Chapter 10

1.9K 26 1
                                    

"Are you avoiding me Sophie?" hindi alam ni Charly kung paano sasagutin ang tanong ni Theo.

Pumikit sya ng mariin at saka tumawa ng malakas bago ito hinarap.

"Huwag ka ngang magpatawa Theo. Bakit naman kita iiwasan?" tumawa pa sya ulet ng malakas bago tuluyang inalis ang pagkakahawak ng binata sa braso nya.

"Ako iiwasan ka? Psssh. Nananaginip ka pa ba o naghahallucinate?" eksaheradang iwinasiwas pa nya sa ere ang kamay nya habang sinasabi iyon.

Nagtaka sya ng bumuntong hininga lang ito bilang sagot at saka bahagyang ginulo ang buhok nya.

"I'm relieved to hear that. Maybe I'm just imagining things." bahagya syang nakonsensya dahil sa ekspresyon ngayon nito.

"By the way, what are you doing in the men's restroom? Are you trying to peek on the members?" bumalik na ang nakakalokong ngiti sa mukha nito at parang biglang gusto nyang burahin ang ngiti na iyon sa mukha ng binata.

Unggoy talaga!

"Hindi noh!" mas lalong lumapad ang pagkakangiti ngayon ni Theo dahil sa paraan ng pagsagot nya dito. Halatang guilty kasi siya.

"I mean I'm just looking around for idea for SRC anniversary event?" alanganing sagot nya dito. Gusto na nyang lumubog sa kinatatayuan niya ng mga sandaling iyon. Dahil maging sya ay hindi makumbinse ang sarili sa binigay na dahilan dito.

"Really? Marami ka naman bang nakitang idea?" naubo sya sa naging tanong nito.

"O-of course. Mauuna na ko sayo, may meeting pa kami." irap nya dito bago nagmadali itong lagpasan. Ngunit madali din sya nitong nahabol.

"I have the files that you need for the mini exhibit you want to propose for the anniversary event." napatingala sya at napangiti sa narinig dito.

"Really? Where's the file? Ibigay mo na ngayon saken?" excited na tanong nya dito.

"Tsk nagiging mabait ka lang ba dahil may kailangan ka saken" napangiwi sya dahil sa sinabi ni Theo.

"Fine. Let's go." saad nya saka naglakad palayo.

"Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Magsisimula na yung meeting." turo nya sa lugar kung saan nila gaganapin ang meeting. Nagkibit-balikat lang sya ng hindi pa din natinag si Theo.

Napailing at napangiti si Theo bago sumunod kay Charly.

"Ms. Charly, akala namin napadpad ka na talaga sa outer space eh." pabirong bungad ni Peter sa kanya at napadako ang tingin sa likuran nya.

"Hi Sir Theo, galing ka din ng outer space?" parang gusto nya ngayong sakalin ang assistant dahil sa daldal nito.

"Are you referring  to the men's res........." hindi na natapos ni Theo ang sinasabi nang agad na tinakpan ni Charly ang bibig nito.

"Magsimula na tayo!" pinanlakihan nya ng mata ang binata bago tuluyang inalis ang pagkakatakip sa bibig nito.

Lalo lang tuloy silang pinagkaisahan ng mga kasama nya na tuksuhin kay Theo dahil sa ginawa nya.

Napairap si Charly kay Theo ng mapatingin sya dito, malapad kasi ang ngiti sa kanya ng binata na nakapagpataas ng isa nyang kilay. Ngunit agad din syang napaiwas ng tingin ng kindatan sya nito. Napadiretso sya ng tingin sa dinidiscuss ng kanyang team.

"I think we're ready for the final presentation tomorrow. Let's just hope na magustuhan agad ni Mr. Alleje itong proposal natin." napangiti sya ng makita ang reaksyon ng kanyang team sa sinabi nya.

"Anong masasabi mo Sir Theo?" napalingon din sya sa gawi ng binata dahil sa tanong ni Rosy.

"Don't worry. Reid will agree, magaling ang event head nyo." sa kanya ito bumaling bago sya kinandatan.

Stallion Riding Club Series (Fanmade) THEO BUENCAMINO IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon