagi ko siya inaaway kasi gusto ko pag nagagalit siya sa akin. Hindi niya kasi ako pinapansin kapag hindi ko siya inaaway kaya lahat ginagawa ko para lang maasar siya. She’s mean, I’m already mean but I can be twice as mean for her.

Nung isang araw, dumaan si Maxwell sa table namin ng mga kaibigan ko. She gave Isaiah a high five as soon as she finished and she ignored me. Gusto ko ako yung apiran niya pero hindi niya ako pinansin. That’s why I tripped her when she passed by me. Nasubsob si Maxwell sa sahig at nagsitawanan yung mga classmate namin.

I got so nervous when she stood up and sent me a killer glare. My knees shook and I was afraid that she’ll end up hating me. I don’t want Maxwell to hate me. I want her notice me. Gusto ko ako lang yung pansinin niya.

I know she has the biggest crush on Grant and that pisses me off ‘cause I want her crushing on me instead.

“Bakit mo ako pinatid?!”

“What did you say? I didn’t.”

“Don’t deny it, Rush. Alam ko na pinatid mo ako!” Ngumisi ako. Umuusok na ang ilong niya at halos namumula na rin siya sa galit. Ang cute niya talaga.

“Oh sige. Pinatid kita. Paki mo?”

“Halimaw ka talaga!” She shrieked before storming off and I can’t help but chuckle. Paano ko siyang hindi aasarin? Ang sarap-sarap niyang inisin. Galit na galit siya at pagkatapos ay pinapansin niya pa ako. I swear I’m not going to stop annoying her.

Inaya ko maglaro ng xbox si Grant. It’s what we do whenever we’re bored and I’m bored right now. Grant and I usually share the same interests. That’s the reason why he’s more like a brother to me than a cousin. We always like the same things at the same time.

Although we both have differences too. Lalo na when it comes to our personalities. Tahimik at suplado si Grant—wala siyang paki sa ibang tao, samantalang ako I love to play with people’s feelings and laugh at anyone’s demise. Yeah, I’m bad. I don’t care though.

“Maxwell has a crush on you.” I said out of nowhere.

“Yeah, I know.” Grant replied. I waited for him to add anything but he never did. I quickly paused the game which surely captured his attention. Grant doesn’t like being disturbed from the game, that’s why he snapped at me. “What?”

“Do you have a crush on her too?” Bigla akong tinawanan ni Grant. Binigyan ko siya ng blangkong tingin at hindi inalis iyon sa kanya. Napangisi siya sa akin nang maisip na hindi ako magsasalita hanggat hindi niya sinsagot ang tanong ko.

Mean to Be (Mean #2)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!